Chapter Twenty-one

Start bij het begin
                                    

"You like it here?" asked Khaos when he's already beside me.

Pinatong niya ang mga braso niya sa harang at tumingin sa akin nang diretso.

"Yes! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar!" nakangiti kong sagot.

"I discovered this place last month," he said. "Dito ako dinala ng pagmumuni-muni ko."

"Ang ganda! Perfect place 'to para sa mga couple or family."

"And friends," he added and laughed.

Nag-iwas ako sa kaniya ng tingin at muling tinanaw ang ibaba. Hindi masyadong sikat ang araw dahil natatabunan ito ng ulap kaya naman hindi mainit dito sa pwesto namin. Tamang-tama lang ang pagpunta namin.

Nag-inat ako saka huminga nang malalim. "Gusto ko na rito."

"Mukha nga," aniya saka tumawa. "Kumain muna tayo. Baka gutom ka na."

Tumango ako saka tumalikod. Naghanap kami ng magandang spot at tumigil sa silong ng isang malaking puno. Nag-iisa lang 'to rito sa tuktok kaya nakakatuwa. Mabuti na lang din at may upuan dito, halatang spot talaga para sa tambayan.

Tahimik kaming kumain habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ayos na ako sa ganitong katahimikan basta payapa. Pahinga muna ako sa pag-iisip.

Nagpapasalamat nga ako dahil wala nang bigat sa dibdib ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang sarili ko lang at ang kinabukasan ko.

"Ahms . . ." Kinuha ni Khaos ang atensyon ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na hanapin tatay mo o sinubukang alamin 'yong buhay niya ngayon?"

Umiling ako. "Okay na rin siguro na pangalan niya lang ang alam ko. Ano bang mapapala ko kung hahanapin ko siya? Alangan naman ipagsisikan ko sarili ko sa kaniya, 'di ba? Inayawan niya nga ako at ipinamigay."

"Eh, paano kung hinahanap ka rin niya?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Hinahanap? Alam niya naman kung kanino at saan niya ako iniwan. Bakit niya ako hahanapin?"

"Paano kung may rason siya?"

"Wala akong pakialam. Tsk! Kinalimutan niya na talaga ako. Iyon ang totoo."

Bumuntonghininga siya. Sumuko na sa pagtatanong kaya tinapos niya na lang ang pagkain. Ilang oras na kaming naroon at hinihintay naming lumubog ang araw.

Nang masilayan ang nag-aagawang kulay ng langit ay namangha ako saka napatayo upang lumapit ulit sa dulo. Pumangalumbaba ako habang pinagmamasdan 'yon. Tumabi sa akin si Khaos saka ako inakbayan.

"Balik tayo rito?" tanong niya.

"Kapag may libre ulit tayong oras," sagot ko nang nakangiti.

"Ang ganda, 'no?"

Tumango ako.

"Ang ganda mo."

Napatingin ako sa kaniya. Diretso siyang nakatingin sa akin at pakiramdam ko'y matutunaw ako anumang oras. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kung anong tuwa sa dibdib ko.

I felt like someone really appreciated my beauty.

Hinampas ko siya sa braso. "Bolero!" natatawa kong sabi.

"Hindi . . . seryoso. Ang ganda mo, Ahms. Lalo na kapag nakangiti ka." Pinisil niya ang pisngi ko. "You should smile more often."

I'm overwhelmed. Ngayon lang sobrang naging maganda sa pandinig ko ng puri at nagmukhang totoo talaga.

Khaos and the things he can do. Kahit na naririnig ko iyon kay Kyler noon, parang ang hirap maniwala dahil ang tingin ko sa sarili ko'y sapat lang. But now, when Khaos said it straight to my face, it seems true.

Hindi ko alam kung may magic spell ba siya pero nauuto niya talaga ako.

"Didilim na mamaya sa daan," sabi niya. "Tara na!"

Ngumiti ako. "Thank you, Khaos."

Nagtaas siya ng kilay na para bang nagtataka kung para saan ang pasasalamat ko. I appreciate the things he did for me.

"Para saan?"

"Dito," sagot ko. "Salamat kasi dinala mo ako rito. Basta! Salamat."

Ginulo niya na lang ang buhok ko bago ako tinalikuran. Inis ko siyang sinundan habang inaayos ang buhok. Bago kami umalis sa lugar ay muli naming tiningnan ang tanawin saka nagpasyang tumulak na paalis.

Hindi ako napagod. Ang inaakala kong gala namin ay 'yong mapapagod ako. Akala ko dadalhin niya ako sa mall, sa magandang pasyalan, o kaya naman sa fun zone na establishments. Iyon pala ay dadalhin niya ako sa mas magandang lugar. Hindi nakakapagod pero masaya.

Kaya naman pala ang sabi niya ay libre niya. Dito lang pala kami. Kuripot!

This is the most beautiful place that I have been. Peaceful, calming, and quiet.

Masarap puntahan kapag gulong-gulo ka na sa buhay mo at isisigaw mo na lang ang problema mo.

Ginabi na nga kami ni Khaos sa daan kaya nagpasya kaming kumain na lang sa isang fast food chain dahil tinatamad na kaming magluto pag-uwi. Libre din naman niya kaya wala na akong reklamo.

"Are you happy?" he asked.

"Happy!" I answered while smiling.

"Good. That's what I want." He smiled at me. "I want to see you happy. Kaya palagi kitang pasasayahin."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu