Chapter 47

13.3K 584 268
                                    

Warning: Mature Content

Thanks for greeting me! Dahil Mother's Day naman, i-share ko na rin 'to! Enjoy!

Aibe wasn't able to respond immediately. She knew that Uno was dead serious. Sa isla pa lang noon, alam niyang kakaiba ang libido ni Uno at paminsan-minsan pang hindi siya makasabay.

At dahil sa libido ni Uno, na-experience ni Aibe ang sinasabi nilang langit. Piloto si Uno by profession, pero piloto rin ito pagdating sa kama. Literal na marunong mandala sa kalangitang hindi inaasahan.

Tumalikod si Aibe para humarap ulit sa salamin at nagpatuloy sa pagsuklay. Kung ano man ang mangyayari sa magdamag, ayos lang sa kaniya. Mahal niya si Uno at asawa na niya ito.

"Love? Do you want me to use a protection?" tanong ni Uno habang nasa likuran niya. "Wala kasi rito sa condo kaya bibili muna ako sa ibaba. May gusto ka bang pagkain?"

Natigilan si Aibe sa pagsuklay at napatitig kay Uno. "Magkco-condom ka?"

"Oo. Baka kasi may mabuo. Baka hindi ka pa ready sa next baby lalo na at medyo maliit pa naman si Paige," sagot ni Uno at tumalikod. "Magbibihis lang ako sandali tapos bababa na muna ako. May gusto kang kainin?"

"Bili mo ako ng chips. Kahit ano'ng chips at saka ice cream na rin," ani Aibe at mahinang natawa. "Kakain ba tayo tonight?"

Lumabas si Uno sa walk-in closet at may ngiti sa labi nito. "Oo, pagkatapos kitang kainin," sabi nito sabay kindat.

Umirap si Aibe at nagpatuloy sa pagsuklay. Tinawagan na rin muna niya si Lea para kumustahin si Paige at sinabing nasa kwarto ito ng mommy at daddy ni Uno. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-onse na ng gabi. Gusto raw pala kasi ng mga itong makatabi sa pagtulog ang apo.

Binuksan niya ang TV sa loob ng kwarto ni Uno at naghanap ng palabas ngunit wala siyang makitang maganda. Lumabas siya ng kwarto para pumunta sa balcony na nasa living room ng condo. Kita ang city lights, ang mga bituin sa langit, at bigla niyang naalala na kasal na nga pala siya.

Sandaling ipinroseso ni Aibe ang katotohanang ikinasal nga sila ni Uno at nangyari ang gusto niya.

"Hey, love!"

Nilingon ni Aibe si Uno na ibinaba ang plastic na hawak nito sa lamesa ng kusina bago pumunta sa balcony. Sumandal ito sa railing at nakatingin sa kaniya. Inabot din nito ang hawak nitong pinipig ice cream at pinakagat siya.

"Love, may tanong ako," ani Aibe at tinapos ang pagnguya bago nagsalita,. "What's your dream wedding?"

"Wala." Umiling si Uno at mahinang natawa. "Sa totoo lang, wala sa isip kong ikakasal ako kaya hindi ko naisip ''yan noon. Bakit mo natanong?"

Natawa si Aibe. "Parang bigla kong naisip na ang swerte ko kasi ''yung napangasawa ko, walang preference sa kasal. Gusto kong sabihin sa ''yo kung bakit mas pinili ko rin na magpirma na lang tayo."

Tahimik na kumakain si Uno ng pinipig habang nakatingin sa kaniya.

"Okay lang naman sa ''yo pag-usapan ang ex ko, ''di ba?" paniniguro muna ni Aibe bago magsimula.

"Oo naman. Wala naman akong pakialam sa kaniya," sagot ni Uno bago inabot muli ang ice cream kay Aibe. "Ano'ng meron?"

Huminga nang malalim si Aibe at natawa. "Noo'ng kami pa, na-imagine ko na ''yung gusto kong kasal. Maraming imbitado kasi kasama 'yung friends namin n'oung college, friends ko sa office, friends niya sa office, mga kababata, pamilya, lahat ng puwedeng imbitahan, papupuntahin namin. May preference na ako ng gown, may catering company na nga akong natanong, tapos kumpleto na lahat ng gusto ko. Kahit hindi pa namin napag-uusapan . . . ." Sandaling tumigil si Aibe.

No Gain All Painحيث تعيش القصص. اكتشف الآن