Kabanata 16

1.5K 61 23
                                    

Kabanata 16

Stay

Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Rajik. Natakot ako, ang kabang nararamdaman ay hindi nawala kahit ng makarating ako sa Tacloban. Sa terminal ay tulala ako habang hindi alam ang gagawin. Nabigla talaga ako sa nangyari ngayong gabi. Pakiramdam ko'y nakagawa ako ng kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Honestly, I was thinking about his violent reaction. Nung nakita ko ang galit, karahasan sa kanyang mukha, it was my first time seeing it. Kung galit siya, hindi ganoon ang mukhang pinapakita niya, pero kanina, matatakot ka talaga. Lalo pa't kakaiba ang kalamigan sa kanyang boses. I want to ask why the sudden being cold. And shit, break na kami!

Literal na naguluhan ako ng sabihin niyang hiwalay na kami! Ganoon kadali lang 'yon sa kanya? Ang sabihin na hiwalay kami ay napakahirap sa akin tapos sa kanya, parang wala lang! Anong kasalanan ko? Anong ginawa kong mali? Did I do wrong? Did I mention something that makes him mad? I remember, he loathe Monaco. He loathe Tito Crix surname. Hindi ko alam kung bakit at sobra akong naguguluhan.

Windang na windang ako sa nangyari at kung tatanungin ako ng police, hindi ko masasagot ng maayos. I try to calm. Tumigil naman na ang luha sa mga mata ko. Nung dumating kami sa terminal, nakaupo lang ako sa waiting area habang nakatulala. Hindi pa rin ina-absorb ng utak ko ang lahat ng ito. 

Hiwalay na kami. He announced that we will break up. And it happened! He broke up with me. Sa rasong hindi ko alam! Sa rasong wala akong alam. Kaya paano ko tatanggapin ang gusto niyang hiwalayan gayong wala namang acceptable reason na sinabi niya. He just loathing Monaco. Napatingin ako sa cellphone, alas-onse na ng gabi at nilalamig ako sa hangin. Ang mall sa harap ko ay closed na. May mga tao pa naman ngunit hindi ako sanay sa ganitong lugar. Naisip kong tawagan si Papa dahil siya lang pwedeng kumuha sa akin dito. 

I called his number. Sigurado akong natutulog na sila pero kapag makita niya na ako ang tumatawag, he will answer it immediately. Nakailang ring pa bago niya sagutin. Pinigilan kong umiyak dahil kapag marinig ni Papa na humihikbi ako, magagalit 'yon. Pero sadyang taksil ang mga luha ko dahil nung narinig ko ang boses ni Papa, nag-unahan na sa pagtulo.

"Yes, darling?" marahang boses ni Papa.

Yumuko ako habang hindi tumitigil sa pagtulo ang luha. Hinang-hina ako ngayon. Gulong-gulo, hindi maintindihan ang nangyayari. Wasak na wasak din dahil sa biglaan na paghihiwalay namin ni Rajik na walang mabuting rason. Kung magkaharap kami ngayon ni Papa, baka umiyak na ako sa kanyang harapan. Ang hirap isipin na natapos ang relasyon namin sa ganitong paraan. 

Ang hirap tanggapin na nagwakas ang relasyon namin sa walang mabuting rason. Kung ako ang tatanungin, wala akong maisasagot dahil maging ako ay naguguluhan sa lahat ng ito. Gusto ko mang malaman sa kanya ngunit hindi ko magawang gawin dahil ngayon palang, nanghihina ako. Naubos ang lakas kakaiyak sa bus kanina. Tapos ngayon, para akong bata na iniwan sa kalsada ng magulang.

"P-pa…" basag kong sagot.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Papa. Narinig ko rin si Mama sa kabilang linya, kinakausap si Papa.

"Who's that?" malamig na boses ng ina ko.

"It's my daughter, Tiyang." marahan na sagot ni Papa.

Napalunok ako. Muli kong inangat ang ulo at tumingin sa paligid. Unti-unti ng nawawala ang mga tao. Nagsisi-uwian na sila at ako ay nananatiling nakaupo dito. 

"Adah, what's wrong? Where are you?" sa tinig na punong-puno ng pag-aalala.

Minsan ko lang maramdaman ang magmahal ng ganito. Minsan ko lang baguhin ang sarili dahil sa isang lalaki. Minsan ko lang din sabihin sa sarili na nahulog ako, at inakalang magiging tagumpay ang lahat sa amin. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat. Sa isang iglap, hiwalay na kami. Walang rason, hindi ko alam ang ginawang mali, pinagtabuyan sa kanilang bahay, umuwing nag-iisa at ngayon, hinang-hina at pagod sa lahat. 

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now