HTN Chapter XII

5.5K 104 2
                                    


****
Thea Ysabelle's

Monday ngayon at gaya ng dati ay sabay na naman kaming pumasok ni Bridg dahil magkaklase kami sa mga Morning subjects. I did my morning rituals. Bihis. Suklay. Powder. Lip balm and viola!

"Thea! Hurry up! it's already 7:45!" Sigaw ni Bridg mula sa labas kaya madali kong hinablot ang gamit ko tsaka na lumabas. Paglabas namin ng bahay ay pumara na kami ng tricycle dahil bawal pa daw akong mapagod sabi ng Doctor. Bawal muna ang lakad. Pagdating sa School ay hindi na namin pinansin ang mga matang nakatingin sa amin ng masama at ang mga bulong bulungang naririnig namin. We're already used to it. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng room. Sanay na kami. Pagpasok namin ay kakaunti palang ang mga nasa loob. Wala pa si Mr.Guanson kaya nakahinga kami ng maluwag. Nakita naming busy sa pagkukwentuhan sina Grace at Cris at hindi nila kami napansing dumating. Nilapitan naman namin sila.

"Uy te! Nandyan na pala kayo. Dito upo kayo dali! May chika ako sa inyo!" Sabi ni Cris sabay hila sa amin ni Bridg paupo. Ito talagang babaeng to, Kaaga aga tsismis agad.

"Oh ano na naman ang tsismis na nasagap mo ngayong umaga?" Tanong sakanya ni Bridg. Tumingin tingin muna ito sa paligid bago lumapit sa amin tsaka bumulong.

"Alam nyo ba na hinalikan ni Nathan Cruz si Monika Suarez kanina sa Gymnasium? Grabe te! Sampung minuto! At ang nakakagulat dun ay pagkatapos nya itong halikan ay tinulak nya ito tsaka na tuluyang umalis. Pahiya si ateng."  Owww. Gusto kong matuwa at pasalamatan ang Nathan na yun ngunit mas nangingibabaw pa rin sa akin ang galit dahil hindi nila ginagalang ang TMU.

"Dapat lang yun sakanya noh! Masyado silang feeler." Naiinis na sabi naman ni bhes. I expected that word from her. Matindi ang galit nito sa mga Mean Girls lalong lalo na kay Monika dahil ito ang laging nambubully sakanya. Tumahimik na kami ng pumasok sila. We secretly grin ng mapansing namamaga ang mga mata ni Monika at namumula pa ang ilong dahil sa pag iyak. Serves you right. Dinig kong bulong ng bestfriend ko kaya pasimple ko itong siniko.

***

"Grabe ka girl! Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka natatakot sa mga Mean girls. Sus wala naman palang kaya sainyo ang mga yun." Pagpuri sa amin ni Cris. Nandito kami ngayon sa may cafeteria. Pinag uusapan kasi nila ang nangyari kanina sa corridor. Hinarang na naman kasi kami ng mga higad.

Flashback:

"Tara na! Gutom na gutom nako. Ang haba naman kasi ng linecture natin dito sa Filipino!" Pagmamaktol ni Bridg. Hindi talaga nito kayang pabayaan ang tyan nya. Madali naming iniligpit nina Cris ang mga gamit namin. Nakasimangot na kasi ang Bratinela. Paglabas namin ng room ay nakita naming nakaabang ang mga higad kaya napahinto kami.

"Tignan mo nga naman. May sa pusa ka palang nerd ka at nabuhay ka pa." Sabi sa akin ni Michelle habang nakacross arm. So sya pala ang may kagagawan ng nangyari sa akin. Tss. May araw ka rin.

"Talagang dapat mong ipagdasal na mabuhay itong kaibigan ko dahil kung namatay to isusunod kita." Matapang na sagot ni Bridg. Inawat ko ito dahil ayoko ng gulo. Lalo namang nanlisik ang mga mata ni Michelle.

"Wag na wag mo akong sinasagot ng ganyan ah! Tandaan mo. Isa ka lang hamak na probinsyana at kahit anong oras ay kaya kong sirain ang buhay mo at ng buong pamilya mo!" Sigaw ni Michelle. Ano ba kasing kinagagalit ng babaeng ito? Humarang na ako sakanila at ako na ang nagsalita dahil nakakaubos na talaga sya ng pasensya.

"Pwede ba tumigil kana Michelle? Wala ka namang mapapala sa amin eh. Gumagawa lang kayo ng gulo." Pakiusap ko. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Huwag mo akong papangunahan sa dapat kong gawin. Sisirain ko ang buhay nyo hanggat gusto ko." Mataray nitong sabi tsaka na tumalikod at naglakad paalis kasama ang kanyang mga alipores. Niyaya ko na rin sina Bridg sa cafeteria.

End of flashback

"Belle! Lutang ka nanaman." Sigaw ni Grace kaya nahimasmasan naman ako.

"Ano nga yung sinasabi nyo?" Inosente kong tanong kaya inulit naman ni Cris ang tanong nya.

"Ang sabi ko. Bakit ikaw hindi mo labanan ang mga Mean girls? Bakit mo hinahayaang pagkaisahan ka nila? Bat di mo gayahin si Nikki. Ikaw naman ang may ari ng paa-fngkroedkdkdks" Hindi na nito natapos ang sinasabi nya dahil tinakpan ko ang bibig nito. My God! Nasa cafeteria kami at baka may makadinig. Nakuha naman siguro nito ang ibig kong sabihin kaya nagpeace sign ito.

"Sorry te. Nakalimutan ko. Pero bakit nga ba?" She asked. Hindi naman sa natatakot ako sakanila. Kung tutuusin ay walang wala pa ang mga mean girls na yun kumpara sa mga nakaaway ko sa dati kong school. Pero may iba kasi akong plano sakanila.

"May tamang panahon para dyan Cris. Sa ngayon hahayaan ko muna silang magreyna reynahan dito." Napa 'ahhhh' naman ang mga ito. Hintayin mo lang Michelle. Iiyak at magmamakaawa ka din sa harapan ko.

Heiress Turns Nerd (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon