Kabanata 6

2.2K 72 0
                                    

Kabanata 6

Babaunin

"Good morning, sir. Akala ko po wala pa kayo dito." narinig kong sabi ng kasamahan niya.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos sa aking mukha. Muli akong naglagay ng lipstick sa labi. This time, hindi na masyadong pula. Bukod sa labi, okay pa naman ang iba sa mukha ko. Nang matapos, hindi muna ako lumabas. Baka makita ako ng mga kasamahan niya at kung ano pa ang isipin sa amin.

"You know that I'm always early." malamig na sagot ni Rajik.

Napailing-iling ako. Pati ba naman sa mga kasamahan niya malamig din ang pakikitungo. Malayong-malayo talaga siya sa kanyang kapatid.

"I'm sorry, Prez." paumanhin ng tinig lalaki.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Rajik. Hindi na talaga siya sumasagot kapag alam niyang walang kwenta ang sinasabi sa kanya. Katulad ng paghingi ng paumanhin, imbes na maging masaya siya dahil marunong rumespeto ang mga co-office niya, hindi pa nabibigyan ng pansin.

"Kung tapos ka na sa gagawin mo, pwede ka ng umalis." si Rajik.

"Sige po, Prez." sagot ng lalaki.

Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto sa labas, tsaka palang ako lumabas. Nakita ko si Rajik na seryoso ang mukha habang nakatingin na sa akin. He was a beautiful man. Lumapit ako sa kanya at muli siyang dinampian ng halik sa labi. He smirked. Akala ko magagalit siya o magsasalita ng masama, pero nung nakita ko ang ngisi niya, gumaan agad ang nararamdaman ko. Gosh, hindi ko talaga akalain na dadating ang pagkakataon na 'to. Yung tipong pangarap ko lang na mahalikan siya. Tipong pangarap ko lang na makalapit sa kanya, maging malapit sa kanya. Ngayon nagawa ko na ang mga pangarap na iyon.

Hinapit niya ako sa baywang kaya pinulupot ko ang braso sa kanya. Ngayon magkayakap na kami at sa oras na may pumasok, siguradong mahihiya sa posisyon namin. Nagtitigan kami, kinikilig na ako ng husto ngayon. Parang sasabog ang puso ko sa sayang nararamdaman. Lahat ng pangarap ko, nagagawa ko na ngayon.

"Stay away from him, Adah. Don't make me old frustrated." seryoso niyang sabi.

Ngumisi ako. Gosh, he look so cute!

"Bakit ba? Solomon is a good friend. Tsaka seatmate kami, imposibleng hindi kami mag-uusap o magkikita gayong nasa iisang room lang naman kami." katwiran ko.

Ngumuso siya habang umiikot ang mata. Oh my goodness! Is this a cute side of Rajik? Gosh, I like it!

"Walang imposible kung hindi mo gagawin. Don't talk to him. Stop smiling to him. The more you do it, the more he hope to you." seryoso ang kanyang boses.

Sumimangot ako. Si Solomon na ngalang ang kaibigan ko sa room e! Hindi ko alam na seloso din ang lalaking ito.

"Nagseselos ka ba?" diretsahan kong tanong.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Ngayon mas lalo kong nakumpirma na seloso nga siya. Lalo pa't pansin na pansin sa ekspresyon niya ang hindi masagot na tanong ko.

"Just listen to me. Madali lang ang gusto kong gawin mo. Umiwas ka, huwag makipag-usap at huwag sasakay sa kanyang motor." bumalik ang riin sa kanyang tinig.

I sighed. Hindi niya masagot ang tanong ko. Ibig sabihin, ayaw niyang direktang sabihin na nagseselos nga siya. Dahil sa anong dahilan? Sa pride ba? Na baka malaman ng mga co-office at students iyon? O baka takot siyang bumaba ang tingin sa kanya ng mga professor dito?

Let's say, ganoon nga ang rason. Paniguradong umaasa na naman ako. Umaasa sa walang patutunguhan. Ayokong bumalik sa mapait na nakaraan. Ayokong maramdaman muli ang pagkabigo sa lalaki. Ayokong bumalik sa nakaraan kung saan naubos ako. Kung saan walang-wala na ako. Kasi kapag mangyari iyon, hindi ko na talaga alam ang gagawin o mangyayari sa akin. Baka dalhin na ako sa mental hospital ni Papa kapag mangyari ulit 'yon.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن