Chapter X

4.7K 102 0
                                    


***
Thea Ysabelle's


"Sino ka po? Anong kailangan mo sakin? Mommyy!!!" Nanginginig kong sigaw ng makita ang isang lalaking nakatakip ang mukha at may dalang baril.

"Sii-no ka? B-ad guy kaaa!" Nanginginig na ako sa sobrang takot. Niyakap ko ang aking sarili habang umuurong dahil palapit ng palapit sa akin ang lalake. Cheche nasaan ka na ba? Bigla naman nitong itinaas ang kamay nyang may hawak na baril tsaka itinutok sa akin.

"Papatayin kita!" Sigaw nito sabay kalabit sa baril.

"Huuuuuwaaaaag!!"

"Princess! Wake up! Princess!" Rinig kong sigaw ni Daddy sabay yugyog sa akin. Napamulat naman ako at dali dali itong niyakap. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Panaginip lang pala. Pero bakit parang totoo? Kumawala ako sa yakap ni Daddy at napatingin sa lugar kung nasaan ako. Hospital.

"Are you alright Princess? May masakit ba sayo? Ipapatawag ko ang Doctor m--" Hindi na naituloy ni Daddy ang sasabihin nya dahil nagsalita ako.

"No Daddy. No need. I'm Okay. Walang masakit sakin." I saw him sigh in relief ng malamang okay lang ako. Naupo ito sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"Tell me princess. Sinong may gawa nito sayo?" May galit sa tono ng boses ni Daddy. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay nito para pakalmahin sya.

"Honestly, I don't know Dad. I didn't able to see his face. But don't worry. I'm fine now." Sabi ko ng nakangiti at tumango naman ito.

"Hindi ko parin palalampasin ang nangyaring ito. Bukas na bukas din ay babalik ako sa TMU para panuorin ang mga CCTV Cameras na nakalagay sa bawat sulok ng TMU." Yes. My CCTV Cameras in every corner of the school at hindi yun alam ng mga estudyante. Umiling naman ako.

"No Daddy. Hindi na po kailangan. Ayoko namang makaabala pa sayo. Madami ka pang trabaho na dapat tapusin. Sinisigurado ko sayo na hindi na po ito mauulit." Kitang kita sa mukha ni Daddy na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko kaya ginamit ko na ang charm ko.

"Please Daddy? Please?" Ngumiti naman ito at tumango. Yes! Gumana.

"Okay princess. Pero sa oras na maulit ulit ito hindi mo na ko madadaan dyan sa charm mo okay?" Natawa naman ako sa sinabi nito at niyakap sya. Napabitaw ako ng makita ko sa may likuran nya sina Mommy at Bridg na natutulog sa couch. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pag aalala. Nakaramdam tuloy ako ng awa.

"Daddy I'm sorry." I apologized. Niyakap naman ako nito ng mahigpit.

"You don't have to apologize Princess. You're my daughter and I love you so much. So I'll do anything and everything just to make you safe." Napayakap naman ako ng mahigpit kay Daddy dahil sa sinabi nya. Nakita ko naman gumalaw si Mommy at nagmulat. Nagising ata ito sa ingay namin ni Daddy. Nang una ay parang wala pa ito sa sarili ngunit bigla itong napatayo ng makitang gising na ako.

"Oh my God Princess!" Sigaw nito sabay yakap sakin ng mahigpit. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito ay nagising na din ang natutulog na si Bridgette. Napatayo din ito at lumapit sa akin.

"Thea! My Goodness! Mabuti nalang at ayos kana. Nag alala kami sayo." Sabi nito sabay yakap din sa akin. Nginitian naman kami nina Mommy and they mouthed 'Kakausapin lang namin ang doctor mo. Babalik kami' tumango lang ako sakanila tsaka na sila lumabas.

"You don't have to worry now okay? I'm fine. Inatake lang ako ng asthma." Pag aassure ko sakanya sabay ngiti.

"Pero ano ba talagang nangyari? I thought you're on your way to cafeteria pero 30 minutes na ang lumilipas at wala ka parin. How did you end up on that dark storage room?" I expected that many questions from Bridg. She's my bestfriend and I know that she'll do everything just to protect me.

"Yes. I'm really on my way that time. I run as fast as I could cause I know that waiting really irritates you. Dumaan na ako sa may likuran malapit sa Cr dahil yun lang ang pinaka short way para marating ko ang cafeteria. Paliko na ako when someone held me. Tinakpan nito ang bibig ko para hindi ako makasigaw. I didn't able to see his face cause he's at my back. He brought me to that storage room and leave me. Masikip. Madilim. Mainit. That's the reason kung bakit inatake ako ng asthma at nawalan ng malay." Kitang kita sa mga mata ni Bridg ang galit habang ikinukwento ko sakanya ang mga nangyari. I saw her clench her fist. Alam kong nasasaktan ito dahil hindi nya ako naipagtanggol.

"Don't worry Thea. I'll do my very best just to know who's that freaking asshole behind this and I'll make sure that I'll make their life miserable." Umiling naman ako at hinawakan ang kamay nya. Hindi naman sa ayokong magbayad ang mga may pakana nito. Pero sa tingin ko ay mas makakabuting manahimik na muna kami sa ngayon dahil baka mahalata lang kami kung maghihiganti pa kami.

"No Bridg. Hayaan nalang natin sila. Think of it. Mahahalata lang tayo kapag naghiganti pa tayo. Alamin nalang muna natin sa ngayon kung sino ang may gawa nito sa akin. May ibang plano ako para sakanila. Not now but soon." Bumuntong hininga naman ito atsaka tumango. Alam kong naiintindihan ni Bridg ang ibig kong sabihin.

"Okay Thea but please! Take care of yourself. I'm really worried about you for Pete's sake! Kumain kana ah. Call me if you need something. I have to go. May pasok pa ako at baka magtaka naman sina Cris kung pareho tayong wala. Ako na ang bahalang gumawa ng dahilan why you're not around. I'll be back later okay?" Sabi nito sabay halik sa noo ko. Tinanguan ko naman ito bago lumabas ng kwarto ko.

****
Bridgette Nicole

"Uy girl dito dali!" Tawag sa akin ni Cris ng makita akong papasok ng cafeteria. Tapos na ang morning class namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang walang hiyang may gawa sa pagkakulong ni Thea sa storage room. Ayoko din muna kasing dumiretso kay tita Dette dahil baka mas lalo lang lumaki ang problema. Nginitian ko ang mga ito tsaka lumapit. Nakita ko namang busy si Grace sa pagbabasa ng Diyaryo. Nakuha nito ang atensyon ko.

"Grabe naman pala ang nangyari sa nag iisang anak ng mga Montereal ano? Natagpuang walang malay dahil inatake ng asthma kawawa naman sya." Sabi ni Grace habang patuloy na binabasa ang laman ng diyaryo. So kalat na pala all over the world ang nangyari kay Thea. I expected that dahil napanood ko rin ito kanina sa TV. Good thing at wala silang nakuhang picture ni bhest and till now ay hindi parin alam ng media kung ano ang itsura o pangalan nito maging ang kasarian. Napakailap ni Thea sa publiko dahil ayaw na ayaw nito na magulo ang buhay nya maging ang privacy nya. Hinayaan naman ito nina Tito.

"Grace patingin nga." Sabi ko at binigay naman nya ito sa akin. Binasa ko ang nilalaman ng balita at ayon dito ay natagpuang walang malay ang nag iisang anak ng mga Montereal sa silid nito dahil inatake ito ng asthma which is not true. Alam kong iniba na nina Tita ang kwento para sa safety ni Thea.

"Sa tingin nyo, Babae kaya ang anak ng mga Montereal? Grabe napaka misteryoso naman ng identity nya ano?" Tanong samin ni Cris. Nagkibit balikat lang ako dahil wala naman akong ibang alam sabihin.

"Oo nga pala. Nikki nasaan si Belle? Ano nga palang nangyari kagabi? Nasa bahay na ba sya pagkauwi mo?" Sunod sunod na tanong nina Grace. Heto na ang kinatatakutan ko eh pero syempre napaghandaan ko na ito.

