HTN Chapter XXIV

3.5K 85 4
                                    

Xian Dale's POV:

"What the hell Dale! Tama na nga yan! Niyaya mo lang ba kami dito para panuorin kang uminom ah? Ano bang problema mo?"

Pag aawat sa akin ni Ian ata to? Basta! Hindi ko na sila mamukhaan. Hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglagok. Nainis naman ako ng bigla nilang agawin sakin ang bote ng alak tsaka inilayo. Tinignan ko sila ng masama.

"What the fuck! Ibalik nyo sakin yan!"

Sigaw ko. Hindi nila ito ibinalik at mas nilayo pa nila ito sa akin. Tumayo na ako at dali daling kinwelyuhan ang una kong mahawakan.

"Ano bang nangyayari sayo ah? Akala ko ba nagbago kana? Ano to Dale? Do you think Belle would be happy kapag nalaman nya tong pinanggagawa mo ah?"

Si James ito alam ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kwelyo nya kaya inilayo na ako nina Than. Iwinaksi ko ang mga kamay ng mga ito tsaka sila tinignan.
2
"Wala kayong pake sa kung ano mang gusto kong gawin. This is my life."

Alam kong lasing na lasing na ako dahil hindi na pantay ang daan sa paningin ko. Tumalikod na ako at pagewang gewang na naglakad palabas. Narinig ko pang tinawag ako ng mga ito pero wala na akong pakielam.

I turn on the engine and drive as fast as I could. Nagdrive lang ako hanggang sa hindi ko namalayang nasa may tapat na pala ako ng bahay nina Belle. Hininto ko ang sasakyan tsaka idinukdok ang ulo ko sa manibela.

"Aaaaarghhhhh!"

Sigaw ko sabay hampas dito. Hinawakan ko ang ulo ko dahil hilong hilo na ako. Tumingin ako sa bahay nila. Madilim. Siguro'y tulog na ang mga ito. Dali dali akong bumaba. Kailangan ko syang makausap. Kailangan kong malaman kung kaano ano nya yung Benedict na yun.

"Belle! Belle! Open the door! Let's talk!"

Sigaw ko habang kinakalampag ang gate nila. Nakailang sigaw at kalampag na ako nguni't wala paring Belle na lumalabas. Ayaw nya ba akong makausap? Hindi pwede. Kailangan kong malaman ang totoo. Maghihintay ako hanggang sa lumabas sya.

Sumandal muna ako sa sasakyan ko dahil nagbublur na ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin. Iniisip kung ano bang dapat kong maramdaman kung sakali mang magkaharap kami. Magagalit ba ako dahil hindi nito sinabi na may Benedict na sya? Magmamakaawa na ako nalang sana? Maiinis sa sarili ko dahil ang tanga ta--

"Xian? Anong ginagawa mo dito?"

Napamulat ako ng marinig ang isang pamilyar na boses. Hinarap ko ito at nakitang kunot noong nakatingin sa akin. Mukhang kakauwi lang nito dahil nakapang alis pa sya. Baka nagdate sila nung Benedict na yun. Tss.

"Saan ka galing? Nakipagdate?"

Seryoso kong tanong. Mukha namang natakot ito sa itsura ko. Umurong sya ng kaunti bago magsalita.

"Lasing ka Xian. Umuwi kana."

Sabi nito at dali daling naglakad patungong gate nila. Hinawakan ko naman ang braso nito kaya napatigil sya.

"I'm not drunk and I know what I'm doing. Answer my question."

Pagalit kong sabi at mas hinigpitan pa ang paghawak sakanya para hindi ito makatakas. Napangiwi naman ito sa sakit kaya niluwagan ko ang paghawak.

"Ano ba Xian nasasaktan ako!"

Sigaw nito habang nagpupumiglas. Nakita kong naiiyak na ito kaya dali dali ko syang binitawan at niyakap.

"Sorry. Sorry. I didn't mean to hurt you. I just wanted to talk to you. Sorry."

Pag aalo ko sakanya. Nagpupumiglas parin ito kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sakanya.

Heiress Turns Nerd (Revising)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