Chapter 5: ❛❛It's Viral Now"

6 3 0
                                    



Sephi's POV



Lumipas na ang isang linggo matapos 'yung nangyari sa McDo. At matapos lang nun ay dun ko lang din na-realize kung gaano yun nakakahiya. Kung pwede lang talaga magpalamon sa lupa ay sana nagpalamon na ako. Tapos ikinuwento pa sa akin nina Dakota na pati daw 'yung mga kostumer sa McDo naki-audience. Kulang na lang daw labasan ng popcorn dahil para daw silang nanood ng teleserye.






Naks naman, parang enjoy na enjoy sila ah?






At mabuti na lang dahil marami kaming project ngayon dahil papatapos na 'yung second grading. Natuon yung atensyon ko sa mga 'yun dahil kung hindi ay baka lunurin na ako kakaisip nun.





Minsan nagsisisi ako na nagawa 'yun dahil na-realize ko kung gaano kagwapo 'yung lalaki.





Kaso, naalala ko kung paano niya ako murahin.





On the second thought, mabuti na lang pala na sinampal ko 'yung bwusit na 'yun. Naku!!! Pag kami talaga nagkita ulit, makakatikim talaga ulit siya sa akin ng isa pang sampal.





"Malalim iniisip natin ah. Kulang na lang pasukan 'yang bunganga mo dahil nakabukas."





Maigi kong ipinikit ang aking mga mata kasi anytime sasabog na din ako sa galit. Kung wala lang talaga 'yung president namin dito ay nasapak ko na 'tong si Jebher.





"Ano bang kailangan mo, Jebher?" naiinis kong tanong sa kanya at tinignan siya nang masama.






"Oh, huminahon ka lang, Sephi. Lalo kang tatanda niyan," pang-aasar niya. Mabuti na lang talaga at immune na ako sa pang-aasar niya at ng mga kaklase ko dahil kung hindi, baka maging panda na itong si Jebher maya-maya.




"Ganon ba, Jebher? Share mo lang?" sarkastikong tugon ko at iniwan na siya. Mabuti na lang talaga at lunch break na kaya pwede na akong makawala sa pang-aasar niya.







Lumabas na ako sa classroom namin. Pwede naman kaming lumabas sa room at kumain kahit saan namin gusto dahil may program kami. Pero bawal ang lumabas ng gate nang walang paalam.






Dumiresto na ako sa may math park dala-dala ang baon ko. Doon ay nakita ko ang dalawa kong kaibigang babae: sina Jellah at Dakota; at ang friend naming garlalu: si Threm.





"Hi Sephi! Anong ulam mo?" bungad na bungad sa akin ni Jellah at siya pa 'yung excited na kumuha at bumukas ng lunch box ko. Nang mabuksan na niya ay naglalaway pa siya.






"Wow, sanaol pancit canton!! Extra hot flavor pa!!!" masayang sabi niya at kumuha na talaga ng pancit canton ko.




Pancit canton ko, huhu. Pinaghirapan kitang kunin kasi may mga pinsan akong kalaban tapos kukunin ka rin pala ng walanghiyang si Jellah. Waahhh, wala na, wala ka naaaaaa..




Kaya rule no. 1: Bawal kang magdala ng ulam na 'pancit canton' dahil mauubos lang iyon ng mga kaklase o kaibigan mong canton-mania.




THE FOUR WOLVES AND THE LAMBWhere stories live. Discover now