Chapter XI

4.8K 107 2
                                    


***
Thea Ysabelle's

"How are you feeling? May masakit pa ba sayo? I bought you some fruits. You have to eat this." Sabi ng kadadating lang na si Bridg. Naka nerdy outfit pa ito at mukhang kakagaling lang sa school. may dala dala itong basket na puno ng prutas. Kakaalis lang din nina mommy dahil kailangan pa nilang umattend ng meeting.

"I'm fine Bridg. Thanks for the fruits. Kumusta sina Grace?" Hinugasan ni Bridg ang mga prutas sa may sink tsaka ito inilagay sa isang bowl. Nagpunas ito ng kamay tsaka humarap sa akin.

"As usual. Okay naman sila. Hinahanap ka nga eh. Buti at nakapagpalusot pa ako. I told them you are sick." Sabi nito sabay kuha ng bowl at binigay sa akin. Humiga ito sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Ganito talaga kami ni Bridg. Super clingy.

"Bridg.." I murmured.

"Hmmm?" Mahina nitong sagot. Patuloy pa rin kami sa pagkain ng ubas na binili nito.

"What if... Sabihin na natin kina Grace yung totoo? Yung totoong tayo. Kaibigan natin sila at nakokosensya na ako dahil nagsisinungaling tayo sakanila. Wala naman sigurong masama kung aminin natin sakanila ang totoo hindi ba? They deserve to know who we really are. What do you think?" I suggested. Tumigil naman ito sa pagkain at nag isip.

"Are you sure? Ikaw lang naman ang inaalala ko dito Thea. But if that's what you want.. Then let's tell them the truth." Nakangiti nitong sabi sabay hawak sa kamay ko. Nag thank you naman ako dito tsaka sumandal sa balikat nya. Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa makatulog kami.

***
Xian Dale

"What?! No way! Putcha ang hirap naman nyan eh!" Reklamo ni Nathan. Nandito kami ngayon sa Condo ni James at napag isipan nilang maglaro ng truth or dare. Tss. Kabaklaan talaga ng mga kaibigan ko. Ayoko ngang sumali eh kaya lang pinilit nila ako. Tss. As if I have a choice.

"Ano bang mahirap dun Nathan? Para namang hindi ka expert sa ganyan eh! Ang weak mo naman pala." Pang aasar sakanya ni Christian. Natawa naman kami kaya tinanggap na nito ang dare sakanya. Kaming apat lang ang nandito ngayon danil busy si Adrian sa pagpapractice para sa upcoming foundation day.

"Ako weak? Tangna naman pre para namang hindi moko kilala! Madali lang yan!" Pagyayabang nito. Napa 'ohhh' naman kami. James dared Nathan to kiss Monika Suarez for 10 minutes. She's one of the Mean Girls. Matagal na itong may gusto kay Nathan ngunit ayaw na ayaw ni Nathan dito.

"Oh Dale! Ikaw na!" Sigaw ni Christian kaya nakabalik naman ako sa katinuan. Pagtingin ko sa bote ay sa akin nga ito nakaturo. Sht. Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit pa ako sumali sa kalokohan ng mga to.

"Dare." Tipid kong sagot sabay inom ng alak. Nakita ko namang nag iisip si Nathan kung ano ang idedare sa akin. Napatingin naman kami ng bigla itong sumigaw.

"Alam ko na!" Nakangiti nitong sabi at para bang masayang masaya sa naisip. Psh. Ano nanaman kaya ang kalokohang ipapagawa sakin ng sira ulong to.

"Dale you choose dare. Walang bawian ah!" Pag uulit nito at tumango naman ako.

"Okay! Your dare is to make that Belle Servantes the nerd to fall in love with you then break her heart." Nakangising sabi nito. What? Belle Servantes? That nerd? What the fck. Sinamaan ko ito ng tingin at tinaas naman nito ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko.

"What the hell! Give me another dare wag lang yun." Iritado kong sabi.

"Ohh. The great Xian Dale Ramirez asked for another dare. Kelan kapa natutong umayaw? Mahirap na ba para sayo ngayon ang paibigin ang isang babae? Ano pare? Hindi ba tinatablan ng charms mo yung nerd na yun ah?" Panghahamon sakin ni Nathan. Of course not! Kelan pa ba ako umurong? Kung yan ang gusto nila then okay. I'll make that nerd fall for me then I'll break her heart. What a piece of cake.

"Tss. Fine." Maikli kong sagot.

"Yooooooown! That's the power dude!" Sabi ng mga ito tsaka kami nagcheers.

***
Bridgette Nicole

Nandito ako ngayon sa may harapan ng TMU. It's already 9:30 in the morning kaya tirik na tirik na ang araw. God! Mabuti nalang at nagsunblock ako. Hinihintay kong dumating sina Cris at Grace dahil may usapan kami na magkikita kami ngayon dito. It's sunday at wala kaming pasok. Ngayon na rin ang araw ng pag discharge kay Thea sa ospital kaya naisip kong isama sina Grace para sunduin ito. Yes nakapagdesisyon na kami ni Thea. And we decided to tell them the truth. Mabuting kaibigan sina Cris at napatunayan namin iyon.

"Niks!" May biglang tumawag sa pangalan ko. I know that voice. Lumingon naman ako at kinawayan sila.

"Kanina ka paba dyan? Pasensya kana ah. Tinapos muna kasi namin ang mga kelangan tapusin sa bahay." Sabi ni Grace ng makalapit na sila sa akin. Magkasama sila ni Cris sa isang apartment. Wala kasi dito ang kanilang pamilya. Nasa probinsya ang mga ito at napilitan lang silang lumuwas dahil sa scholarship na inoffer sakanila ng school nila dito sa TMU.

"Hindi naman. Halos kakadating ko lang din. Tara na?" Pag aaya ko sakanila kaya nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami ay nagtanong naman ang mga ito.

"Saan ba kasi tayo pupunta Niks? Tsaka nasaan si Belle? Bakit hindi mo sya kasama?" Takang tanong ni Cris. Naku Cris kung alam nyo lang. Si Thea nga ang pupuntahan natin.

"Basta. Malalaman nyo din okay? Sakay na." Sabi ko at sumakay na kami ng tricycle. Pagbaba namin ay tinadtad nanaman ako ng tanong ng dalawa.

"Montereal Hospital? Anong gagawin natin dito? Sinong may sakit?" Hindi ko nalang sila sinagot at niyaya ko na itong pumasok. Pagdating sa pinakahuling palapag ay hinarap ko ang mga ito.

"Grace, Cris. Please let us explain first okay? Kahit anong mangyari please pakinggan nyo kami." Pakiusap ko sakanila. Mukhang naguguluhan naman ang mga ito ngunit nakuha pa rin nilang tumango kaya hinawakan ko sila sa magkabilang braso tsaka na nagtungo sa VIP Room which is Thea's room. Pagdating namin ay may limang MIB na nagbabantay sa labas ng pinto.

"Wait lang Niks. VIP Room? Anong gagawin natin dito? Sinong pupuntahan natin dito? Ang mahal sa hospital na to. Tsaka, Bakit may Men in Black?" Naguguluhang tanong ni Cris. Nginitian ko lang ang mga ito sabay harap sa limang MIB ni bhes.

"Young Lady kanina pa po nya kayo hinihintay." Nakayukong sabi ng mga MIB ni bhes. Tinanguan ko lang ang mga ito. Pagharap ko kina Grace ay tulala ang mga ito.

"Yo-ung Laa-dy?" Nauutal nitong tanong. Hindi ko na pinatagal pa at hinila ko na ang mga ito papasok ng silid at doon ay nakita ko ang naghihintay na si Thea habang nagbabasa ng libro not wearing her fake eyebrows, glasses and retainer.

"Thea." Tawag ko dito dahil hindi nito napansin ang pagpasok namin. Binaba naman nito ang librong binabasa nya at tumingin sa amin ng nakangiti.

"Bridgette thank you for bringing them here. Grace. Cris." Tawag nito sa dalawa. Napansin ko namang walang lumalapit sakanila kaya humarap na ako at parang gusto kong matawa dahil sa itsura nila.  I snapped my fingers at natauhan naman sila.

"Tt-eka Nikki, sino sya? Bb-akit tinatawag ka nyang Bridgette?" Naguguluhang tanong ni Grace sabay turo kay Thea. Seriously? Ano bang nakakagulat? Hinila ko ang mga ito papalapit kay Thea.

"She's Belle. This is what I mean a while ago. Please let us explain. Para mas maintindihan nyo." Sabi ko tsaka sinenyasan si Thea na siya na ang magsabi sa dalawa.

"Grace. Cris. Sana wag kayong magalit sa amin. Sorry kung ngayon lang namin ito sasabihin sa inyo. I'm not Belle Servantes and She's not Nikki Mondragon. Mommy and Tita Ira, Bridgette's mom planned about this. They change our identity even our names for our safety. Hindi kami totoong mahirap at hindi kami totoong taga probinsya. Lahat ng yun ay pagpapanggap lamang. Sana ay maintindihan nyo." She explained. Natauhan naman sina Grace kaya nakapagsalita na ang mga ito.

"Kung hindi ka totoong Belle Servantes eh sino ka? Sino kayo? Bakit kailangan nyong magpanggap? Bakit hindi nyo nalang gamitin ang totoong pangalan at identity nyo? Anong meron at kailangan nyo pang itago ang totoo?" Hindi naman galit ang tono ng boses nito. Kitang kita lang talaga sa mukha nila na naguguluhan parin sila sa mga pangyayari.

"Okay. I'll tell you the truth. But promise me one thing. Ano man ang malaman nyo tungkol sa amin sana huwag magbago ang pakikitungo nyo sa amin. Magkaibigan parin tayo." Nagkatinginan muna silang dalawa at sabay na nagpromise.

"Promise!" Inakbayan ko naman ang mga ito. Baka kasi mag collapse sa malalaman nila. Huminga muna ng malalim si Thea bago ito sumagot.

"I'm Thea Ysabelle Servantes Montereal. Yes, I'm a Montereal. The one and only daughter and heiress of the Montereal. The owner of TMU." Napahawak naman ng mahigpit sa akin ang dalawa. Natatawa talaga ako sakanila. They're like an innocent child.

"Oh my God." Rinig kong bulong ng mga to sabay takip ng bibig.

"And that Brat is Bridgette Nicole Mondragon Alegre." Sabay pin point sakin ni Thea. Napatingin naman ang mga to sa akin na para bang nakakita ng multo. Nginitian ko lang sila.

"Mo-ntere-al? Ale-gre? Oh my God. Oh my God." Natawa na talaga kami ni Thea sa sinabi nila. Niyakap ko naman sila ng mahigpit ngunit hindi parin ito gumagalaw.

"Hey! Wake up kiddo." Yugyog ko kaya nahimasmasan na ang mga ito.

"Ibig sabihin.. Ikaw ang nag iisang anak ng mga Montereal? Ang tagapagmana ng Montereal? Ang may ari sa Pinaka malaking kumpanya sa buong mundo? Ang may ari ng pinaka magandang mall? ang may ari sa TMU? At ang anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo?" Pag uulit nito sa sinabi ni Thea. Kitang kita sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala sa nalaman. Tinanguan lang naman sila ni Thea.

"At ikaw naman ang nag iisang tagapagmana ng mga Alegre? The owner of the famous Alegre hotel and resorts? Kayong dalawa? Hindi namin alam na araw araw pala naming kasama ang mga tagapagmana ng dalawang pinakamayamang tao sa buong mundo. I can't believe this." Nakatulalang sabi ng mga ito. Binatukan ko naman sila para hindi ito mahiya sa amin.

"Aray ko te! Masakit yun ah." Sabi nito at tumawa lang kami.

"Basta! walang magbabago ah? Friends parin tayo. At isa pa palang favor. Please wag nyong sasabihin sa iba ang nalaman nyo. Walang pwedeng makaalam sa totoo naming pagkatao." Tumango naman ang mga ito tsaka kami niyakap. Bumitaw kami sa pagkakayakap ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isa sa mga MIB ni Thea. Oras na pala para lumabas si bhes.

"Young Lady utos po ng Daddy nyo na ihatid ko kayo hanggang sa bahay nyo." Nakayuko nitong sabi kay Thea. Tumango naman ito.

"Ilalabas ko na po ang mga gamit nyo." Sabi nya bago kinuha ang mga gamit ni Thea tsaka lumabas.

"Wow! Young Lady. Grabe kayo girl. Hindi namin kinaya." Pagbibiro ni Cris kaya nagtawanan kami.

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now