Chapter 26 : Lunch Invitation

39 21 0
                                    

" Nagkasakit ka rin pala kahapon..." biglang sabi ni Jc sa akin habang tapos na kami sa pinapagawa ni Mam at nag aantay na lang ng lunch time.

" Oo eh pero ayos naman na ako. Buti nga andun si Zane eh." sagot ko at bigla siyang napayuko.

" Ah.. Ganun..."

Ay. Speaking of Zane...

May nakalimutan akong ibalik sa kaniya. Yung hoodie niya.

Nilabhan ko muna yun at buti natuyo na agad.

Ibalik ko na lang mamaya sa kaniya.

" So, kamusta naman?" biglang tanong ni Jc na hindi ko medyo na gets.

" Yung pag aalaga niya sa'yo? Ano ba nangyari kahapon?"

Ahh.....

" Paggising ko kasi, medyo masakit ulo ko. Tapos, eh wala ka kaya wala akong kasabay. Si Zane nakita ako paglabas ng gate namin tapos siya na sumabay sa akin. Tas si Oliver naman, siguro napansin niyang hindi maganda yung pakiramdam ko kaya niyaya ako na iuwi niya daw ako sa bahay namin. Pero sabi ko okay lang tapos may tumawag sa kaniya, kaya umalis na rin ako. Si Zane ganon rin. Gusto akong iuwi sa bahay namin pero ymayaw ako. Paalis na nga ako nung bigla na lang akong matumba. Buti na lang nasalo ako ni Zane eh..."




Jc's POV

Sinalo siya ni Zane? What?!

" Tapos ayun, inuwi ako sa bahay. Binuhat ako papunta sa taas sa room ko. Hiniga niya ako tapos inayos pagkakahiga ko sa kama. Natulog lang ako nun eh. Tapos ayun pagbalik niya, may dala na siyang pagkain. Pinakain niya na ako tsaka sinubuan. Tapos ayun..."

Ganun? Hayst.

Wala ako sa tabi mo... Nakaka sad...

Parang first time natin 'to.

" Ahh ganun..." saad ko na lang kay Xia at yumuko.

" Yup..."

" Uy sorry ah..."

" Ha?"

" Sorry if wala ako kahapon..."

" Huy! Ano ka ba? Okay lang! Tsaka may sakit ka rin nun eh."

Di na lang ako sumagot.

Nag ring na yun bell na sign na ng lunch time.




Tumayos si Xia at may kinuhang paper bag na maliit sa tabi niya.

Ano yun?

" Tara, puntahan muna natin si Zane." pag yaya niya.

Huh? Bakit?

Para ba kay Zane yung hawak niya?

" Ha?" takang tanong ko.

" May ibibigay kasi ako. Tara na." sabi niya sabay hatak sa akin kaya hindi na lang ako umimik.

May ibibigay? Yung hawak niya ba yun?

Huh? Para saan yun? Pa thank you niya?

Pumunta na lang kami sa room ni Zane at saktong lumabas sila Zane at Spencer na nag uusap pa.

" Wow! Anong meron? Bakit andito ka , ganda?" takang tanong ni Zane.

" Oo nga. First time kita makita dito sa college building eh." wika naman ni Spencer.

" Ahh.. May ibabalik lang ako kay Zane. Yung hoodie niya..." sabi ni Xia sabay abot ng paper bag na hawak niya kay Zane.

Ahh yun pala... Kala ko kung ano.

" Ano ka ba! Dapat di mo na binalik. Sa'yo na lang sana dapat." saad naman ni Zane.

" Haha! Ayos lang. Nga pala, Spencer!" sabi ni Xia at tinawag rin si Spencer.

" Yup?"

" Nagustuhan ni Mom yung cookies. Pati ako nagustuhan ko rin. Sobrang sarap nga eh!"

" Uy weh? Hala nakakatuwa naman!"

" Oo nga eh. Fave talaga ni Mom yun kaya ayun, ayun rin ang naging reason para magka-ayos kami ni Mom."

" Hala ang galing! Buti naman!"

" Oo nga eh."

" Sa susunod, dadamihan ko pa! Haha!" sabi ni Spencer at tumawa na lang si Xia.




Xia's POV

Sabay sabay na kaming kumain nina Jc, Oliver, Spencer at Zane.

Bumalik na rin sina Zane at Spencer sa room nila after nilang kumain.

May gagawin daw kasi sila.

Si Jc naman ay nag cr. Kaya kaming dalawa lang ni Oliver ang naiwan dito.

" Uhm Xianne?" biglang tawag ni Oliver kaya napatingin ako sa kaniya.

" Yeah?" tanong ko naman.

" I just want to invite you and your Mom sa house namin. Have a lunch with us! With my Dad. Umuwi na kasi siya." sabi niya naman.

Wow!

" Uy! That's good to know! Sige, sure! Sabihin ko na lang kay Mom. Kelan ba?"

" Sa Sunday."

" Ah sige sige." sagot ko naman at ngumiti.

Wow naman!

Its been a while since may nakasabay kami sa kain or may mag invite sa amin na iba bukod sa family ni Jc eh.

Sabihin ko nga yun kay Mom mamaya.

Ano kaya feeling nun nuh? Siguro masaya yun.

Hayst.....

Only for you foreverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora