Chapter 9: Young Master?

8 3 0
                                    

"So you and that Sephi Gomez girl are classmates?" iyan ang pag-uusisa ni Daze sa nakababatang kapatid ng kaniyang kaibigang si Kenji, si Jebher. Matapos nilang malamang apat na magkaklase pala ang dalawa ay naging interesado na sila rito. Sino ba ang hindi na 'yung kaaway mo pala ay kaklase ng kakilala mo rin?

"Ah, yes po Kuya Daze," sagot naman ni Jebher kahit na siya'y takang-taka na sa pinagkikilos ng kanyang kuya at ng mga kaibigan nito. Una, nagtataka siya kung bakit kasama nila ang kaniyang kaklaseng si Sephi at pangalawa, bakit tanong sila nang tanong tungkol kay Sephi samantalang wala naman silang interes sa buhay ng iba lalo na sa mga babae.

Gayon pa man, walang ikinibo si Jebher tungkol dito; nananatili lang siyang tahimik hanggang sa ang kapatid na niya ang magsabi. Pero parang wala na rin siyang pag-asang malaman pa ito dahil wala rin namang balak ang kaniyang kapatid na sabihin ang tungkol dito.

"So," pagpapatuloy ni Daze sa kaniyang pag-uusisa, "ilang taon na kayong magkakilala?"

"Uhmm." Tumigil muna si Jebher at nag-isip-isip. "Ahh, halos two years na rin."

Tumango si Daze sa tugon ni Jebher at mas lumawak pa ang ngiti nito sa labi. Lumapit siya nang kaonti kay Jebher at nagtanong, "So you know much further about her?"

Nag-iintay si Daze sa sagot na hinihintay niya mula kay Jebher. Pero ibaang lumabas sa bibig nito. "Bakit mo po natanong kuya Daze? Crush niyo po ba si Sephi?"

"Pfffft-" napatawa ang tatlong sina Xenan, Neiko at Kenji dahil sa sinabi ni Jebher. Si Daze, may crush kay Sephi? That was so funny for them.

At ang reaksyon na lamang ni Daze ay ang mapapikit sa kaniyang mga mata nang maigi at pinakakalma ang sariling hindi makaltusan si Jebher. Isa iyong malaking insulto sa kanya!

"Lagot ka, Jebher. Haha, pinapagalit mo na ang anghel. Pffft-" tawang-tawang sabi ni Neiko at tinitignan pa ang namumulang mukha ng kapatid.

"Tumigil ka nga, Neiko," suway ni Daze sa kapatid habang nakakunot ang noo.

Tumigil naman si Neiko pero di pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.

Maya-maya ay may dumating na lalaking medyo may edad na ngunit pangmayaman pa rin ang awra. Nakasuot siya ng Louis Vuitton Evening Wax flower cut away jacket and cigaret pants at wax flower shirt. Sa pulsuhan pa nito ay nakasuot ang Lange & Söhne Grand Complication Watch. Simple lamang, ngunit mamahalin.

Lahat ay nakatingin sa kanya. Singkit ang mga mata nito, maputi ang balat at makinis ngunit halata na ang katandaan nito. Lumakad siya patungong stage, at nasa kanya ang atensyon ng lahat.

At ang mas nakahuhumaling sa kanya ay ang kagwapuhan nito sa kabila ng kanyang katandaan. Hindi nga maitatangging nagmana sa kanya ang dalawa pa niyang naggwagwapuhang mga anak-sina Kenji at Jebher Hemn.

"Grabe talaga ang papa mo Kenji," komento ni Neiko pagkatapos uminon sa kaniyang champagne. "Hindi pa rin pala kumukupas ang kagwapuhan ni Tito Akihiro."

"Inggit ka, ha, Neiko?" asar natanong ni Daze.

Neiko just glared at him. Ano pa nga ba ang magagawa niya sa kuya niya?

"Good evening everyone," bati ng ama nina Kenji. His voice is somewhat deep and husky. Agad siyang nagpatuloy, "I know that the weather isn't friendly today, but still, you came."

Umuulan nga sa oras na iyon. Pero dahil importante ang event na ito, lahat ng imbitado ay dumalo.

Mr. Akihiro continued, "This evening, would be the one of the special days for you all. At masasabi kong, ang araw ding ito ay isang biyaya. Alam kong matanda na ang aking mga anak, pero gwapo pa din."

THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now