Chapter 01: The Car Incident

24 5 0
                                    

Sephi's POV

Sabado ngayon at wala akong pasok. Isang linggo rin kaya akong babad sa libro. Mahirap talaga ang senior high school life. Isang year na lang, college na ako.

Hay~ Polluted na talaga ang Earth. Wagas kung makabuga ng usok ang mga sasakyan. Yung katabi ko namang lalaki, enjoy na enjoy sa kanyang yosi.

"Hooo~" pagbuga ng usok ng lalaki.

"Ugh! Ugh!" pag-ubo ko. Lumayo na ako dahil ang baho ng usok. Tinakpan ko ang aking ilong gamit ang aking handkerchief.

Pashnea! Nasa publiko pa talaga nagyo-yosi!

Iba talaga ang amoy ng yosi. Minsan naduduwal ako.

"Witwiw~" rinig kong pagsipol ng isang lalaki sa aking likuran. Hindi ko alam kung ako ba yung pinapa-iswitan niya or nagiging feelingera na ako?

"Hello, Miss Ganda~" bati ng lalaki sabay akbay sa 'kin. Napatingin ako sa kamay niya na nasa balikat ko. May hawak pa itong yosi. Pashnea.

"Alam mo, may malapit ritong hot-" di maituloy na sabi nung lalaki dahil sinipa ko na ang itl*g niya. "ARAY!" sigaw niya dahil sa sakit.

"Walang 'ya kang manyakis ka!" sigaw ko tapos kumaripas ng takbo.

Kumaripas na talaga ako ng takbo dahil ang mukha ng lalaki ay parang naka-drugs. Jusko, sana naman di ako sundan ng lalaking 'yun...

Pero mukhang nagkamali ako. Habang tumatakbo ako, napalingon ako sa aking likuran at nakitang sinusundan ako. Pashnea! Sumunod pa talaga ang hinayupak na adik na 'yun!

Kaya binilisan ko pa talaga ang aking takbo. Bahala na si Batman. Walang alinlangan akong tumakbo kahit pa na nagtatakang tumingin sa akin ang mga tao.

Nagmumukha na siguro akong baliw ngayon.

Muli akong tumingin sa aking likuran. Whew~ Salamat at wala na yung adik~

"Ah!" diin ko dahil sa sakit. May nabangga ako, at nang hinarap ko yung nabunggo ko, hala! Lola yung nabunggo ko!

"Sorry po, Lola." paghingi ko ng tawad. Dahil din sa akin, nalaglag yung dala-dala niya at gumulong pa sa gitna ng daan yung mga prutas.

"Okay lang, hija." pagsisigurado ni Lola.

Pero na-gi-guilty ako, kaya naman tinulungan ko si lola na ayusin yung dala-dala niya.

"Ako na lang po ang kukuha, lola," sabi ko sabay yuko. Nakita ko namang ngumiti si lola. "Salamat, apo."

Pumunta ako sa daan. Iniisa-isa kong pinulot ang mga prutas na nalaglag mula sa bag ni lola. Nang makuha na ang mga prutas ay inilagay ko ito sa bag ni lola.

"Salamat, apo," pagpapasalamat ni lola sabay ngiti, "pero may isa pa dun." Tinuro ni lola ang prutas na natitira sa daan.

Tumango ako tapos pumunta ulit sa daan. Bumaba ako ng bahagya upang maabot ang natitirang prutas sa daan. Pero, nagulat ako dahil sa narinig na malakas na busina.

"PEEEEEEEEEEP!!!" umalingawngaw na tunog ng busina ng sasakyan.

Tumingin ako sa sasakyan at alam kong mababangga ako nito.

Pero kahit anong pilit ng aking utak na tumakbo ay hindi ito magawa-gawa ng aking katawan. Kusa na lang itong nag-shut down.

Kinukutya ko yung mga bida sa mga telenovelas na kahit alam na nga nilang mababangga sila, nananatili pa rin sila sa kanilang lugar at hinihintay ang malakas na impact. Di ba tanga?

THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now