Napakunot ang noo ko. Pero agad namang sumama ang mukha ko ng mag-give way yung mga lalake. "What are they doing here?!" inis na sabe ni Candy. Sully tsked. Ako, napataas nalang ang kilay ko. Stalker ba namin tong mga to? Napayakap naman ako kay KJ ng makita silang palapit. Imposibleng coincidence lang to.

"Wow, nice to see you again, boys." maarteng sabe ni Rina. Pero nakatingin lang siya kay Jiro.

"Lucas, babe!" napatingin naman ako kay Candy.

Bigla niyang hinila si Lucas papunta sa tabi niya bago pa makalapit si Erika. Si Sully naman nasa harap ni Rain at ngayon nakikipag titigan kay Louisa.

Tinignan ko naman ng masama si Rina. She smirked. "And it's so nice to see you again, Akira." nakangisi niyang sabe. I gritted my teeth.

"Not so nice to see you, Rina." inis kong sabe. She raised an eyebrow.

"Mukhang mainit ang ulo mo, Akira. Relax ka lang. Wag mo sabayan ang init ng araw, baka mamaya sumabog ka na jan sa init." sabe niya. Nang iinis ba tong babae na to?

I gave her a fake smile. "What are you doing here? Are you stalking us? Oh, I mean Jiro?" nakangiti kong sabe. Flinip naman niya ang hair niya. I rolled my eyes.

"No. Nandito lang kami to have fun and enjoy the heat." maarte niyang sabe.

"If you don't mind, aalis na kami." sabe ni Sully sabay hila kay Rain. Napatingin naman kami sa kanila.

Hinila ko nalang din kaagad si KJ. Ganun din ginawa ni Candy. Mga panira ng bakasyon. Ano ba kasi ginagawa nila dito sa Subic? At mukhang parehas pa kami ng pinagste-stay-an.

"AM." he wrapped his arms around my waist.

"Calm down. Don't mind her. Let's just enjoy our vacation, okay?" I sighed and nodded. Nginitian niya ako at syempre I smiled back.

Bwiset lang kasi talaga yung mga yun. Mga panira ng araw. Sana lang di nila kami guluhin.

I want our vacation to be fun and stress free. Gusto ko lang na mag-enjoy kami. Pero mukhang malabo mangyari. Kasi nandyan yung Three Bitches!




"Woah! Grabe, ang ganda ng ilalim ng dagat noh?" sabe ni Rain.

Kakatapos lang kasi namin magscuba diving. Nakapag try na din kami mag jetsky kanina. At grabe si KJ binilisan niya yung jetsky para lang mayakap ko siya ng mahigpit. Tapos nung ako naman, binagalan ko. Nakasimangot pagkatapos namin mag jetsky. Binelatan ko nalang siya.

Umupo na kami sa mga beach chairs kung saan nakalagay ang mga gamit namin. "Surfing? Sino sasama?" tanong ni Lucas. Umiling kaming girls.

Ang hirap kaya nun. Di namin keri yun. Kaya silang tatlo nalang nagsurf.

Kumaway muna sila samin bago pumunta sa dagat. "Alam niyo, naiinis na talaga ako sa mga tingin ng mga babae." sabe ni Candy.

"Wala naman tayong magagawa dun e. Atsaka, hanggang tingin nalang naman sila." sabe ni Sully. Di na ako sumagot.

"Oh yeah, yung three bitches nga pala. Ano nanaman kaya binabalak ng mga yun?" sabe ni Candy.

"Sa tingin niyo, sinundan talaga tayo ng mga yun?" tanong ko. They shrugged. "Maybe." sagot ni Sully.

"Or, coincidence lang. Malay naten." sabe naman ni Candy. I nodded.

"Shit! Ayan nanaman sila." sabe ni Candy. Napatingin naman kami sa right side namin. MyGosh! Ano nanaman kailangan nila?

"Oh! Bakit kayo nandito? Nasaan na sila Kyle?" tanong ni Rina. I rolled my eyes. "Nagsu-surf sila. What do you want?" sabe ko. Lumapit pa sila samin.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Are you threatened by me?" nakangisi niyang sabe. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You wish." sabe ni Candy.

"No. I'm not threatened by you. Baka lang kasi gumawa nanaman kayo ng eskandalo. Ayaw lang namin madamay." nakangiti kong sabe. Napataas naman ang kilay niya.

"What are you implying? That we're war freaks?!" inis niyang sabe. I shrugged.

"I didn't say that. You did. But, maybe yeah." nakangisi kong sabe. Kumunot na ang noo nilang tatlo.

"You better watch out, Akira. Soon mawawala na din si Kyle sayo ng tuluyan." nakangisi niyang sabe. Ngumisi naman ako pabalik.

"Didn't you heard? Me and KJ are engaged." sabe ko. Nawala ang ngiti niya.

"Oh, and so are Candy and Sully. At sa June na ang kasal nila Sully at Rain. Kung gusto niyo pwede kayo pumunta." nakangiti kong sabe.

"Well, engage palang naman kayo diba? Di pa kasal. Hmmm... I can take that chance." nawala naman ang mga ngiti namin sa sinabe niya.

Wala talagang patawad tong babaeng to. Bwiset!

"Watch them, baka kasi mamaya di niyo na sila makita. Let's go girls." at naglakad na sila paalis ng may mga ngiti sa labi.

"What the fuck?!" sabay sabay naming sabe.

That will never happen. Asa naman siyang magugustuhan pa siya ulet ni KJ.

Like, hello? More than three years na siyang inlove sakin. Sobrang tagal na nun. Kahit pa nung nagbreak kami, he still loves me and that never changed. Ang sarap talaga kalbuhin ng mga babae na yun.

Sweet Despair Where stories live. Discover now