Chapter 18 : Movie

82 34 35
                                    

Xia's POV

Ugh.. Bored..

Walang ginagawa today eh. Yung adviser namin may sasabihin daw mamaya.

" Tagal ni Mam." saad ni Jc habang nakaharap ang upuan niya sa akin.

" True, wala ba tayong gagawin today?"

" Ewan? Siguro?"

" Baka rest day natin! Haha joke!" sabi ko at tumawa si Jc.

" Uy! Sarap pala nung cupcakes mo ha! Thank you ulit dun! Kinain namin yun kagabi eh." sabi ko kay Oliver na nakaupo lang.

" Wala yun! Haha!" sabi naman ni Oliver.




" So class, siguro nagtataka kayo if bakit kayo walang ginagawa today nuh? So the school decided to have a rest day for grade 11,12 and the college students. So this day, manonood lang kayo ng movie. Pupunta lang tayo lahat dun sa quadrangle para makanood tayo. And you can buy your snacks muna in the canteen. So see you at the quad'!" announce ni Mam kaya sabay sabay na nag hiyawan ang mga students tsaka sabay sabay silang nagmadaling lumabas.

Wow may pa ganto! But buti na rin na may rest day kami.

" Uy tara! Bili tayo sa canteen." yaya ko kina Jc at Oliver.

" Tara!"

Pumunta na kami ng canteen at bumili ng popcorn at drinks. May binebenta rin naman sila dito sa canteen nun.

" Popcorn din po!" dinig kong sabi ng nasa likod ko.

Uy! Sina Zane at Spencer!

Ay oo nga pala nuh? Kasama college so manonood rin sila.

" Manonood rin kayo?" tanong ni Spencer.

" Yup! Tara tabi tabi na tayo!" sabi ko naman.

" Uy nax! Sure!" masayang sagot ni Spencer.

Pumunta na kami sa quadrangle at humanap ng upuan.

May nakita kaming bakane pero dalawa lang ang upuan sa harap at tatlo sa likod.

" Dito na lang tayo Xia! Tara." sabi ni Jc at hinatak ako sa dalawang magkatabing upuan.

Sina Zane, Spencer at Oliver naman ay napagdesisyunan na sa likod na lang namin umupo.

Umupo na rin kami ng maayos at nagstart na rin ang movie.




" Babe, kaya ko naman mag antay sa'yo eh. Wag na tayo mag break please..."

" Babe mahirap mag antay.. Baka malay mo mamaya di na natin mahal ang isa't isa pagbalik ko diba?"

" Hindi yan totoo ah. Ikaw pa rin ang mahal ko. Aantayin kita promise!"

" Hindi na.. Balang araw, we will meet the right person for us... Baka hindi talaga tayo ang tinadhana..."

" Babe.. Come on... Sabi mo we are strong diba?"

" Sorry, Babe... Pero im wroing.. Akala ko tama ako.. Ayokong masaktan ka kaya please..."

" Babe.. Gagawin ko ang lahat.. Please wag mo akong iwan..."

" Im sorry..."

At umalis na ang lalake.

Yan ang scene sa pinapanood namin.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha ko.

Di ko rin alam if dahil ba parehas ng nangyari sa amin ni Kenji ang nasa movie.

Pinunasan ko agad ang luha ko pero patuloy yun na lumalabas at tumutulo sa mukha ko.

Naalala ko na naman si Kenji....



Zane's POV

Tinignan ko si Princess Xianne sa harap ko at nakita ko siyang may luha.

Huh? Naiyak ba siya sa movie? Bakit naman?

Ganun ba ang mga babae? Emotional ba sila ganun?

Kumuha ako ng tissue at iniabot yun sa kaniya.

Sabay na napatingin sina Princess Xianne at Jc sa akin.

Hey.. Why ka may luha?

" Kunin mo na Xia... I know you remember him..." sabi ni Jc kaya kinuha na lang ni Princess Xianne ang iniabot kong tissue.

" Huh? Him? Who?" curious kong tanong.

Anong him? What do you mean by that?



Jc's POV

Natapos na ang movie at umalis na rin kami.

Alam kong naalala niya si Kenji. Hayst Xia...

Tumigil na rin naman siya sa pagluha.

" Xia, may nakita akong sipon mo sa upuan mo kanina ah! Iyak ka pa diyan!" biro ko sa kaniya kaya hinampas niya ako.

" Ewan ko sa'yo." sabi ni Xia at inirapan ako.

" Panget mo nga umiyak eh!" komento naman ni Zane kaya napataas si Xia ng kilay niya.

" Mas panget ka!" balik na sagot ni Xia.

Ohhh!!! Lumalaban!

" Oooffff!!"

Tawa lang kami ng tawa sa sagot ni Xia habang si Zane ay hindi namin alam kung ano ang reaksyon.

" Aruy!! Saklap naman Zane!" pang iinis ni Spencer sa kaibigan niya at tumatawa pa rin.

" Joke lang! I mean hindi maganda sa'yo yun!" balik na sabi ni Zane.

" Panget!" sabi ulit ni Xia kaya natawa lang kami.

Only for you foreverWhere stories live. Discover now