Chapter IX

4.5K 114 7
                                    


***
Thea Ysabelle's

Tapos na ang klase at dali dali akong nagligpit ng gamit dahil nagtext na si Bridg na hihintayin daw ako nito sa may cafeteria. Nasabi ko na rin naman sa inyo na ayaw na ayaw nito ang pinaghihintay sya ng matagal kaya patakbo na akong lumabas sa class room.

"Good bye belle! Ingat!" Rinig kong sigaw ng kaklase kong si Aeron. Humarap lang ako dito at kumaway habang patuloy parin sa pagtakbo. Maiiwan pa kasi ito sa class room dahil sya ang na assign na magpunas ng white board. Nakaka stress talaga ang araw na ito. Dalawang beses ko lang namang naka encounter ang mayabang na lalakeng yun! Good thing at hindi ako ginulo ng mga mean girls ngayon lalong lalo na si michelle. I'm expecting her revenge from what I've done yesterday. Siguro'y natakot ito. Mabuti naman kung ganun. Dumaan na ako sa may likuran malapit sa Cr para mas mapadali ang pagpunta ko sa cafeteria. Paliko na ako ng biglang may humila sa akin sabay takip sa bibig ko. Hindi ko ito makita dahil nasa may likuran ko sya nguni't nakakasiguro akong lalake ito dahil sa malakas sya. Sinubukan kong tumakas nguni't hindi ko magawa dahil yakap yakap ako nito patalikod. What the hell! Sino ba tong lalakeng ito. I started to panic dahil dinala ako nito sa isang maliit na kwarto. Hindi ko alam kung anong klaseng kwarto ito dahil napakadilim nguni't base sa amoy nito ay para itong storage room na pinaglalagyan ng mga gamit ng janitor at maintenance sa school. Isang malakas na pagtulak ang ginawa sa akin nito dahilan para mahiga ako sa sahig. Ouch! Narinig ko naman ang malakas na pagsara ng pinto kaya napatingin ako. Wala akong makita dahil walang ilaw dito. Napakadilim. Bukod dun ay napaka init pa dahil sa masikip ang lugar. Oh no. Bawal ako sa masisikip at maiinit na lugar dahil asthmatic ako. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at para bang bumigat ang bawat paghinga ko. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako. Kinapa ko ang pinto at pilit itong binuksan ng mahawakan ko ang door knob nguni't nakasara ito. Wala ng liwanag sa labas dahil sa mag aalas sais na ng gabi. Naalala ko si Bridg. Hinihintay pala ako nito.

"Tu-long! Tulo-ng! Tulung-an ny-o k-o." Mahinang sigaw ko dahil sa nahihirapan na akong huminga. Bigla akong nabuhayan ng maalala ko bigla ang cell phone ko kaya kinapa kapa ko ang bag ko. Okay, calm down Thea. Inhale, exhale. Nang makapa ko ito ay dali dali kong binuksan at kinuha ang phone ko ngunit naiyak na talaga ako ng makitang lowbat ito. Hinang hina na ako at hindi na ako makahinga hanggang sa mawalan ako ng malay.

****
Bridgette Nicole

"Nasaan na ba si Belle? Sigurado ka bang papunta na sya Niks? 30 minutes na tayong naghihintay dito. Tawagan mo kaya?" Nag aalalang sabi ni Cris. Asan kana ba Thea? Alam mo namang ayaw ko ng pinaghihintay ako diba? Bakit wala kapa? Sinunod ko naman ang sinabi sa akin ni Cris. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag tsaka dinial ang number ni Thea. Nagsimula na akong kabahan dahil cannot be reach ang phone nito. I dialed her number twice pero ganun parin. My God Thea. Where the hell are you?

"Anong problema Niks?" Alalang tanong ni Grace. Tinignan ko ang mga ito..

"Cannot be reach ang phone ni Belle. Asan na ba kasi yun? Baka napahamak na yun." Naiiyak kong sabi. Pinatahan naman ako nina Grace at Cris.

"Sshh. Wag mo ngang isipin yan. Tara hanapin nalang natin baka nandyan lang sa tabi tabi." Suhestyon ni Cris kaya nagsimula na kaming maglakad para hanapin si Thea. Alam ko si Thea. Hindi yun uuwi ng hindi nagpapaalam lalong lalo na kung alam nitong hinihintay ko sya.

"Tara puntahan muna natin ang guard para makapagtanong." Sabi naman ni Grace ng halos maikot na namin ang buong university ngunit wala kaming nakitang Thea. Madilim na ang paligid dahil 6:30 na ng gabi at wala ng tao sa loob ng paaralan.

"Manong Guard! Pwede bang magtanong?" Sabi ni Cris ng makarating kami sa Guard house. Lumabas naman ang guard para lapitan kami.

"Gabi na ah. Bakit nandito pa kayo?" Balik tanong sa amin ni manong guard sabay tingin sakanyang relo.

"May hinahanap po kasi kami. Yung kaibigan namin nawawala." Natataranta kong sabi. Kumunot naman ang noo ni Manong Guard.

"Naku iha. Baka umuwi na yun. Wala nang estudyante dito maliban sa inyo. Nag ikot ikot na ako." Naniwala nalang kami sa sinabi ni manong guard tsaka na lumabas. Siguro nga'y nakauwi na yun at baka nalowbat lang kaya hindi na nakapagtext pa.

"Baka nasa bahay na yun niks. Wag ka nang mag alala." Cris tapped my shoulder. Sana nga.. Tumango naman ako atsaka ngumiti.

"Oh pano. Dito na kami. Mag iingat ka ahh. Wag kanang mag alala kay Belle. Siguradong nasa bahay na yun. Good bye Niks." Pagpapaalam ng mga ito sabay beso sa akin tsaka na humiwalay ng daan. God Thea! I swear I'm gonna kill you. Pinag alala moko. Tanaw ko na ang bahay namin at bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makitang sarado pa ito. Wala din ilaw na nakasindi. Tumakbo na ako para malaman kung nandoon na ba si Thea. Pumasok ako sa bahay at agad na kinatok ang kwarto nito nguni't walang sumasagot. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Thea where the hell are you? Wala na akong ibang alam na paraan kundi tawagin si Tita Belinda. Baka kasi umuwi ito sakanila. Nakakadalawang ring palang ito ng sagutin ni tita.

"Hello Bridgette. Napatawag ka? Kumusta kayo dyan ni Thea?" Sabi ni tita sa kabilang linya. What? Ibig sabihin ay wala din doon si Thea. Nataranta na ako kaya madali ko itong sinabi kay tita.

"Ti-ta! Thea is miss-ing! I-i thou-ght naun-a na itong umu-wi dah-il hinin-tay ko it-oo kani-na sa scho-ol nguni't hin-di it-o dumat-ing! Tit-a I'm wor-ried!" Naiiyak kong sabi.

"Wait. What? Anong nangyari kay Thea? Bridgette calm down! I don't understand you!" Halata sa boses ni tita ang pag aalala. Huminga muna ako ng malalim para mapigilan ang pag iyak ko tsaka nagsalita ulit.

"Tita. I don't know where Thea is. I thought nasa bahay na ito nguni't pagdating ko dito sa bahay ay wala pa rin ito. Tita nawawala si Thea! I'm worried! Baka may masamang nangyari saka-nya" Napiyok na ako sa huling sinabi ko dahil hindi ko na talaga napigilan ang pag iyak ko. I heard tita called tito.

"Stop crying Bridgette. Papunta na kami dyan hahanapin natin si Thea. Wait for us." Si tito na ang nagsalita sa kabilang linya dahil naririnig kong umiiyak si tita Belinda. Inayos ko muna ang sarili ko at ilang minuto lang ay may biglang bumusina sa labas. Lumabas na ako dahil alam kong sina tita na yon. Pagsakay ko ay nakita ko si tita Belinda na umiiyak. I hugged her.

"Now Bridgette. Tell me. Nasaan si Thea ng huli mo itong nakausap." Tito Fred asked. I wiped my tears and started to tell the story.

"I texted him around 5:20. Sinabi ko sakanya na hinihintay ko ito sa cafeteria. Its 5:30 When she replied 'I'm on my way Bridg!' so hinintay na namin sya. Pero 30 minutes na ang nakalipas nguni't wala paring Thea na dumadating. I started to panic. I dialed her number pero cannot be reach sya. Hinanap namin sya tito but we found nothing so we decided to asked to the Security guard at sabi nito na wala nang estudyante sa loob dahil naground na ito kaya akala ko ay umuwi na sya nguni't wala ito sa bahay ng makauwi ako kaya I dialed tita Belinda's number just to checked kung umuwi ba sya sainyo." Tumango tango naman si tito at lalo namang naiyak si tita. Nasaan kana ba Thea? Promise hindi na kita aagawan ng Lay's basta magpakita ka lang.

"Mang Berto. Dalhin mo kami sa TMU ngayon din." Utos ni tito Fred kay mang Berto. Their family driver. Agad naman nitong niliko ang sasakyan patungong TMU. Pagdating namin ay dali dali kaming bumaba nina tito Fred. Nakita kami ng Security Guard at dali dali itong tumayo papunta sa amin.

"Magandang Gabi po Sir Montereal! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Bati nito sabay yuko. Tinanguan naman ito ni Tito.

"Gusto kong buksan nyo lahat ng silid at libutin ang bawat sulok ng paaralang ito ngayon din! Huwag kayong magtitira ng kahit anong nakakandado." Dali dali namang binuksan ng Guard ang gate ng paaralan tsaka patakbong bumalik sa guard house para kunin ang sandamakmak na susi. Sinundan ito ng Dalawampu't limang security guard nina tito. Sumama si tito sa loob at naiwan naman kami ni tita sa may guard house kasama ang limang MIB nina tita.

"Stop crying Tita. Everything will be okay. Mahahanap din natin si Thea." I comfort Tita. Hanggang ngayon kasi ay umiiyak pa rin ito. Hindi ko naman sya masisisi dahil mahal na mahal nya si Thea at nag iisang anak nya lang ito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay napatayo kami ni tita nang makita ang mga security guard na tumatakbo palabas dala dala ang walang malay na si Thea. Oh God! What the hell happened to you Thea. She really look pale. Para itong walang dugo dahil napakaputla nya. Agad naman namin itong sinalubong ni tita.

"Princess! What happen to my daughter?!" Sigaw ni tita sabay yakap sa walang malay na si Thea. Isinakay ito sa ambulance na dumating tsaka dinala sa hospital. Kasama ko si Tito at Tita sa loob ng Ambulance at sinusundan naman kami ng limang sasakyan. Naiyak nanaman ako sa nakikita ko. Sinong may gawa sayo nito Thea? I swear I'm gonna kill whoever did this to you! Pagkadating sa hospital ay agad itong itinakbo sa Emergency Room.

"Good evening Mr.Montereal." Bati ng Limang doctor na in-asign kay Thea.

"Please gawin nyo lahat ng makakaya nyo mailigtas lang ang anak ko." Utos nito. Tumango naman ang mga ito at dali daling pumasok sa Emergency room. Pag aari nina Thea ang Hospital na ito kaya lahat ng magagaling na Doctor ang tumingin kay Thea. Ilang minuto lang ang nakalipas at lumabas ang isa sa mga doctor ni Thea. Napatayo naman kami nina Tita at lumapit sakanya.

"She's Okay now Mr.Montereal. Sumikip ang dibdib nito dahil sa init na naging dahilan para atakihin sya ng kanyang asthma at nawalan ng malay. She needs more rest so I'm suggesting to let her stay here in the hospital for three days." I felt relief ng marinig ang sinabi ng Doctor. Niyakap naman ako ni tita.

"Okay. Thankyou Dr.Sanchez." Pagpapasalamat ni Tito at kinamayan ang Doctor bago ito tuluyang umalis. Inilabas naman si Thea sa Emergency room at inilipat sa VIP Room. Ang room na iyon ay para sakanila lang. Sumunod na kami ni tita at naiwan naman si tito para kausapin ang mga MIB na magbabantay kay Thea. Pagpasok namin ay lumabas na ang mga doctor at nurses na nagdala kay Thea. Tita Belinda sat beside Thea's bed habang ako naman ay nanatiling nakatayo.

"Princess wake up. Mommy misses you so much baby." Kinakausap ni Tita ang natutulog na si Thea habang hawak hawak nito ang kamay nya. I heard Tita sob kaya hinawakan ko ito sa balikat.

"Bridgette I really don't know what to do if I lost Thea." Sabi sa akin nito. Niyakap ko naman sya para patahanin. Huwag kang mag alala tita. I'll do everything para lang malaman kung sino ang gumawa nito kay Thea and I'll make sure na pagsisisihan nito ang ginawa nya.

Lintik lang ang walang ganti.

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now