HTN Chapter XX

3.7K 88 1
                                    

"Ohh look who's here. Hi Nerds! Long time no see."

Bati sa amin ng grupo ni Michelle. Mukhang patungo din ang mga ito sa canteen dahil sinabayan pa kaming maglakad. Nag uumpisa nananaman ang mga higad na to. Akala ko panaman ay tuluyan na nila kaming titigilan.

"Aray ko! Pwede ba huwag mong apakan ang sapatos ko Monika."

Naiiritang sabi ni Bridg. Inapakan kasi ito ni Monika at halatang sinasadya nito ang pag apak. Humarap naman ito sakanya ng nakangiti.

"Oops! Sorry. Akala ko kasi basura eh. Kaya inapakan ko."

Nagtawanan naman ang mga ito ng sabihin iyon ni Monika. Isa sa mga kaibigan ni Michelle. Nakita kong nagyukom ng palad si Bridg kaya madali ko itong hinawakan.

"Bridg not now. Hayaan nalang natin ang mga yan okay? let's go."

Bulong ko sakanya. Nagbuga naman ito ng hangin bago tumango at nagsimulang maglakad. Nang malampasan namin sila ay bigla naman akong hinila ni Michelle kaya napaharap ako sakanya. Ano bang problema nito sa akin? Nakakaletche lang.

"Magpakasaya ka lang Nerd. Time will come. Iiyak ka din."

Seryoso nitong sabi sa akin sabay bitaw sa kamay ko at nauna ng lumakad papuntang canteen. Naiwan naman akong tulala at nag iisip.

"Magpakasaya ka lang Nerd. Time will come. Iiyak ka din."

"Magpakasaya ka lang Nerd. Time will come. Iiyak ka din."

"Magpakasaya ka lang Nerd. Time will come. Iiyak ka din."

Anong ibig nitong sabihin? Ako iiyak? Bakit? Naputol naman ang pag iisip ko ng bigla akong hilain ni Bridg.

"Let's go Thea. Don't mind that bitch. Grace and Cris are waiting."

Oo nga pala. Nagpahila nalang ako dito hanggang makadating kami ng canteen. Nakita na namin ang dalawa kaya nilapitan namin sila. Nadatnan naming kinakausap ni Cris si Grace nguni't hindi ito sumasagot.

"Anong nangyari dyan?"

Tanong ni Bridg sabay turo sa tulalang si Grace. Hinarap kami ni Cris na ngayon ay nagkakamot ng ulo. Naupo na muna kami bago sya sumagot. Umupo ako sa tabi ni Grace habang si Bridg ay naupo sa tabi ni Cris na kaharap naman namin.

"Hay nako mga te! Kahapon pa ganyan yan eh. Bumili lang ng sabon panlaba kahapon sa may Mini Grocery at pagbalik..ayan! tulaley na."

Pagkukwento ni Cris sa amin ni Bridg. Ano naman kayang nangyari dito kay Grace. Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko kaya madali ko itong kinuha.

Lucas calling..

"Sino yan Belle?"

Tanong sa akin ni Bridg. Tumingin ako sa mga ito bago sagutin ang tawag ni Lucas. Bakit naman kaya ito napatawag? May problema kaya sa Bar?

"Si Lucas. Baka may problema sa Bar."

Mahina kong sabi. Napatingin naman kami sa biglang nagsalitang si Grace. Bigla itong namula ng marinig ang pangalan ni Lucas. Ohh... Parang may something.

"Lu-cas?"

Nauutal nitong tanong. Tinanguan ko naman ito tsaka na sinagot ang tawag ni Lucas.

"Ohh finally! Hi Thea."

Bungad nito mula sa kabilang linya.

"Oh hi Lucas. Napatawag ka? May problema ba sa Bar?"

Tanong ko dito. Narinig kong uminom muna ito bago sumagot.

Heiress Turns Nerd (Revising)Where stories live. Discover now