HTN Chapter XXIX

3.9K 77 3
                                    


Xian Dale's POV:

"Dale! Dale!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Nikki. Humarap ako ng makalapit ang mga ito.

"Nasaan si Belle?"

Medyo may inis sa tono ng boses nito. Kumunot naman ang noo ko. Akala ko ba magkasama na sila? Hinatid ko pa si Belle sa canteen kanina ah.

"Hindi ba't kasama nyo na? Hinatid ko sya sainyo kanina sa Canteen."

Sagot ko. Hindi ito agad sumagot. She's catching her breath. Parang galing sa pagtakbo.

"Oo kasama nga namin sya kanina Dale pero humiwalay din sya sa amin. Akala namin ay pinuntahan ka."

Si Cris na ang sumagot. Bigla naman akong kinabahan. Nasaan ang Girl friend ko?

"Hahanapin namin sya doon. Ikaw na bahala humanap sakanya dyan. Masama talaga ang kutob ko eh. Feeling ko talaga may masamang nangyari sakanya."

Masama ang tingin nito sa akin bago nagsimulang tumakbo palayo. Binigyan naman ako ni Cris ng pasensya-kana-look na tinanguan ko naman bago nya hinabol si Nikki.

"I'm going to look for her too."

Harang sa akin ni Ian. Kahit medyo ayoko sakanya dahil sa nalaman kong may gusto din ito kay Belle ay tinanguan ko pa rin ito. Ayoko munang ipagdamot si Belle ngayon dahil nawawala ito. Nagsimula na kaming maghanap. Humiwalay ng daan si Ian kasama sina Than at James. Si Tian naman ay hinabol sina Nikki.

"Where are you My Princess?"

I mumbled. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Baka sya na to! sabi ko sa isip ko kaya madali ko itong sinagot ng hindi man lang tinitignan ang pangalan sa screen.

"Belle! Where are you?! Nag aalala na kaming lahat sayo dito."

Nag aalala kong sabi. I heard a laugh in the other line.

"Ohh hi din Dale."

What the hell? Wag nyang sabihing sya nanaman ang may kinalaman dito dahil mapapatay ko na talaga sya.

"Walanghiya ka! Nasaan si Belle!? Ibalik mo sakin si Belle!"

I shouted while clenching my fist. This girl really pissed me off.

"Oh chill ka lang. I won't hurt her okay? But in one condition."

I gritted my teeth in anger.

"What condition."

I seriously asked. Once again, she laughed. This girl is really insane.

"Stay away from her. Make her think that you just play with her feelings and the truth is you don't really love her. That you just used her to make me feel jealous and if we're okay.. She's useless."

What the fcking hell! Napakademonyo talaga ng babaeng ito! I won't do that to Belle. Never!

"Damn you Michelle! I will never do that to Belle. Mahal ko sya at hindi ko sya pinaglaruan! Hindi ko sya iiwan at sasaktan tandaan mo yan! Kukunin ko sya sayo kahit anong mangyari!"

Malakas na tawa naman ang isinagot nito sa akin.

"Really? Aww nakakatouch ka naman! Pero sorry ka nalang Dale. Cause you don't have any choice but to do my condition. You know what I'm capable to do Dale. Lahat ng mga nakaflings and naging Girlfriends mo ay napaalis ko sa landas ko. Paano pa kaya ang isang Poor promdi nerd na gaya ni Belle? Are you sure that you can protect her from me? Aha. That's stupid Dale. I can make her life miserable maging ang mga pamilya nito. Come to think of it. If you really love her? Then stay away from her life. Hindi mo ba nakikita? Ikaw ang naglalapit sakanya sa gulo."

Heiress Turns Nerd (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon