Chapter 10: Theif

7 1 1
                                    

Xenan’s POV

"Xenan, punta ka rito sa café ko, ah?” Tumawag ang isa kong kaibigan, si Devin, at iniimbitahan niya ako sa opening ng bago nilang café. Dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita ni Devin, I accepted his invitation.

At ngayon, nagmamaneho na ako papunta sa location ng café niya. It took 37 minutes before I arrived at his shop.

Agad akong nilapitan ni Devin at inalalayan niya ako papasok. Maganda ang ambience ng café niya, hindi masyadong masakit sa mata.

Nagsimula na rin ang opening. After two hours, natapos na rin ‘yun at nagpaalam na ako kay Devin na uuwi na ako.

“I’ll go now, Dev.” I patted his shoulders. He nodded.

“Sige, Xen,” tugon niya. “So, tuloy na ‘yung flight mo pabalik ng China?”

I chuckled. “Yep. Mga one week din akong mawawala.”

“Ganun ba? Eh, si Jimmie? Isasama mo?”

“‘Yun nga Dev eh,” aniko. “Naghahanap ako ng taong pwedeng magbantay kay Jimmie habang nasa China pa ako.”

“Hmmm,” he murmured. “Ganito, ‘pag may nahanap ako, sabihan na lang kita.”

I nodded. “Sige, sure.”

“Okay!”

“Geh, alis na ako,” paalam ko. “Bye. Congrats sa successful opening ng business mo.”

He grinned again. “Sige, sige. Salamat nga pala!”

Nginitian ko siya at umalis na. I hopped inside my car at
nagsimula na ring ipaandar ito.

Habang nagmamaneho ako, napansin ko ang isang pamilyar na kalye. “Anghel Street?” I think again kung saan ko nakita ang kalye na ‘to dahil mukha talaga siyang
pamilyar eh.

Then… “Ah! Dito nga pala nakatira si Tatay Johnny.”

Napangiti ulit ako. It’s been 6 years nung huli kong nakita si Tatay Johnny. He was our former family driver. “At wala naman sigurong problema kung bibisitahin siya, noh?” Thinking again, lumiko ako ng daan: papunta sa “Anghel Street”.

“Anghel St. Pffft—” napatawa ako dahil bigla kong naisip: Mukhang di ata ako welcome dito.

At dahil naalala ko pa ang bahay nila Tatay Johnny—minsan na rin kasi akong napadalaw dito nung bata pa ako—ay nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Hindi ako sure kung dito pa rin nga ba sila nakatira hanggang ngayon, pero, let’s try na lang.

“Knock~ Knock~”

I knocked on the door. It took a couple of minutes or more before the door opens. At nakita ko ang isang matandang babae.

“Good afternoon po,” I greeted politely. “Dito po ba nakatira si Johnny Gomez?”

The old woman looked at me. “Oo, hijo. Dito siya nakatira. Sino pala kayo?”

“Ahem,” I forged a cough. “I’m Wang Xenan po. Anak po ni Mr. Wang Xi.”

“Oh!” the old woman exclaimed. “Ikaw pala ‘yung Xenan na ikukuwento ng asawa ko. Sige, hijo, pasok. Tatawagin ko lang ang asawa ko.”

Tumango ako kay Lola at binigyan s’ya ng isang ngiti. Pumasok na ako sa loob. Mmm, hindi rin masama ang bahay nila.

Pinaupo ako ni Lola Remi sa upuan nila sa sala. Tatawagin daw muna niya si Tatay Johnny. Dahil wala akong magawa, I just travelled my eyes around. At napako ang tingin ko sa isang picture frame. At nasorpresa ako dahil ang tao sa picture na ‘yun ay walang iba kundi si…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now