Chapter Three

1.3K 26 5
                                    

"Ahmya, may assignment ka na?" tanong ni Jade nang makapasok ako sa room.

"Assignment?" nagtataka kong tanong. "May assignment ba?"

Nanlaki ang mata niya. "Hindi mo alam? Pinapagawa tayo ng script sa Dulaang Filipino."

"Papatulong pa naman sana kami sa 'yo, pati pala ikaw wala pang assignment," ani Krizza.

Nawala sa isip ko! Iyon dapat ang gagawin ko kagabi pero nang dahil sa pinagawa ni mama ay nakalimutan ko nang gawin. Napatampal na lang ako sa noo dahil mamayang hapon na ang pasahan no'n.

"Kahit gawin natin 'yon mamaya, 'di rin natin matatapos," sabi ni Rica. "Makiusap ka na lang kaya kay Sir Jhance, Ahmya? Kaso nga lang, ano sasabihin mong dahilan?"

Napaisip ako, wala akong p'wedeng idahilan. Nasa malalim akong pag-iisip nang pumasok sa room ang isang lalaking bago lang sa paningin ko. Matangkad siya at maputi, bahagyang nahaharangan ng ilang hibla ng bagsak niyang buhok ang kulay brown niyang mga mata. Mukha itong seryoso, kasunod niya ay ang prof namin.

"Good morning!" bati ni Sir Richard at nakuha niya agad ang atensyon naming lahat. "Alam kong nagtataka kayo kung sino siya. He's your new classmate. He came from Tarlac and needed to move here." Tumingin siya sa lalaking nakatayo pa rin sa harapan. "Introduce yourself."

Tumango ang lalaki saka humarap sa aming lahat. Seryoso lang siya na para bang hindi siya masaya na lumipat dito at makilala kami.

"I'm Khaos Joaquin Guardaraja. That's all," he introduced and made his way to the back.

Kumunot lang ang noo ni sir, marahil ay nagtataka kung iyon na 'yon pero hindi na rin siya nagtanong at nagsimula na lang magturo.

Ang iba sa mga kaklase ko, lalo na ang mga babae ay hindi maiwasang mapatingin sa lalaki. Hindi naman kasi maikakaila na guwapo siya, idagdag pa na bago lang siya sa paningin. Kaya nang matapos ang pang-umaga naming klase ay isa-isa silang naglapitan sa kaniya maging ang mga kaibigan ko.

Nilingon ko lang siya ng isang beses saka ko inayos ang mga gamit ko at tumayo. Plano ko mag-skip muna ng lunch, baka sakaling matapos ko ang script sa loob ng isang oras. Mukhang malabo pero siguro naman ay kakayanin pa rin lalo na kung gusto ko.

Umalis ako nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan ko dahil masyado silang abala makipagkilala kay Khaos.

Pangalan pa lang, disaster na.

Pumunta ako sa library at nagtungo sa pinakasulok para sigurado na walang makakaistorbo sa akin.

Abala ako sa pagsusulat nang may umupo sa harap ko. Hindi ko na magawang tingnan kung sino dahil nagmamadali ako sa pagsusulat.

"Naiintindihan mo pa ba 'yang sinusulat mo?" tanong niya.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Khaos na diretsong nakatingin sa sinusulat ko. Bumalik ang paningin ko roon at halos hindi na nga maintindihan ang sulat ko sa sobrang pagmamadali.

"Medyo," sagot ko. "Pero ayos na 'yan. Kailangan may maipasa ako mamaya."

Umangat ang kilay niya. "Kung hindi mo naiintindihan ang sinusulat mo, mas lalo na ang magbabasa."

Tipid akong ngumiti at pinagpatuloy pa rin ang pagsusulat. "No choice. I need to do this if I don't want to miss."

He clicked his tongue. "Okay," he uttered. "By the way, I'm Khaos."

"Narinig ko nga kanina."

He chuckled. "And you are?"

I glanced at him and smiled a little. "I'm Ahmya."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon