Napatungo naman ako ng ulo. Napalingon sa isang kamay ni Mommy na nasa itaas ng kamay ko, nakahawak ng mahigpit.

"It's also good for our business. Sila ang nangunguna pagdating sa shipping at tayo naman ang nangunguna pagdating sa airlines. It's a perfect combo. Panahon na din siguro upang palawakin natin ang ating business. Hindi na lamang tayo sa himapapawid, pati na din sa karagan. What do you think —"

"Thank you for the food. I'm done." Hindi ko na pinatapos pa si Daddy sa pagsasalita dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya. Hindi ko na din hinintay ang magiging tugon nila dahil sa biglaan kong pagtayo. Nakatayo ako habang ang ulo ay nakatungo.

Hindi pa naman ako tuluyang nakakaalis sa puwesto ko nang marinig kong magsalita ulit si Daddy.

"Walang modo." May diin nitong sabi kaya napapikig ako ng mariin. Kinakalaban ang sarili na huwag masaktan sa sinabi ni Daddy.

Whats new? Ganito naman palagi, eh.

"Honey." Si Mommy habang ang boses ay may diin din. Kahit nakatungo ako alam ko naman na pinandidilatan na ni Mommy si Daddy.

"Kinukunsinti kasi kaya lumaking gan'yan." Si Daddy ulit at kasabay noon ay ang padabog n'yang paglagay ng kan'yang kutsara sa plato. Mas lalo ko namang ibinababa ang ulo ko at mas lalo kong ipinikit ng mariin ang mga mata ko. "Thank you for the food." Huling sabi ni Daddy bago ko marinig ang pag-urong ng kaniyang silya at ang paglakad niya papalayo sa aming komedor.

Napakagat labi naman ako, pinipigilan ang sarili na umiyak.

Ano ka ba naman self! Ang tanda tanda mo na iyakin ka pa rin!

"Yvette," Malumanay at puno ng pag-aalalang tawag ni Mommy sa pangalan ko. Agad ko namang iniangat ang ulo ko kahit na nagdadalawang-isip ako dito. Ayaw ko kasing makita ni Mommy ang mga luhang nagbabadya nang tumulo sa mga mata ko, pero ayaw ko rin namang maging bastos sa kan'ya.

"I am okay, Mom." I forced myself to smile. I forced myself to looked like I'm okay, even though I am not. "Maliligo na ako Mommy." Inunahan ko na si Mommy sa pagsasalita at walang sabi sabing kaagad na inurong ang silya at kaagad na lumakad papuntang banyo.

Umaakto si Daddy na para bang concerned s'ya sa akin, na para bang concerned s'ya sa lovelife ko, pero ang totoo hindi naman s'ya concerned sa anak n'ya, at ang talagang concerned niya lamang ay ang business n-ya at wala ng iba.

Nang nasa loob na ako ng banyo kaagad akong naghilamos ng mukha, umaasa na mapipigilan nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo, pero habang ginagawa ko ito, habang ang tubig na galing sa gripo ay tumatama sa mukha ko, nalalasahan ko naman ang luha ko na humahalo dito.

Palagi akong nirereto ni Daddy sa mga anak ng mga kasosyo namin sa negosyo, sa mga anak ng mga mayayamang negosyante sa Pilipinas na may kaugnayan sa negosyo namin, o hindi kaya ay sa mga anak ng mga kaibigan namin sa negosyo, pero sa bawat reto, sa bawat date na ginagawa o siniset ni Daddy, walang nagtagumpay doon kahit isa. Wala ni isa sa kanila ang nagustuhan ko, o hindi kaya ay naging boyfriend ko. Bukod kasi sa mga halatang may mga bisyo, mga bastos din sila. Bastos ang mga pananalita at ganoon na din kung kumilos. That's my biggest turn off.

Nang tapos na akong maghilamos kaagad na akong naligo kahit na tinatamad pa akong gawin ito. Ito na lang kasi ang sa tingin ko ang pinakamagandang paraan upang makaiwas kay Daddy, ito na lang kasi ang naiisip kong paraan para kahit papano ay kumalma-kalma ang kanina ko pang nasasaktan na sistema. Oo nga't malaki ang bahay namin, pero hindi naman maiiwasan na hindi kami magkita dito o magkasalubungan man lang. Bukod doon, ayaw ko na ding dagdagan pa ang pag-ka-badtrip ni Daddy dahil sa inasal ko kani-kanina lang.

Palagi akong tinatanong nina Mommy at Daddy kung kailan ba ako mag-aasawa o may balak ba akong mag-asawa. Sa edad ko daw kasi na twenty-seven may pamilya na silang dalawa. May Yvette na daw sa kanilang buhay. Pero sa aking sitwasyon daw, kahit manliligaw man lang wala akong ipinapakilala sa kanila, which is true. Inuuna ko kasi ang trabaho kesa sa pag-ibig. Wala lang, hindi pa kasi ako ready sa commitment at promises, eh. Kaya siguro palagi akong nirereto ni Daddy sa mga anak ng mga kasosyo niya sa trabaho.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora