Chapter VI

5.5K 111 3
                                    


***
Thea Ysabelle's

Belle! Niks! Dito dali!" Tawag sa amin nina Cris at Grace. They're sitting at the front. Mag aalas otso palang naman. Maaga lang talaga kaming nagising ngayon ni Bridg para hindi daw kami mahuli sa orientation. Ayoko naman talaga sanang mag attend kaso pinilit ako ni Bridg dahil baka daw magtaka naman sina Grace kung hindi kami pupunta. Nilapitan namin sila.

"Wow te ang aga nyo ah!" Grace unbelievably utter then gave us a peck on the cheeks. We smiled and sat beside them. Antok na antok pa ako at feeling ko ay naiwan pa ang kaluluwa ko sa kama ko. Medyo maingay na din sa Covered court dahil nagsisi datingan na ang iba pang estudyante.

"Matagal ba ang orientation na to?" I asked boredly. I don't have any idea how long does this orientation will take because first of all, Bridg and I are newbie here and second, There's no any orientation happened on our former University. Ano ba naman kasi itong naisip ni tita dette at kailangan pa ng orientation.

"Dalawang Oras lang naman belle. Pagkatapos nun ay wala na. Pwede na tayong umuwi." Ahh okay. Two hours Thea. Just fcking two hours and after that you're free to go home and continue sleeping. Dumating na ang mga faculty members at si tita dette kaya nagsi tahimik na ang mga maiingay na estudyante. Geez, Finally.

"Goodmorning Students." Bati samin ng Dean slash Tita Dette ko. We greeted her back. Napatingin ito sa gawi namin ni Bridg tsaka kami nginitian. Nagsimula na itong magsalita tungkol sa rules and regulations ng Campus at ng kung ano ano pa. Wala akong masyadong naiintindihan dahil lutang pa rin ako hanggang ngayon. I glimpse at my wrist watch for the nth time. 8:30 palang. What the! Bakit ba ang bagal ng oras?

"Stop staring at your wrist watch brat." Bridg mumbled. Siguro'y nakita nito ang pabalik balik ko ng tingin sa oras. Sinimangutan ko lang ito. Kainis! Sabi ko na nga ba eh. Dapat talaga ay hindi nalang ako nag attend ng Orientation na to at hinayaan nalang syang mag attend mag isa. Hindi ko naman kailangan ng rules and regulations dahil ako naman ang may ari ng University na to.

"Here." Napatingin ako sa inaabot sa akin ni Bridg at bigla nalang nagtwinkle ang mga mata ko. Holy Lay's! Tinanggap ko ito and mouthed Thankyou. She just gave me a smile then listen to my tita again. I just eat until the orientation finally end.

"Uuwi na kayo? 10:00 palang ah." Cris asked. We're now heading to the comfort room. Ihing ihi na kasi ako kanina pa at bawal lumabas ng Covered Court unless tapos na ang Orientation.

"Ewan ko ba dito kay Belle. Gusto ng umuwi. Inaantok daw." Sagot naman ni Bridg. I look at them.

"Sumama nalang kayo sa bahay. Movie Marathon tayo." Nakangiti kong sabi. Nawala na din naman kasi ang pagka antok ko at parang gusto kong manood ng movies. Grace clap her hands. Isa pa tong childish.

"Gusto ko yan! Sige! Hoy belle bilisan mo na dyan ng makauwi na tayo sa inyo." Excited na sabi nito sabay tulak sakin papasok ng banyo. Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Pagpasok ko ay may naabutan akong higad na nag aayos. Tss. Di ko siya pinansin at akmang papasok na ako sa cubicle ng hawakan ako nito sa braso. Tinignan ko ito ng masama. She just smirk. Akala mo uubra ka sakin? Never.

"Bitawan moko Michelle." I utter calmly. Ayokong makipag away dahil wala ako sa mood ngunit hindi parin nito binitawan ang braso ko at hinigpitan pa talaga nito ang pagkakahawak. Sa oras na bumakas ang marumi nitong kamay sa braso ko'y makakatikim talaga to sakin.

"What if I don't want to? Anong gagawin mo?" May pang aasar ang tono nito. Oh Lord. Give me more patience. Baka mapatay ko tong higad na to.

"Then I'll force you to." Matapang kong sabi sabay hawak ng mahigpit sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Di hamak na mas malakas ako sakanya dahil nag aral ako ng self defense. Kitang kita sa mukha nito na nasasaktan na sya ngunit ayaw parin nitong bitawan ang braso ko kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sakanya. Napa aray naman ito tsaka bumitaw.

"How dare you to hurt me like that nerd!" Galit na sigaw nito at akmang sasampalin na ako ng mahawakan ko ang kamay nya.

"No. How dare YOU! Tandaan mo Michelle. Oo nerd ako. Oo hindi ako mayaman tulad mo at oo mabait akong tao pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo ka. Dahil hindi sa lahat ng kalokohan mo ay pagbibigyan kita." Seryoso kong sabi sabay bitaw sa kamay nito tsaka na lumabas. Sa bahay nalang ako iihi at baka mapatay ko pa ang taong nasa loob. Paglabas ko ay naabutan ko sina Bridg na nagkukwentuhan. Napatingin naman ang mga ito sa akin.

"Ohh. Bakit parang binagsakan ng langit at lupa yang mukha mo? Naka ihi kaba?" Niyaya ko na silang maglakad bago ko sinagot ang tanong nila. Mahirap na baka makita ko pa ulit ang higad na yun. Lord sorry kung di ko napigilan ang sarili ko. Napupuno na kase ako sa babaeng higad na yun eh.

"Hindi ako naka ihi. May higad kaseng humarang sakin at naghahanap ng gulo kaya pinagbigyan ko." Diretso lang ang tingin ko sa daan habang nagkukwento. Bigla namang tumigil ang mga ito dahilan para mapahinto din ako.

"Don't tell me pinatulan mo si Michelle?" Tumango lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinabol naman nila ako tsaka tinadtad ng tanong. Wow reporter mode on.

"Nagawa mo yun belle?" Grace.

"Anong nangyare? Kwento mo dali!" Cris.

"Bagay lang sakanya yun noh. Napatay mo ba bhest?" Bridg.

Natawa ako sa tanong ni Bridg. Napaka mean talaga ng babaeng to kahit kailan.

"Wait lang Okay? Sa bahay na natin pag usapan yan. Tara na." Sumimangot naman ang mga ito. Sumakay na kami ng jeep. First time namin ni bhest to pero syempre hindi kami dapat magpahalata kina Grace. Sila kasi ang nag suggest na mag jeep nalang daw kami. Pagbaba ay nilakad nalang namin tutal malapit na rin naman.

"Ang ganda naman pala ng bahay nyo te! kabog!" Puri ni Cris habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng bahay. Umupo ang mga ito sa sofa habang si Bridg ay dumiretso sa kusina para kumuha ng makakaen. Takaw talaga kahit kailan. Inayos ko na yung vcd at kinuha ang mga cd para makapili kami ng papanuorin.

"One more chance nalang." Cris

"Eew. Korni nun. Heto! Fifty Shades of Grey!" Grace.

"Mas eew kaya yan Grace noh! Gross! Heto nalang The Notebook." Bridg.

"Ayoko nyan! Masyadong romantic! Ito nalang kayang life of Pi. Mag eenjoy pa tayo." Cris

"Ang bitter mo naman! Palibhasa wala kang lovelife. Nakakaantok lang yan! Heto o Relax it's just pag ibig. Maganda to! Ang ganda kaya ni Sofia Andres!" Grace.

"Oy oy! Tumigil na nga kayo. Heto ang papanuorin natin." Sabi ko sabay lahad sakanila nung cd. Baka magrambolan pa tong mga to eh.

"Crazy beautiful You?" Wow nagpraktis ah.

"Oo at walang tututol. Ang gwapo kaya dito nung Daniel Padilla." Sabi ko saka nagdaydream. Binatukan naman ako ni bhest. Aray ahh. Aray.

"Ikaw tigilan mo nga yan para kang sira. Oo na yan na nga. Sige i-set mo na. Dali!" Excited much? Tawa naman ng tawa ang dalawa. Sinimangutan ko nga. Nag umpisa na ang pinapanuod namin kaya nanahimik na sila.

"Guys tignan nyo yang si Daniel. May pagkaka hawig kay Dale ano?" Napatingin kami sa biglang nagsalita na si Cris. Ano daw? Si Daniel may hawig sa mukhang asong Xian na yun? Napatingin naman ako sa pinapanuod namin. Anong hawig! Hindi kaya! Weh? sabat ng utak ko. Okay fine. May hawig nga. Si Xian ay parang bad boy side ni Daniel. Pero mas gwapo parin si Daniel!

"Manood ka nalang kaya Cris. Dame mo pang pinapansin eh." Suway naman ni Grace kaya nanahimik nalang si Cris. Pero sa totoo lang. Gwapo naman talaga yung Xian eh. Panget lang talaga ang ugali. Natapos na ang pinapanood namin. Ang gwapo talaga ni Daniel! Nagtungo naman sina Grace sa kusina para humanap ng pwedeng iluto dahil mag aalas dose na rin. Nang makakita ang mga ito ay nagsimula ng magluto. Ako na ang naghugas sa mga ginamit namin kanina dahil nagsasaing na si Bridg. Bigla namang nagsalita si Grace.

"Belle. Ikwento mo na ang naging kaganapan kanina sa Cr bilis." Nagpunas muna ako ng kamay dahil sakto nama'y tapos na akong maghugas tsaka bumaling ng tingin sakanila. Tutok na tutok parin sila sa kanilang mga ginagawa at mukhang hinihintay lang akong magkwento.

"I was about to enter the cubicle when she held my hand. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit ginantihan nya lang ako ng isang mapang asar na ngiti. Nakiusap ako sakanya na bitawan nya ako ngunit hindi ito nakinig. Mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. Wala talaga ako sa mood kaya nainis ako sakanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nyang nakahawak sa akin at napa aray naman ito. Galit na galit ito at akmang sasampalin ako ngunit napigilan ko ang kamay nito. May sinabi ako sakanya bago ko bitawan ang kamay nya at tuluyan ng lumabas." Nakatingin lang ako sa basong hawak ko habang ikinukwento sakanila ang nangyari kanina.

"Dapat lang yun sakanya noh. She's a Demon. She deserves that!" Inis na sabi ni bhest habang linulukot lukot ang basahang hawak. Nag agree naman ang dalawa.

"Pero belle. Mag iingat ka dahil sigurado akong hindi yan palalampasin ni Michelle at hindi yun patas kung lumaban. Sabi nga ni Nikki demonyo sya. Gagawin nya ang lahat para magantihan ka kaya be aware. You don't know her." Pagbabanta sakin ni Cris. Halata naman sa higad na yun na hindi talaga sya lumalaban ng patas. Tumango lang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa isat isa at nagpaalam na rin sina Grace dahil mag aalas tres na pala. pumasok naman si bhes sa kwarto nito para maligo. Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Cris kanina. Hindi naman sa takot ako. Ayoko lang na pati mga kaibigan ko ay idamay pa ng higad na yun. Nahiga ako saglit sa sofa at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

What a tiring day.

Heiress Turns Nerd (Revising)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora