16: Walang Tulugan

Magsimula sa umpisa
                                    

Hahahaha shocks ah iba pala ang feeling kapag sa kanya galing or siya ang nag-imply na maganda ako.

"Wow ha? Kelan ka pa natutong maging seloso? Saka sino ba naman kasing nag-sabi sayo na kapag may nagka-gusto sakin gusto ko rin agad?" naiinis na sabi ko.

He grinned "Edi ako parin ang gusto mo?" nabuhayan ata siya ng loob.

"Ewan ko lang, depende siguro" sabi ko then I got off the bed at lumabas.

"Teka Dianne sumagot ka muna ng maayos! Ako parin ba? Depende saan?" I ran papunta sa room ni Avie dahil bumangon narin siya para hahabulin ako.

I closed the door and locked it.

"Hello baby" Avie's playing with her Ipad.

"Mommy! Ok na po ba si daddy?" Avie asked me. Pinalabas ko nga pala siya kanina.

"Yes baby" We heard Dave knocking. Avie ran to open the door kaya wala na akong nagawa when he went in.

"Baby where's mommy?" sabi ni Dave. Humiga ako sa bed ni Avie at nagtago sa ilalim ng kumot.

Nagtaka ako dahil biglang tumahimik tapos biglang nahila yung kumot ko.

"Mommy!" tumabi sakin si Dave at si Avie sa bed. The both hugged me kaya hindi ako maka-galaw.

I heard my phone ring sa kabilang room. Hindi ako pinabangon ni Dave.

"Daddy my phone's ringing bitaw na po" Ayaw parin akong bitawan ni Dave.

"Kiss muna?" He asked. I pushed his face with my hand.

"Mommy eto po" Ang bait talaga ni Avie hindi katulad ni Dave hahaha

"Thank you baby" Kinuha ko yung phone kay Avie.

Unregistered yung number, pero sinagot ko parin baka naman kasi importante.

"Hello, sino po sila?" pa-tweetums pa yung banat ko.

"Dianne nasaan ka? Nasa work ka ba? Nandito kasi kami sa Pilipinas nasa bahay na kami, pag dating kasi namin dito walang tao"

"Mommy nasa bahay kayo?? Sino pong kasama niyo?"

"Oo, kakarating lang namin ng daddy mo, anong oras ka ba uuwi?"

Naramdaman kong bumangon si Dave at nakatingin sakin he looked worried. Bumangon ako at lumabas sa veranda ng room ni Avie.

"Mamaya po ako uuwi mom mga 7 nanjan na ako sa bahay" Nakita kong sumunod si Dave sakin at sinara yung sliding door para wag sigurong marinig ni Avie sa loob yung sasabihin niya

"Ah ganoon ba anak, dito ka ba magdidinner? Magluluto ako"

"Yes ma, pero po baka may kasama ako pauwi mamaya, dalawa lang po" I looked at Dave, parang hindi siya sang-ayon sa balak kong gawin.

Nagpa-alam na sakin si mom and her call ended.

"You'll introduce Avie sa parents mo? Papano natin ipapaliwanag yung-----"

"Dave ikaw na rin ang nag-sabi na anak ko si Avie, why would I hide Avie? She's my daughter kaya I want her to become a part of my family"

"Dianne I'm sorry pero it's too risky, papano kung hindi nila matanggap si Avie? She's not like other kids baka mag-freak out pa yung mom  mo"

"Dave we'll just tell them what they need to know, ako nalang magpapaliwanag kay mommy o di kaya we can tell the same story that you told your parents" I really don't want to deny Avie sa parents ko dahil karapatan nilang makilala si Avie.

"Dianne it's not the same, you have 9 months na dapat unaccounted for, tapos yung recovery mo from giving birth at marami pang medical anomalies dahil hindi ka pa naman nabubuntis"

"Dave I was gone for two years dahil sa training ko sa US, we can tell the same story na we met sa US and then Avie came and that she was born in Germany, please?" excited na akong makita yung mukha ni mommy kapag nakita na niya si Avie, kung tutuusin kasi si Avie yung first grand daughter ni mommy dahil walang balak mag-asawa si kuya ko.

Kita kong hesitant si Dave. "And what about us? What'll we tell them about us?"

"We'll tell them we got married" sabi ko.

He smiled and said "Sige na nga"

"Talaga?! Thank you!" I hugged him.

Ang saya-saya ko, wala lang masaya lang ako. I want my mom to be happy dahil kay Avie, lately kasi nadedepress siya dahil wala ngang bata sa bahay dahil malalaki na kaming tatlong magkakapatid.  Saka ko nalang po-problemahin kung papano magpapaliwanag, tama kasi yung sabi ni Dave. Hindi kasi tumutugma yung timeline ng story ko at yung iba pang medical anomalies. At wala pa akong sagot sa kung bakit kami ulit ni Dave at papano kami nagkita, pwede rin kasing magtanong siya kung bakit hindi manlang sila informed sa much alleged pregnancy ko kay Avie for sure magtatampo siya dahil gusto niyang kasama siya sa pag-aalaga sakin at sa baby.

Pero saka ko na iisipin yung sagot kapag nanjan na.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon