Chapter 24 : Zane's Care

42 25 0
                                    

Uwian na! Hay buti na lang.

Mukha kasing hindi okay si Xianne eh.

Kanina pa siya tahimik tsaka di lumalabas ng room.

Di rin siya kumain ng lunch kanina at uminom lang siya ng water.

Tinignan ko siya at kinuha niya ang bag niya.

" Xianne" tawag ko sa kaniya.

" Mhm?" matamlay na sabi niya.

" Hatid na kita sa inyo."

" Ha? Hindi na... Okay lang."

" Mukha kasing di ka okay eh."

" Promise! Okay lang, una na ako."

Hala wait!

Pigilan ko sana siya kaso biglang nag ring ang phone ko.

Lumabas na siya sa room.

Sino ba yung tumatawag? Hayst.

" Hello?"




Zane's POV

Nasa labas ako ng room nila Princess Xianne.

Nakita kong bumaba na siya. Matamlay rin siya.

" Hatid na kita! Tara." wika ko at kukunin na sana ang bag niya pero pinigilan niya ako.

Papikit pikit siya na hindi ko alam.

" Okay lang, kaya ko naman." matamlay na sagot niya.

Ay kulit! Paalis na sana siya nang mapansin ko ang paglakad niya.

Patumba na siya kaya agad ko siyang sinalo.

" Kaya pala ha?" sabi ko at itinayo siya.

Nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at inalalayan siya.

Kinuha ko na rin ang bag niya.

Napansin kong mainit siya. Hala!

May lagnat ba siya? Sobrang init niya.

" Ang init mo. Iuuwi na kita sa inyo." sabi ko sa kaniya kaya tumango na lang siya.

Inalalayan ko siya sa pagsakay sa taxi at dahan dahang inupo ng maayos.

Tinignan ko siya at hinarap ang mukha niya sa akin.

Isinuot ko ang hood ng hoodie ko na suot niya. Baka kasi malamigan.

Inayos ko naman siya at nagbuntong hininga.

Pumikit siya at kusang napakalagay sa balikat ko ang ulo niya kaya napangiti ako.

Hmm... Sinandal ko na lang ng maayos ang ulo niya sa balikat ko at hinawakan iyon para maayos.

Dadalhin ko na siya kina tita Athena. Baka kasi nag aalala na yun.

Tinignan ko siya at ngumiti. Youre so beautiful, baby.





Agad naman kaming nakarating sa bahay nila.

Nag doorbell muna ako habang ala-alalay si Princess Xianne na nakapikit pa rin.

Pagbukas ng gate ay nagulat si tita Athena.

" Hala! Anong nangyari, Zane?"

" May sakit po ata siya. Masyado siyang mainit. Ayaw pa nga po niya magpahatid eh, muntik pa matumba. Ayun po kaya hinatid ko na siya dito."

" Ay ganun ba? Nako, pakitulungan naman ako na ilagay siya sa kwarto niya."

Binuhat ko agad si Princess Xianne at dahan dahang pumasok sa bahay nila.

Umakyat na kami at may dalang bimpo at tubig si tita.

Ihiniga ko siya sa kama niya at tinanggal ang sapatos niya.

Napakalinis ng kwarto niya. Sobrang organized.

Bumaba na ako sa baba at umupo sa sala nila.

" Zane oh, juice. Thank you pala sa paghatid kay Xia ah. Nako, buti na lag andiyan ka." saad ni Tita at inabot ang juice sa akin.

" Nako tita, no problem po! Basta si Princess Xianne." wika ko naman tsaka ngumiti.




" Mula bata talaga si Xia, ako at si Jc lang ang kasama niya. Si Jc ang laging nag aalaga sa kaniya pag nasa school. Sobrang bait ni Xia kaya ayokong nagkakasakitsiya o di kaya naman, masaktan sa isang lalake...." kwento ni Tita habang nasa sala kami.

" Napakabait niyo talaga Tita. Mana po sa inyo ang anak niyo. Sobrang ganda rin niya." sabi ko naman at ngumiti.

Every time i saw her, para akon tumitingin sa isan anghel. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa.

Isang anghel na bumihag sa akin.

" Mhm..." sabi lang ni Tita at tumango tango.

" Tita, bili po muna ako ng foods at fruits ah!"

" Ay sige. Thank you! Ingat ka ha!"





Xia's POV

Ugh! Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko....

Feel ko niluluto na ako sa sobrang init ko....

Biglang pumasok si Zane sa kwarto ko na may dalang pagkain.

" Oh, gising ka na pala. Oh kain." sabi niya at ngumiti.

Dahan dahan akong tumayo at inalalayan ni Zane.

" Corn and crab soup for you." saad niya habang hinihipan ang nasa spoon at isinubo ito sa akin.

" Mainit ba?" tanong nia pero nagsign lang ako na hindi.

Naglagay pa siya ng soup sa spoon tsaka hinipan iyon at sinubo ulit sa akin.

" Sarap ba? Eto oh, apple?" alok niya rin at inabot sa akin ang isang sliced apple.

Hay.. Thank you Zane...

Buti andiyan ka... Thank you.....

Only for you foreverWhere stories live. Discover now