Chapter 32 : Kiss

39 21 6
                                    

Uwian na at naiwan ako dito sa school dahil may tinapos pa ako.

Sina Jc at Oliver naman eh nauna na sa Mcdo.

Tapos ko na rin naman kaya bumaba na ako.

Ugh! Gutom na ako.

Nasa labas na ako ng school.

" Oh? Mag isa ka lang?" biglang sabi ni Spencer.

Ay! Andito pala siya.

" Yup! Papunta pa lang sa Mcdo kasi nauna sila Jc at Oliver."

" Ahh, paalis ka na?"

" Oo eh. Sige tawid na ako, bye!" pagpapaalam koat lumakad na kinukuha ang phone ko pero biglang....

" Princess!"



Spencer's POV

Agad akong tumakbo papunta kay Princess at niligtas siya.

Hinarang ko ang sarili ko sa taxi na parating at nilayo siya.

Agad namang tumigil angtaxi na ikinalag ng dibdib ko.

" Are you okay, Princess? Nasaktan ka ba?" agad na tanong ko sa kaniya.

" I-im okay. T-thank you, Spencer. You save me..." sagot naman niya.

Ugh. Buti na lang.

Di pwedeng mamatay or masagasaan siya. Hindi pwede yun.

" Sorry po Mam and Sir. Hindi ko po agad nakita. Pasensiya na po talaga." paghihingi ng patawag nung taxi drive sa amin.

Tinayo ko si Princess at hinarap ang mukha niya sa akin.

" Buti naman at hindi ka nasaktan. Di ko kaya yun." alalang sabi ko at hinug siya.

" S-salamat ng marami, Spencer. Utang ko sa'yo ang buhay ko..."

" Sige na, pumunta ka na sa kapatid mo at kay Jc. Baka hinahanap na nila dun. Ingat lang ha!"

" Uhm, sige. Thank you ulit ng marami."

" Sige, bye! Ingat!" pagpapaalam ko at nag wave na lang siya.

Hindi ko alam kung bakit siya nauutal magsalita kanina.

Siguro kinabahan siya kanina.

Hayst. Buti na lang eh naligtas ko siya.




Xia's POV

" Uy Xia! Andiyan ka na pala." tawag ni Jc sa akin.

" H-ha? Ahh oo.. Haha." simplegng sagot ko.

" Okay ka lang? May nangyari ba?" takang tanong ni Oliver.

" W-wala.. Okay lang ako."

" Ah sige, sabi mo eh..."

Umupo na lang at kumain ng fries.

Muntikan na ako masagasaan. Buti na lang niligtas ako ni Spencer.

Para siyang anghel na mula sa langit na niligtas ako.

Para siyang superhero na nagligtas sa akin.

Hindi ko alam kung anong kakaibang feeling ito.

Shocks! Hindi 'to pwede! Stop Xia! Stop it!

Hindi ka pwedeng magkagusto sa kaniya. Okay?

" Huy Xianne!"

Nagulat ako sa pagtawag ni Oliver sa akin.

" Ay."

" Sure ka na oks ka lang?" tanong rin ni Jc.

" Yeah, im fine." sabi ko at ngumiti.




Panibagong araw na naman.

Last day na tapos weekend na naman bukas! Yay!

Kagagaling ko lang sa cr dito sa school namin.

Paglabas ko ay nagulat ako na nasa labas si Spencer.

Anong ginagawa niya dito?

" Hi Princess! I just want to give you this!" sabi niya at inabot ang maliit na envelope na hawak niya.

Ano 'to?

" What's this?"

" Basahin mo na lang if you have time."

" Ohh okie."

" Sige bye!" diretsong sabi niya at umalis.

Ano kaya ito?

" Tara na Xia! Tagal mo eh!" tawag ni Jc sa akin.

Pupunta daw kami ng E.K.

Niyaya niya ako eh. Si Oliver naman ayaw daw niya. Kaya kami na lang.

Bumaba na ako at umalis na kami.

Pagdating namin sa E.K. ay sumakay na kami sa mga rides.

Ang saya!

Hapon na kasi kami nakarating dito at gabi na rin.

Last ride na namin dito sa Wheel of Fate.

" Sakay ka na, Xia!" sabi ni Jc at inilalayan ako.

" Thank you." sabi ko naman at umupo.

Tinabihan niya rin ako.

Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko at tinapat ang mukha ko sa kaniya.

Huh?

" Hay Xia..."

May fireworks kaming nakita habang andito kami sa Wheel of Fate.

Bigla na lang nagsimula ang fireworks dito.

Tinignan niya ako ng eye to eye at unti unti niyang nilapit ang mukha na sa akin.

" Xia... I love you... Noon pa..." he said and when our lips touched, i dont know what to feel.

Im just... I feel some comfort with him. With Jc.

He kissed me at the Wheel of Fate with fireworks.

I really dont know what i feel right now.



Jc's POV

I kissed her in the middle of the fireworks...

Finally, i confessed.

I love this girl and i dont want to lose her.

I will do everything and anything, just for her.

Mula noon hanggang ngayon, mahal kita Xia.

Mahal na mahal kita.....

Only for you foreverМесто, где живут истории. Откройте их для себя