Chapter 23 : Rain

46 26 0
                                    

Xia's POV

Uwian na pala. Bilis ng oras eh.

" Uy, tara na Xia!" tawag ni Jc sa akin.

" Ay sige! Wait!" sabi ko at sinukbit ang bag ko sa likod ko.

" Mukhang madilim sa labas ah. Umuulan siguro." komento ni Jc paglabas namin ng room.

" Hala! Oo nga nuh? Wala pa naman akong dalang payong. Ikaw? Meron ka?"

" Wala rin eh. Tignan ko anong pwede din dito sa bag ko." sabi ni Jc at tinignan ang loob ng bag niya.

" Eto, may jacket pala ako dito. Para di lang tayo maulanan." sabi naman niya sabay pakita ng jacket niya.

" Tara na. Baka abutan pa tayo ng ulan." sabi ko kaya bumaba na kami.

Palabas na kami ng school ng biglang bumuhos ang ulan.

Hala! Ayan na nga ang sinasabi ko eh.

Wala pa naman pwedeng silungan dito sa labas ng school.

" Uy! Dun tayo, tawid tayo! Suklob mo rin 'tong kabila sa ulo mo." sabi ni Jc sabay lagay ng jacket niya sa ulo ko.

Dahil nga jacket lang pangsuklob namin, magkadikit kami.

Pero di pa rin namin maiwasan na mabasa ng ulan.

Inakbayan ako ni Jc at dinikit sa kaniya para di kami mabasa masyado.

Tumakbo kami papunta sa kabilang street.

Habang patawid at tumatakbo kami sa ulan ay bigla kong naisip na how romantic it is.

Ay! Omg! Ano ba 'yan!





Jc's POV

Shocks! Kinikilig ako.

Ang bilis ng heartbeat ko at di ko alam kung bakit.

Parang ang romantic kasi ng scene na ito.

Sabay kaming tumatakbo sa ulan.

Hayst baka maulanan si Xia.

Oks lang maulanan ako, wag lang siya.

Hayyy.. Nakatawid rin.

" Pew! Nabasa ka ba?" tanong ko agad kay Xia.

" Oo, pero ok lang. Ikaw?"

" Hmm... Nabasa, pero oks lang rin. Antay na tayo ng masasakyan."

" Ayun oh! Taxi na lang."

" Sige, tara na!"




Xia's POV

Ugh! May pasok na naman.

Medyo masakit ang ulo ko. Siguro gutom na ako.

Nakita kong nag chat si Jc at sabi niya ay may sakit siya kaya nireplyan ko na lang siya na pagaling siya.

Dahil siguro kahapon yun. Hay sad....

Kumain na ako at nagpaalam kay Mom.

" Oh, si Jc asan?" tanong ni Mom.

" May sakit daw po eh. Naulanan po kasi kami kahapon."

" Naku ganun ba... Eh ikaw?"

" Ayos lang naman po!"

" Oh sige na, punta ka na sa school mo. Bye! Ingat!"p

" Bye po!"





Zane's POV

Peste ka talaga, Spencer!

Pinapunta mo pa ako sa bahay niyo tapos wala ka naman pala.

Nag mcdo ka pala. Kainis!

Tumalikod na ako sa bahay nila Spencer at paalis na pero nakita ko si Princess Xianne.

Uy naks!

" Hey! Ganda!" tawag ko at napatingin siya sa akin.

Luh! Bat sad 'to?

" Tara! Sabay na tayo." yaya ko.

" Ah okay! Sige!" matipid na sagot niya.

" Asan pala si Jc? Di mo kasama?"

" May sakit eh..."

Ahh kaya... Siguro kaya siya sad...

" Bakit?"

" Naulanan kasi kami kahapon...."

Napansin kong nilalamig siya kaya kinuha ko ang hoodie ko na may name ko at isinuot yun sa kaniya.

" Thank you!" sabi niya at ngumiti slight.



Nasa school na kami at pupunta na kami sa kaniya kaniyang room namin.

" Hey! Punta na ako sa room namin ah. Ingat ka, baka magkasakit ka din." sabi ko at tinapik si Princess Xianne.

" Sige, thank you ulit!" sabi niya at nauna na rin.

Antayin ko nga siya sa labas ng room niya later...



Oliver's POV

Hmm... Antagal ni Xianne ah?

Umupo na lang ako at inantay siya dumating.

Nakita ko siyang naka hoodie.

Huh? May sakit ba siya?

Dumiretso siya sa upuan niya at umupo agad.

Wala si Jc? 'Nyare dun?

" Pst! Wala si Jc?" tanong ko naman.

" Wala eh. May sakit. Naulanan kasi kami kahapon..."

Hala!

Napatingin ako sa hoodie na suot niya. May name ni Zane iyon.

Huh? May sakit rin ba siya? Is she ok?

" Ayos ka lang ba, Xianne?" concerned na tanong ko naman sa kaniya.

" Yup... Ayos lang..." tipid na sagot niya.

Hmm? Mukhang hindi eh...

Bantayan ko na lang siya....

Only for you foreverWhere stories live. Discover now