#23: ღ Shit ღ

Zacznij od początku
                                    

Sige na, last na call ko na to.. Please sagutin mo naman, ikaw na lang last hope ko.

Calling Steve Kei Han...

Ayun nag-riring, sa wakas! Maaasahan ka talaga Steve! :> Nasa kalagitnaan ako ng pagpupuri kay Steve kesyo gwapo siya at dapat sagutin niya yung tawag ko kasi maganda ako. Pero nung nasa ika-labing tatlong ring eh biglang nag toot toot toot.

Pinatayan niya ko ng tawag! 😠

Naghintay ako ng text niya na baka mag sorry siya kasi napindot niya yung end call pero wala akong na-receive. Waah! Bakit ang loner ko ngayon?

"Bakit di nila sinasagot?!" Nahampas ko ng malakas yung table sa library, lahat naman ng mga estudyanteng nandoon eh nagsitinginan sa akin *pout*

Lumapit sa table na kinauupuan ko yung librarian. "Ahm, hello po ma'am hehe. Promise di na po ako mag-iingay talaga, promise po!" Ngumiti ako ng todo todo pero sinungitan niya ko, hmp! :(

"Get out, now!" At ayun pinalabas ako. Tinakwil na nga ako sa loob ng room, pati ba naman sa Library? :(

At sa sobrang lungkot ko eh naiyak na lang ako. Bakit ang mean ng mga tao ngayon? 😢 nakakainis!

Habang pinupunasan ko yung mga luha ko eh di ko namalayan na pababa pala ako ng hagdanan. I'm gonna fall!

"Ahhhh!" Mahuhulog ako! Mahuhulog ako! Waaah! Ayoko pang mamatay!

Pero sa ikinagulat ko eh may sumalo sa akin.

"Ikaw?!/It's you." Sabay pa naming sabi. Medyo akward pa kasi buhat buhat niya ko in bridal style. Nakakahiya ka talaga Erhia!

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay kuya

"Dito ako mag-aaral, and if you don't mind miss. Pwede na ba kitang ibaba?" Sambit niya, waah! Nakakahiya talaga. Kumalas ako sa pagkakakapit sakaniya dahilan ng mabitawan niya ko at ayun nahulog ako. Aray ko po pwet ko! 😰 strike four na to ah. Una sa mall yung chocolate, pangalawa yung nahulog ako, pangatlo yung karga karga niya ko, pang apat naman yung nahulog ako. Bakit kinakailangan pang siya ang makakakita ng mga yun? >_< naiiyak na ko.

"Hey miss. Are you alright?" Tanong ni kuya sakin. Mukha ba kong okay? Luha oh luha!

Umiyak lang ako doon ng umiyak. Eh kasi naman! Ang sakit talaga ng pwet ko :( maya maya lang may mga nagsidatingan na mga estudyante at dumadaan sila. Nasa hagdanan naman kasi kami agaw eksena. Yung iba nagbubulungan pa.

"Shit wala akong alam dito." Sabi ni kuya sa pader. Doon kasi siya nakaharap.

"Hey stop crying. Ililibre kita just please stop crying." Sabi ni kuya.. Hmp! Hinulog niya-- whaaa! Libre daw *insert puppy eyes here*

"Really?! Ililibre mo talaga ako? Edi tara na!" Tapos hinila ko siya papunta ng Canteen. Nakita ko namang kinamot niya yung batok niya ng parang inosenteng bata.

Ang cute ni kuya :)

--

[First's POV]

Ang weird talaga ng babaeng to, libre lang pala ang katapat. Pero di siya nakakainis, nakakatuwa pa nga eh.

Habang hila hila niya ko papuntang canteen, nakita ko sa may gilid na may papalapit na dalawang lalake, yung isa si Caleb. Nice!

"Uy pre--" hindi natuloy yung pagbati ko sakaniya dahil sa bigla akong sinuntok nung kasama niyang lalake.

"Waaah! Steve bakit mo siya sinuntok?" Pag aawat nung babaeng kasama ko.

"What? Siya pa talaga kakampihan mo ah. Pinaiyak ka nga daw niyan eh." Sabi nung lalakeng ungas.

"Ha?" Yan lang yung tanging nasabi nung babae na kasama ko.

"Pinaiyak? Eh tinulungan ko na nga siya eh. Wala ka rin sa ayos ah." Akmang susuntukin ko na siya kaso pinigilan ni Caleb yung kamao ko na masuntok yung kaibigan niya.

"Do you think I'll let you do that, Samuel?" Binigyan niya ko ng masamang titig. Tss nagbibiro lang naman ako masyadong pikon tong mga to. Di ko naman talaga susuntukin yung Steve na yun eh.

"Back off dude." Mahinahon pero madiin kong sabi sakaniya. Ang saya pala pag ganto? Nakaka-enjoy, ang dami pang nanonood. Tapos maya maya lang may biglang dumating, grand entrance pa kasi sa gitna siya dumaan. Tumabi tuloy yung mga estudyanteng nandoon.

"Look who's here." Sabi niya nung makarating siya sa destinasyon namin. "Hey First and to you too, Fourth." Mapang asar na sabi niya habang tumitig kay Caleb. This is fun. Lahat umaayos sa plano.

"Hey bro!" Tapos nakikipag fist bump ako sakaniya, kaso inisnob ako. Gago rin eh pahiya ako dun ah.

"W-what are you doing here?" Tanong ni Caleb. Halata naman sa ekspresyon niya na gulat siya sa mga nakikita niya.

"You know why I'm here, Fourth." Then he flashed a smile on Caleb. Nakita kong nanggigigil na si Caleb at gustong gusto na niyang suntukin tong si Clave, may plano pa sana akong gayahin yung style ni Caleb kanina na 'do you think I'll let you do that' kaso sumungit nanaman yung ungas na Steve.

"Teka, kilala mo yung mga to Caleb?" Tanong nung Steve.

"Yes, I know them." Sagot niya. Wala man lang kaalam alam yung Steve na to, kaibigan ba talaga ni Caleb to?

"So, hindi mo nga pinaiyak si Erhia?" Tanong ulit nung Steve sa akin.

"Chill bro. Tinulungan ko lang naman si Ms. Chocolate. Malay ko bang girlfriend mo siya." Pabiro kong sabi. Lahat naman laro lang sa'kin eh.

"Ano? H-hindi ko siya boyfriend!" Pagdipensa ni Ms. Chocolate, hindi naman pala boyfriend kung makaasta kala mo naman may karapatan.

"Hindi ka naman pala boyfriend bro!" Tapos tumawa ako ng mapang-asar. Bago pa maka-react yung Steve eh may dumating nanaman, sa mga narinig ko, president daw nila yun.

"What's going on here?" Sabi nung president nila.

"W-wala Sey! Misunderstanding lang." Sabi ni Erhia.

"Sa office na lang tayo mag-usap usap." Office nanaman? Kakagaling ko lang dun eh, inis naman. Suki na nga ako ng office doon sa states, pati ba naman dito?

Nagsialisan na yung mga nanonood na estudyante at kami rin aalis na para sumunod kay Ms. President sa office kaso may grand entrance nanaman kaya napahinto kaming lahat. Nice

"Sey, what happened here? Omygosh, I know you! What are you doing here?" Turo sa'kin ni Azalea. Sasagot na sana ako kaso hinila siya ni Caleb, bat di nila ko pagsalitain? 😶

"Let's go Abby." Bago pa makapalag si Azalea eh nahila na siya ni Caleb palayo. Pero napahinto rin sila nung nagsalita si Erhia

"Kuya Gab?! Ikaw ba yan?" Napatitig si Azalea sa mga narinig niya. Yung expression niya lalo na si Caleb, it was priceless!

"C-clave? W-what are you doing h-here?" Tanong ni Azalea kay Clave, kay third. Pero ang tanging sagot lang ni Clave ay isang ngiti na alam kong malaki ang epekto kay Azalea.

"Shit" and that's the only thing I heard from Caleb.

The Game Called Love ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz