Chapter Eighteen

1.3K 28 0
                                    

Para nila akong kinulong. Pinagkait nila sa akin ang mga bagay na dapat alam ko.

My real mom is Tita Dvine . . . and my dad is Tito Elmer.

For twenty years I have been asking myself what's wrong with me because the people around me treat me like a shit. Now I know the reason why it is too hard for them to make me feel love. I wasn't really part of the family.

Sabit lang ako, nakikisali, pabigat . . . palamunin. Kagaya no'ng palagi nilang sinasabi sa akin. Hindi talaga mawala sa isip ko kung ano ba ang mali sa akin o kung meron ba talaga. It seems like I am forcing myself to the wrong people.

Halos magmakaawa na ako para lang mahalin ako ng ibang tao.

It was too easy for my real father to abandon me. I am his own child but it seemed he didn't really care at all. Ang dali para sa kaniya na ibigay at ipagkatiwala ako sa iba . . . mali pa ang mga taong pinagkatiwalaan niya.

Hindi ko maisip na halos makawawa na ako rito habang siya ay nasa ibang bansa, living his best life.

Did he really love my mother? It was nothing to him that he gave the only remembrance of my real mother . . . and it was me.

Sana hindi na lang namatay ang tunay kong ina. Sana hindi niya na lang ako pinagbuntis, baka hanggang ngayon ay buhay siya at masaya.

Sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito lalo na kung ganito ang mga taong nasa paligid ko.

I've been blaming myself that maybe, it's better that I wasn't born. No pain, no miseries.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa walang tigil kong pag-iyak.

Hiram lang ang buhay at gusto ko nang isauli!

I want to take revenge but I am not that evil to do that. Gusto ko na lag ibigay kay Lord lahat.

Si Lord na ang bahalang pumawi sa sakit na nararamdaman ko. Siya na ang bahalang bumawi para sa akin sa mga taong ginawan ako ng masama. Pinapaubaya ko na sa kaniya lahat.

"Hello." Mabigat ang paghinga ni Khaos mula sa kabilang linya.

"I'm sorry. May ginagawa ka ba?" alangan kong tanong.

"No. Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?" Sunod-sunod ang naging tanong niya.

Nanahimik ako ng ilang saglit. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Maya-maya ay bumuntonghininga ako.

"P'wede mo ba akong sunduin?"

"Sunduin? Saan?" Tanong niya, nagtataka.

"I'll text you the address."

"Ahmya . . ." Khaos called me softly. "What's the problem? Tell me."

I bit my lips. Nangingilid na naman ang luha ko dahil sa tanong niya. It's so confusing how he can ask like my problem is his problem, too.

"I already know the truth, Khaos, the one that I've been asking for so long. Alam ko na ang totoo." Para akong batang nagsusumbong at tuluyan na ngang naiyak ulit. "Please . . . sunduin mo na ako. Ayaw ko na rito! Ayaw ko na! G-gusto ko nang umalis, gusto ko nang lumayo. P-please, Khaos . . . please."

"Shh. I'll be there." I heard him walking. "Ibababa ko na ang tawag. I'll call you once I'm already there, hmm? Wait for me."

Umupo ako sa isang gilid. Mahigit isang oras akong naghintay bago siya dumating. Niyakap niya ako nang tuluyan siyang makalapit.

"Iuwi mo na ako," sabi ko. "Ieempake ko lang ang lahat ng gamit ko at aalis na rin ako roon."

Tumango lang siya sa akin. Madalas akong lumingon sa likuran sa pag-iisip na baka sinundan na ako ng pamilya ko pero nakarating kami sa bahay nang walang sumusunod. Pumasok ako sa bahay habang si Khaos ay naghihintay sa labas.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon