Kabanata 22

1.9K 75 6
                                    

Kabanata 22

Nahila

Busy ako sa buong araw, halos hindi ko na mabigyan ng oras ang pagkain. Mabuti nalang at nandito si Grecia upang ipa-alala sa akin ang lunch break ko. Kaya pagdating ng hapon, siya nalang ang nagdala ng snack ko. Habang binabasa ng paulit-ulit ang report para sa buwang ito, hindi ko maiwasan na maisip ang sinabi ni Hort kagabi. 

Ayokong bumalik sa alaalang iyon. Sobrang mapanakit kaya kung hangga't kaya ko, iniiwasan ko. I just to live peacefully. Pagkatapos ng mga nangyari, masaya na ako ngayon. Walang iniisip na problema, ligtas mula sa sakit na maidudulot ng pag-ibig. Dahil sa trauma ko, pati ang magmahal ay nakalimutan na. Bumukas ang pinto at pumasok si Grecia. She was serious while walking. Nang huminto sa harap ko, napabuntong-hininga siya.

"Miss?" she said.

Tumingin ako sa kanya, naguguluhan. May problema ba?

"Hmm?" tanging tugon ko.

She sighed again.

"May client tayo mula sa isang electrical engineer. Gustong magpagawa ng susuotin para sa kasal niya." sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Who is it? 

"Can I know the name?" 

Nilapag niya ang calling card sa aking lamesa. Seryoso kong tinignan iyon at binasa.

R.G.A
01223-45601

What does it mean? RGA? Sino 'yon? Kilala bang personalidad? Bakit acronym lang ang nakalagay sa calling card. 

"Sino ba 'yan?" tanong ko. 

Lumabi siya at umupo sa upuan na nasa harapan ko. Tumitig siya sa akin at napabuntong-hininga.

"Hindi ko rin kilala, Miss. Tumawag lang sa akin at sinabi na gustong magpagawa ng susuotin sa kasal niya. If you want to know, you can call the number." she said.

Tumango-tango ako at ngumiti nalang sa kanya. Hindi na ako naghintay pa sa kanyang sasabihin. Makakapaghintay naman siguro 'yon? Tsaka kung interesado sa pagpapagawa, dapat siya mismo ang tumawag sa akin. Siya mismo ang lumapit sa amin. Open naman kami sa mga gustong magpagawa ng mga damit. We accept wedding dress, debut dresses and all. Depende sa gusto ng magpapagawa.

Lumabas si Grecia kaya muli akong napag-isa. Tinignan ko ang calling card, curious ako sa taong gustong magpagawa. Hindi sa naghahabol ako sa client dahil sa unang pagkakataon, siya ang unang tao na gustong magpagawa ng susuotin sa kasal. Hindi kami vocal sa pag-a-advertise sa mga customize magpagawa ng damit, sadyang nalaman siguro ng taong ito na gumagawa rin kami.

I breath heavily. I shut down the laptop, kinuha ko ang telephone at nilagay ang numero. Nag-ring at natagalan bago may sumagot. Muli akong napahinga bago nagsalita.

"Good afternoon, this is Laruya's Clothing Line, how may I help you?" marahan kong bungad.

I heard a deep sigh. Lumabi ako at naghintay na sumagot. Umabot ng ilang segundo ang paghihintay ko na may sumagot pero wala. Teka, bingi ba ang kausap ko? O, baka mute? 

"Hello, my secretary told me that you want--"

"Yes, a wedding suit. Kung maaari dito nalang sa condo ko ang measurement?" a very familiar deep voice. 

Napalunok ako dahil nabigla sa boses ng lalaki. Halos maibagsak ko pa ang telepono kung hindi ko lang nahawakan ng mahigpit. Napatingin-tingin ako sa paligid, walang tao at tahimik. Nasa office si Grecia, ako lang naman ang nandito. 

"Ah…I don't think it's a proper way of measuring, s-sir. And beside, we don't accept offer like that." rumiin ang boses ko.

Isang mapaglarong tawa ang bumalot sa tainga ko. Damn it! Bakit parang kilala ko ang boses na 'to! Bakit parang kilalang-kilala ko 'to! Ayoko lang sabihin ang pangalan dahil natatakot ako, dahil nilalamon na naman ako ng panginginig at kaba.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now