Kabanata 9

1.9K 75 3
                                    

Kabanata 9

Madly

“Sir, kailangan ko pong makausap si Adah. Please, let me talk to her.”

Nagising ako sa boses na nakikiusap sa labas ng bahay. Pamilyar sa akin ang boses kaya napabangon ako mula sa higaan. Tinignan ko ang oras sa gilid ng kama, alas-sais palang ng umaga. Napuyat ako dahil sa pag-iiyak. Hindi ko pa rin kayang isipin na ginawa ko ‘yon kay Rajik. Noon, pangarap kong maging close kami pero ngayon, halos itaboy ko siya.

Hindi naman kasi pwede ang ginagawa niya. Hindi pwedeng pabayaan niya ang pag-aaral dahil sa akin. Hindi pwedeng iwan niya ang mga pangarap dahil sa akin. Ayokong masira ang lahat ng tinayo niya sa sarili. Gusto kong matupad niya ‘yon. Gusto kong maabot niya ang mga pangarap na inaasam niya. Ayokong tumigil ang buhay niya sa akin. I want him to continue his life and his dreams.

“Who are you? Why do you want to talk to my daughter?” boses ni Papa.

Tumayo ako dahil batid ang kalamigan sa boses ni Papa.

“I’m Rajik Almuevo, sir. I am in love with your daughter. Please, let me talk to her.” ang nagmamakaawang boses ni Rajik.

Natauhan ako at mabilis na lumapit sa bintana. Napanganga ako ng makita ang lalaking gulong-gulo ang buhok, puyat at pagod ang mukha. He was wearing a white t-shirt and pantaloon with sleepers.

Nanghina ako dahil ang lalaking ito ay pilit nagmamakaawa kay Papa na papasukin at ipakausap ako. My heart stabbed again. Isang araw palang simula ng iwan ko siya sa boarding house niya, pero malaki na ang epekto sa kanya. Para siyang bata na nawalan ng magulang.

“I don’t know you. Walang sinasabi sa akin si Adah na tungkol sayo.” malamig na sagot ni Papa.

Kumapit ng mahigpit si Rajik sa gate. Nakita kong nilagay ni Papa ang cellphone sa kanyang tainga, baka tinatawagan ang security guard.

“Sir. I’m here to talk to her. I can’t lose her. I can’t lose your daughter. Please, let me in.” he plead to my father.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang lalaking iniibig ko. Hindi pwedeng gawin niya ito. Ayokong pabayaan niya ang pag-aaral dahil sa akin. Kung mahal niya ako, dapat hindi niya hahayaan na mawala ang pangarap niya. Hindi niya hahayaan na mawala ang mga tinayo niyang pangalan sa kanya. He can love me, but he can’t give-up his dreams!

Iyon ang panalangin ni Lola para sa kanya. He can’t just lose it. Kung hahayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin, tuluyan siyang masisira.

“Sir please…let me talk to her.” he plead again.

Pero ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong makita siyang nagmamakaawa para lang makausap ako. Kaya naisip kong bumaba upang kausapin siya. Hindi rin pwedeng ganito ako. Hindi ko siya pwedeng talikuran nalang.

“Papa.” tawag ko sa ama.

Agad na tumuon sa akin ang nangungusap na mga mata ni Rajik. Bakas na bakas ang pangungulila doon. Ang pagod at kapuyatan.

“Hija…”

“Let me handle it, Pa.” marahan kong putol kay Papa.

Napahinga siya at tumango. Naglakad ako palapit kay Rajik. Muli kong tinignan ang kanyang mata, pagod siya at alam kong hindi pa siya nakatulog ng maayos lalo pa’t hindi kami magkasama kagabi.

“Adah, w-wag mo naman gawin sa akin ‘to. Wag mo naman akong iwan sa ere. Alam kong unfair sayo ang kawalan ko ng oras sa pag-aaral. Pero nangangako akong aayusin ko ‘yon. I promise it, please don’t leave me.” he said weakly.

Inabot ko ang lock ng gate at binuksan ‘yon. Nang mabuksan, agad siyang lumapit sa akin upang yapusin ako ng mahigpit. Hinayaan kong gawin niya ‘yon. Alam kong pahinga niya ang yakap ko. Binaon niya ang mukha sa leeg ko.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now