Chapter V

5.7K 116 2
                                    


***
Thea Ysabelle's

Spell Bored. T-H-E-A. This is our last subject at kating kati na akong umuwi. Ughh, What kind of schedule did Tita Dette gave to us. Psychology is my last subject and I can feel that anytime I will fall asleep because my prof is not interesting. Hindi ko na kaklase sina Bridg sa afternoon class kaya wala din akong makausap. I just close my eyes and lean on my arm chair. Our prof won't notice me since I'm in the last row. Perks of having a letter S surname. I was about to sleep when someone pokes me. Who the hell did that?! I didn't mind to turn around just to see that dipshit. He's not worth it to look at. Bahala sya sa buhay nya.

"A nerd sleeping in class. That's new. Don't you know that sleeping in class hours is against the rule?" A guy stated. I lift up my head and saw a handsome guy in front of me. Shet ang Gwapo. Ohh wait, he looks familiar.

"Ikaw yung kasama nung apat na lalake kanina sa cafeteria diba?" I ask because I'm not that sure. You know, I have this habit of forgetting someone's face. He simply smiled at me. Ohh, no need to answer my question sweetie. Makalaglag panty ang kagwapuhan nitong lalakeng to. 'gross thea! My mind protested. Okay fine, behave.

"I'm Adrian Velasco. Magkaklase tayo sa subject na to." I secretly rolled my eyeballs. Yes, Obviously that's why you're here. He lend me his hand that I gladly accepted. Buti pa ito mabait. Di katulad nung mga kasama nya mukhang basagulero. Ngayon ko lang napansin na kaklase ko pala sya. Malamang wala ka namang ibang inisip kundi umuwi na! Sabat nanaman ng utak ko. Hey shut up brain.

"I'm Belle. Belle Servantes. Hindi ko napansin na kaklase pala kita." I smiled at her. Belle Servantes signature smile. Luh, ang harot mo Thea. Parang bigla nalang nawala ang antok at pagkainip ko. 'Gwapo kase ng nasa harapan mo!' Are you going to shut up? O ipapatanggal kitang utak ka? Pang aaway ko sa isip ko. panira eh.

"Belle I just wanted to say sorry about what happened a while ago. Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko especially Dale. He's always like that." I wanted to say wala yun noh! basta ikaw! But of course I won't do that dahil ayokong madungisan ang kabaitan ni Belle Servantes. I just gave him a sweet smile as an answer. duh landi mo Thea. Natapos ang klase namin na nagkukwentuhan lang kami ni Adrian. Madaldal din pala ito at masayang kausap dahil napakaraming kwento. I think I'm starting to like my last subject! Thanks to my tita dette. hihi.

"Uuwi ka na ba?" He asked while I'm busy putting my things on my bag. I glance at him and saw him looking at me or should I say, staring at me? I felt tensed. Bakit hindi nila agad sinabi na mas marami palang hot guys dito sa TMU? I can feel that my blood is raising into my cheeks. I admit, I kinda like this guy. 'Bakit naman hindi? Gwapo na mabait pa!' Sabat na naman utak ko. I shook my head once I remember that I'm here to study and not to flirt just like what I'm doing before. I won't disappoint my Dad.

"Belle? Are you okay?" I was back to my senses when Adrian spoke. Matagal na pala akong nakatitig sakanya and I didn't notice it because my mind is occupied. My God Thea Ysabelle! Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon para makabalik sa nakaraan noong sinagutan ko ang slum note ni bridg 9 years ago ay ito ang isusulat kong most embarrassing moment.

"Aa-h? Oo-o okay lang ako." I stutter. My God Thea! Nakakahiya ka! sita ko sa sarili ko. Nginitian naman ako nito. Bakit ba ang hilig nyang ngumiti?

"Uuwi ka na ba?" Pag uulit nito sa tanong nya kanina. Hindi ko pala ito nasagot. Sht, This is really embarrassing!

"Ahh hindi. Hihintayin ko yung mga kaibigan ko. Ikaw?" Balik tanong ko sakanya. That's right! Huwag kang masyadong magpahalata. He's still one of those five guys who sent you out to the cafeteria don't forget that.

"Hindi pa. Sasamahan pa kita." He's looking straight forward to me while smiling. Seriously? Hindi ba sumasakit ang panga nya kakangiti?

"Aa-h?" I don't know what should I answer. Baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig diba? Mahirap na baka masabihan pa akong assumera.

"Sabi ko sasamahan pa kita. Tara sa cafeteria my treat." Hindi na ako nakatutol pa dahil hinawakan na nito ang kamay ko saka ako hinila palabas ng room. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Halos lahat ay masasama ang tingin sa akin that's why I turn my head down. I don't want my beautiful eyes to be infected with those viruses.

"OMG! Sila na ba?"

"Ang landi naman pala ng nerd na yan! Pati si Papa Adrian nilalandi nya!"

"Ginayuma nya ata si Adrian."

"Kabago bago may nagayuma na agad. Mukhang may lahing mangkukulam ang nerd na yan!"

Marami pa akong nadinig ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Mas hinigpitan pa ni Adrian ang paghawak sa kamay ko dahil na rin siguro sa mga bulong bulungan na nadinig namin sa mga estudyante. Pagpasok pa lamang namin sa canteen ay pinagtitinginan na kami kaya kinuha ko ang kamay kong hawak ni Adrian tsaka na naunang naglakad. Hinabol naman ako nito ngunit hindi na ito nagtanong pa kung okay lang ako dahil halata namang hindi. Goodboy.

"What do you want?" He asked. Umiling lang ako dahil wala akong ganang kumain and hey, I'm a body conscious woman. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng pinandidirihan ka dahil sa panlabas mong kaanyuan. I promise na kapag nakabalik na ako sa pagiging Thea ay ipapatupad ko dito sa University ko ang Anti-Bullying.

"Okay wait for me there. Ako na ang pipili para sayo." Dali dali itong umalis upang bumili ng pagkain para sa amin. Mabait si Adrian. Hindi ako galit sakanya. Nagagalit ako sa mga estudyanteng napaka kitid ng utak para manghusga ng mga taong hindi naman talaga nila nakikilala. Ilang minuto lang ay bumalik na si Adrian dala dala ang isang tray na naglalaman ng dalawang spaghetti at soda. Umupo ito sa tapat ko at nakaramdam naman ako ng awa ng makitang pawis na pawis ito. Alam ko namang pinauna sya sa pila ng mga babae ngunit napakadaming estudyante ngayon kaya siksikan parin.

"Kaen na tayo?" Nakangiting tanong nito matapos magpunas ng pawis. Ayoko sanang kumain ngunit nakakahiya naman kung mag iinarte pa ako kaya kinain ko na rin ito.

"Belle!" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin. Si Grace. Kinawayan ako nito at dali daling tumakbo palapit sa akin. Hinihingal ito ng makadating sa kinauupuan namin.

"Belle tara na! Hinihintay tayo nina Nikki sa labas." Sabi nito. Napatingin naman ito sa lalakeng nasa harapan ko at biglang nanlaki ang mga mata nya. Siguro'y hindi nito napansin si Adrian kanina.

"Ahh Adrian mauna na ako sayo. Maraming salamat sa treat. Babawi nalang ako sa susunod." Nakangiti kong sabi sabay hila sa tulalang si Grace. Hindi ko na ito hinintay pang magsalita dahil ayaw na ayaw ni Bridg ang pinaghihintay.

"Anong petsa na? Buti dumating pa kayo." Sabi ni Bridg. See? Ayaw talaga nito ang pinaghihintay sya.

"Sorry. Tinapos ko muna kasi yung kinakain ko." Tumango tango naman ito na para bang sinasabing ah okay kaya nakahinga ako ng maluwag. Mahirap kasing suyuin si Bridg kapag nagtatampo. Napatingin naman ang mga ito sa kanina pa'y lutang na si Grace. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala ito nakaka get over.

"Anyare dyan te?" Takang tanong ni Cris sabay turo kay Grace. Di ko din alam kung bakit sya nagka ganyan. Ang alam ko lang ay nakita nya kaming magkasamang kumakain ni Adrian kanina sa canteen at ayan! Naging ganyan na sya.

"Hindi ko din alam Cris. Nang makita nyang si Adrian ang kasama kong kumakain sa Canteen ay nagka ganyan na ito." Pagkukwento ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Cris. Yung totoo? Ano bang meron sa mga lalakeng yun at nagkakaganyan ang mga ito sa tuwing nababanggit sila.

"Adr-ian? As in Adrian Vela-sco?" Gulat na tanong nito. Niyugyog naman ni Bridg si Grace kaya natauhan na ito.

"Yes." Mabilis kong sagot. Napasinghap naman ang mga ito sabay hawak sa noo.

"Belle hindi ba't sinabi ko naman sayo na layuan mo ang grupo ni Dale?" Pagpapaalala nito sa akin. Yea I know. But Adrian is different. Napakabait nito.

"Oo alam ko naman yun Cris. Mabait naman si Adrian. Kaklase ko sya sa last subject at sinamahan nya lang akong maghintay sa inyo. Wala naman sigurong masama kung kakaibiganin natin sya. He's different. Hindi katulad ng Xian na yun. Mukhang basagulero." Napa Oh my Gosh! naman ang mga ito ng banggitin ko ang salitang basagulero kaya natawa kami ni Bridgette. Nakakatawa talaga tong mga to. Naglakad na kami palabas ng Campus.

Hay, bullies everywhere.

____________

Jerome Ponce as Adrian Velasco

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now