Chapter 6: ❛❛The Four Wolves are Friends"

5 1 0
                                    

"Ate Sephi, viral ka na."

Iyan ang bungad sa akin ng pinsan kong si Jessie nang makapasok ako sa kwarto namin. Nakahiga siya sa lower level ng double bed namin kama. Napabuntong hininga na lang ako habang inilagay 'yung bag ko sa sulok.

"Oo, alam ko," sagot ko at hinubad 'yung blouse ko at pinalitan ng kulay blue na t-shirt. Hinubad ko na rin 'yung palda ko kaya naka-shorts na lang ako.




Umupo ako sa silya at kinuha ang cellphone ko.



"Ate Sephi, gwapo ba 'yung lalaki?" Napaangat ako ng tingin sa pinsan ko at nakita ang mukha niyang nag-iintay. Hay, pati siya inuuna ang malditong lalaking 'yun kesa sa sarili niyang pinsan?! Oo nasampal ko 'yung lalaki, pero may dahilan 'yun. Ininsulto niya ako!




"Bakit, may balak ka bang maging jowa 'yun? Eh ang sama ng ugali eh! Sinasabi ko sa'yo!" saad ko kay Jessie at dine-defend talaga ang sarili.




"Ate naman, nagtatanong lang eh," aniya at muling itinuon ang sarili sa cellphone niya. Hindi na rin ako umimik hanggang maghapunan na kami.


Tapos na kaming kumain ng hapunan. Nandito na ako ngayon sa kama ko which is 'yung upper level ng double deck. Nakahiga ako nang pakulob habang naglalaro ng Candy Crush. Maya-maya ay naisipan kong mag-Facebook.





"Ano 'to???" Nakakunot na 'yung noo ko habang sabog 'yung Notifications ko ng mga mention ng iba't ibang tao. At iisa lang sila ng pinag-comment-an na post-yung video na viral na ngayon sa FB.






Sephi C. Gomez yung name ng girl haha sana narealize niya kung gaano ka hiya yun


Grabe naman yang si Sephi C. Gomez, sana nahihiya siya ngayon, kawawa naman 'yung guy pogi pa naman sana T_T



Ay, Sephi C. Gomez pala name nung girl, sana nahiya na siya ngayon, magsorry sana siya sa lalaki, gwapo pa naman daw



Yan lang ang ilan sa mga comments ng netizens na minention pa talaga 'yung FB account ko. Pashnea.




Pati 'yung message requests ko sa Messenger, sabog na rin. At ang malala, nag-r-rant pa sila sa akin.
Anong problema nila?! Papansin, ganon?!





"Paano nila nahanap account ko? Sinong nagsabi sa kanila ng account ko?" nagtataka kong tanong . Ayos naman sa akin eh, pero parang hindi ko na keri. Bwuset na life 'to.








Hindi ko na pinansin 'yung mga nag-me-message sa akin. Hindi ko na rin pinagaksayahang basahin 'yung chats nila, wala na akong pake. Basta huwag lang nila guluhin pati 'yung pamilya ko. Malalagot talaga sila sa akin.



"Ting!" tunog ng notificaton ko sa Messenger. Nag-chat si Jellah sa GC naming apat.





Jellah: [Guys, grabe na 'yung comments ng netizens. Pinag-aano na nila si Sephi]

Threm: [Oo nga eh, gusto ko nga silang sabunutan.]

Jellah: [grabe threm, sabunot agad? Tadyakan mo na agad, haha]

THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now