"Hindi sya pumasok dahil masama ang pakiramdam nya. Oo nakauwi na pala ito kagabi at nalowbat lang kaya hindi na nakapagtext pa." I bit my lower lip just to hide that I'm lying. Hindi ako masyadong varsity sa pagsisinungaling dahil lagi naman akong pinag iisip ng palusot ni Thea.

"May sakit si Belle? Pwede ba kaming sumama sayo mamaya sa bahay para naman madalaw namin sya?" Ohh No. Umiling iling naman ako sabay wagayway ng dalawa kong kamay.

"Naku wag na! Ano kasi.. Ayaw ni Belle ang iniistorbo sya kapag may sakit to. Oo tama. Yun nga." Pagpapalusot ko. Sana gumana. Nagkatinginan naman ang mga ito.

"Sige na nga! Basta ikumusta mo kami sakanya ah?" Sabi ng mga ito. Yes! Ang galing mo talaga Bridgette.

***
Xian Dale

"Tignan mo to, Kawawa naman pala ang kaisa isang anak ng mga Montereal ano? Natagpuang walang malay sa silid nya!"

"Oo nga mabuti nalang at agad nakita. Sayang hindi nakuhanan ng pictures o kahit pangalan man lang."

"Ganyan talaga. Ayon sa tsismis, Ayaw na ayaw daw nung tagapagmana ng mga Montereal na magpakita at magpakilala sa publiko dahil ayaw daw nitong masira ang privacy nya. Ilap na ilap daw ito kaya walang makalap ang mga media kahit kasarian man lang nito o pangalan."

Yan lang ang kanina ko pa naririnig na pinag tsitsismisan ng mga estudyante dito sa cafeteria. Kalat na kalat na din ang balitang ito maging sa telebisyon. Trending world wide na nga ata eh. Bakit naman hindi. Sya lang naman ang tagapagmana ng pinakamakapangyarihan at pinakamayamang tao sa buong mundo. Ang mga Montereal. Kaso nakakarindi na.

"Mga pre! Sa tingin nyo.. Babae kaya yung tagapagmana ng mga Montereal?" Tanong ni Nathan. Si Nathan Cruz. Ang pinakababaero sa grupo.

"At bakit mo naman tinatanong? Pati banaman anak ng mga Montereal eh pagdidiskitahan mo na rin?" Balik tanong naman sakanya ni Ian. Adrian Velasco. Ang pinaka Goodboy sa grupo. Madalas nya kaming suwayin sa mga kalokohan namin. Hindi ko alam kung paano namin sya naging barkada dahil sa magkaibang magkaiba ang ugali namin. Binato sya ng fries ni Nathan.

"Gago! Kung Chicks man yun. Siguradong hindi ka nya type." Pang aasar naman sakanya ni James. Si James Roque ang kakunchaba ni Nathan pagdating sa mga babae. Basta babae ang pinag uusapan, Magkakasundo yang dalawang yan. Nagtawanan naman kami sa sinabi nito.

"Mga Lul! Kung babae man yun ay sigurado akong hindi yun chicks. Ayaw nga magpakita o magpakilala sa media eh. Baka kasi panget." Nagtawanan nanaman kami sa sinabi ni tian. Si Christian Alonzo, Ang pinaka close ko sa lahat dahil matagal na kaming magkakilala. Pinagmumura naman sya nina James. Napatingin naman ako sa tatlong babaeng palabas ng cafeteria. Kung hindi ako nagkakamali ay yun ang mga kaibigan ni nerd. Bakit hindi nila ito kasama? Eh bakit mo ba hinahanap? Tss. Nagulat naman ako nang may biglang tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko ay nakatayo na sina Nathan at hinihintay nalang ako.

"Wala ka bang balak pumasok Dale? Tara na!" Sabi ng mga ito kaya tumayo na ako at lumabas ng cafeteria.

_____________

Enrique Gil as James Roque

Sam Concepcion as Nathan Cruz

Diego Loyzaga as Christian Alonzo

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now