HTN Chapter XVIII

4.2K 116 2
                                    

"Thea! Thea!"

Sigaw ni Bridg habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko ito pinapansin dahil ayoko pang bumangon. Wala namang pasok ngayon dahil sabado kaya matutulog lang ako maghapon.

"THEA YSABELLE! I KNOW YOU'RE AWAKE! OPEN THIS DOOR OR ELSE I'LL KICK IT."

Madali naman akong napatayo sa pagkakahiga ko  muntikan pa akong malaglag sa kama ko. Ano bang problema ng babaeng ito? Ang aga aga nambubulabog. Binuksan ko ang pinto ng nakasimangot.

"What the hell Bridgette Nicole! Bakit ba ang aga aga mong mambulabog? My God! It's just 8 o'clock for Pete's sake! I want to have rest."

Sermon ko dito. Nagpout naman ito. Okay I know the problem.

"Bridgette maaga pa para maglibot. Do you think open na ang mga malls sa ganitong oras?"

I know this brat so much to the point na pati expression nito kabisado ko na kung ano ang gustong iparating.

"I know that Thea Ysabelle. Hindi ako tanga noh. Let's go to the bar. Bisitahin naman natin si Lucas. I miss that asshole."

Natawa naman ako sa sinabi nito. Lucas is our childhood friend. Naging kaklase namin ito noong elementary. Nakakalungkot nga lang dahil naiwan ito sa dating university na pinapasukan namin ni Bridg. Sya ngayon ang General Manager ng Bar na itinayo namin.

"Okay. Magbihis kana. We'll go to the bar to see Lucas."

Napa 'Yes!' naman ito at dali daling naglakad patungong kwarto nguni't hindi pa ito nakakapasok ng bigla syang tumakbo pabalik. Ano nanaman kaya ang kailangan nya.

"Call Grace and Cris. Isama natin sila. Magbibihis na ako. Bye!"

Utos nito sabay takbo pabalik ng kwarto. Napailing nalang ako at kinuha ang phone ko sa may drawer. I dialed Grace number tutal magkasama naman ang mga ito sa apartment. Nakaka dalawang ring palang ng sagutin nito ang tawag.

"Good morning Ysay! Ang aga mo naman atang nagising?"

Pambungad na bati nito sa akin. kahit kailan talaga napaka energetic ng dalawang to.

"Nagyayaya si Bridg. Kita tayo sa harap ng TMU. Magbihis na kayo okay? Bye!"

I immediately ended the call para hindi na sila makatanggi pa. Naligo na ako at nagbihis.

***

"Bar?! Anong gagwin natin sa bar?! Jusko mahabaging langit! Inosente po kam--aray!"

Pag hihysterical ni Cris habang niyayakap pa ang sarili kaya nakatanggap ito ng batok kay Bridg.

"Ikaw talaga Cris! Tumigil ka nga may payakap yakap kapa sa sarili mo. Ibubugaw ba kita ah?"

Tawa lang kami ng tawa ni Grace sa pagbabangayan ng mga ito. Pagkadating namin sa Bar ay pakaladkad na hinila ni Bridg si Cris. Nagdadasal pa ito aha. Inakbayan naman ako ni Grace papasok ng Bar.

"Umupo ka nga dyan! Bakit kaba nagdadasal ah? Papatayin ba kita?"

Nagbabangayan pa rin ang dalawa ng makadating kami ni Grace sa upuan. Napailing nalang kami. Mga to talaga parang timang. Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag para tawagan si Lucas. I'm sure nasa office nya yun at tinatamad na akong maglakad para puntahan pa sya. After three rings he answered the call.

"Oh Goodmorning Beautiful. How may I help you?"

Bati nito sa akin. I giggled. Si Lucas talaga dakilang bolero ever.

"Ang agang bola. Lumabas kana dyan sa lungga mo at nandito kami ni Bridg."

Pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang call. Tinawag ko ang isa sa mga waiter namin at humingi ng maiinom. Juice lang ang hiningi ko dahil maaga pa para maglasing at isa pa'y hindi naman umiinom ang mga kasama namin ni Bridg.

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now