Kabanata 15

1.6K 58 5
                                    

Kabanata 15

Biglaan

“You have to talk to him, Raj. Mahalaga sa magkapatid ang nag-uusap. Lalo pa’t may tampo pala si Ajik sa inyo.” marahan kong sabi sa nobyo ko.

Tumango siya habang nakasiksik pa rin sa leeg ko. Kanina pa kami nandito sa kanyang kwarto, he was mad for his self. Hindi niya gustong saktan si Ajik pero dulot siguro ng galit dahil sa pagsigaw nito sa Nanay nila kaya napagbuhatan niya ng kamay.

“Tsaka wag mo na siyang pag-isipan pa ng masama. Magkapatid kayo at wala naman akong intensyon sa kanya. I am just concern and that’s all.” dagdag ko.

He sighed heavily. Sa relasyon namin, marami akong natutunan. I learned about forgiveness. Learned to become responsible to every action. Learned to accept defeat. Learned to appreciate things. Lahat ng iyon ay natutunan ko sa kanya. Sabi ko sa sarili noon, walang lalaki ang makakapagpa-ayos sa akin. I set my attitude to become bitch. Hindi ko inaakala na kakainin ko rin pala ang sinabi sa sarili.

Maraming mahahalaga sa buhay na dapat bigyan ng pansin at halaga. At ang simpleng away na nangyayari sa loob ng pamilya ay dapat ayusin at hindi na palalain pa.

I remember about the story of my mother and Tita Hermesia. Cohort Monaco, Tita Hermesia and Tito Crix son is our cousin. Sabi sa usap-usapan, naging kabit si Tita dahil sa katotohanan na kasal si Tito Crix sa ibang babae. Truthfully, it was a name-purpose-marriage only. Kasi ang totoo, hindi naman talaga minahal ni Tito ang babaeng naging asawa.

When he met Tita Hermesia, he fell. But my mother didn’t stop being bully. Before tita, my mother and tito Crix had an item. Yes, naging fling sila pero hanggang doon lamang dahil hindi naman talaga seryoso si Mama sa kanya. But when my mother found out that tita was a mistress and she was bearing a child, she bullied her. Naging hadlang si mama sa kanilang dalawa. Kaya hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas hindi pa rin sila nag-aayos. At sa tuwing nasa mansyon ng Costiño si Cohort, alam kong naiilang siya kapag nandyan si mama.

But honestly, wala kaming galit sa kanya. We embrace our cousin. Kahit anong gawin nilang masama, tinatanggap pa rin namin dahil kadugo namin. Dahil nag-iisa ang dugo sa katawan namin. Sa ngayon, nasa ibang bansa si Cohort dahil sa college. Doon siya nag-aral ng dentistry dahil iyon ang gusto niya. Bigla ko tuloy na-miss ang lalaking ‘yon. Ang tagal na simula ng mag-bonding kaming lahat. It was last last year.

“I will talk to him.” he said.

Ngumiti ako. Tumayo siya at pumunta sa banyo upang kunin ang medical kit. Nang lumabas, bitbit niya ‘yon. Nagkatitigan kami, he was serious now. Dumiretso siya sa labas ng kwarto, naisip kong sundan siya upang makita kung paano sila mag-usap. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Ajik.

Nag-iisang anak si Cohort. Hindi na nasundan dahil nahihirapan sa panganganak si tita. Kaya ang lahat ng negosyo ni tito Crix ay napunta sa kanya. From Hotel Paradise, Resort and Casino, and Philippines Colosseum under his name now. Nasa edad na rin naman si Cohort. At alam ko naman na kaya niyang i-handle ang mga negosyo nila. Sa ngayon last semester niya na sa abroad at pagkatapos ay agad siyang kukuha ng master degree.
Huminto ako sa harap ng pinto, bukas ‘yon ng kaunti kaya agad ko silang nakita.

Nakaupo sa mini sofa ni Ajik, magkaharap sila habang seryosong ginagamot ni Rajik ang labi na pumutok. Nakita ko ang hapdi sa mukha ni Ajik habang dahan-dahan na pinapahid ng bulak ang labi ng kapatid. Bumuntonghininga si Rajik.

“You know how much I love you, Ajik. I cared about you. And I’m sorry for what I did. Alam kong nahihirapan ka dahil sa pag-aaral, lalo pa’t pressure sayo ang standard ni Kuya. But I admit, I am pressured too. Nung natapos si Kuya at nakakuha ng mga parangal sa pagiging matalino niya, I was scared because of possibilities. What if, hindi ko magawa? What if, bumagsak din ako? What if mahulog ako? But I surpass that pressure, Ajik.” my boyfriend said calmly.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon