Chapter 8: ❛❛Big Trouble"

11 2 0
                                    

"Kayo!!!" sigaw ng isang dalaga sa apat na naggwagwapuhang mga lalaki. Nasa labas sila ng mall at nasa ilalim ng ulan. Ang lima ay nakasilong sa kani-kanilang payong, mahigpit na nakahawak sa handle nito.

Maginaw ang paligid at basa din ang kapaligiran. Gayon pa man, ang mga titig na tinitira sa magkabilang panig ay napakainit, may tensyon sa pagitan nito, para bang itong apoy na nagbabaga.

Kung panonoorin sila mula sa malayo, ay aakalain mong nasa shooting ito ng isang pelikula o K-drama. Masyadong cliché na ang eksenang iyan na aso't pusa ang mga bida, pero may love story na mamumukadkad. Tapos sa ilalim ng ulan at tila mag-aaway. Ang cute ng eksena di ba?

Pero kabaliktaran ito sa realidad. Walang namamagitang 'love chains' sa kanila. Dahil ang dalawang panig ay... MAGKAAWAY. Ni hindi mo mararamdaman ang kilig kung nasa malapit ka talaga at panonoorin ang kanilang mga death-to-hell glares.

Ang katahimika'y bumalot sa kanila ng ilang segundo. The tension never subsided, instead it increases. Fear, takot. Oo, iyan ang nararamdaman ngayon ni Sephi; takot na takot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya sa susunod. Ilang beses na siyang lumunok, bumuntong hininga, kumurap, pumikit; gusto niyang kumawala sa kanilang apat. Pero hindi, hindi niya magawa sa kadahilanang baka mas lumala pa ang magiging resulta 'pag tumakas siya.

Sinabi na niya noon: Sa mga ganitong sitwasyon,pagtakas lang ang solusyon.

Pero sa pagkakataong ito, hindi niya makakayang tumakas. Lalo nang apat na lobo ang nakabantay sa kanya.

Poor lamb. Ayan siguro ang tamang definition sa kanya sa sitwasyong ito.

Tumitig siyang muli sa apat na lalaki; they are all freaking handsome. Siguro, kung nasa fangirling mode siya ngayon ay tititigan niya ang mga gwapong lalaking ito hanggang sa matunaw sila o di kaya'y magpapa-selfie. Pero hindi niya magawa 'yun, lalo nang kinamumuhian niya ang mga lalaking ito.

'Malas,' she cursed them at the top of her lungs. Pero siyempre hanggang isip lang niya 'yun kasi ayaw na iyang lumala pa ang sitwasyon.

Pero ang emosyon ni Sephi ay hindi niya nakokontrol, lalo na 'pag napupuno na siya at nagagalit. And it connects with her actions.

"Leche kayo!!!" she shouted at them at the top of her lungs. Kaya nagulat ang apat na lalaki at napaatras.

Masama silang tinitigan ni Sephi-isang titig na ani mo'y espadang kanina pa umaatake sa iyo.

"At kami pa ang leche?" one of the wolve's retorted with a glare-he is Neiko. Then he kicked his tounge, "Eh ikaw nga 'tong gumugulo sa buhay ko!"

The four wolves knew already that they hate the same girl-the little poor lamb-Sephi Gomez. Gusto nilang gantihan ang babaeng ito pero hindi pa nila alam noon kung paano at saan nila ito hahanapin. Now that they met her, again, they badly want to grab the chance to avenge on her.

Pero hindi iyon madali dahil nasa public place ito. And doing it will ruin their reputation. So they'll play the wolf part here. They'll hunt that lamb.

Both parties didn't withdraw their piercing gazes towards each other. And here comes Sephi, who stupidly added fuel to the fire.

"BANG!"

Loud thud rang into the four men's ears; as if they heard a warn signal that something expensive has been damaged. At when they turned their backs, a large crumpled part of a car appeared in their sight.

THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now