Kabanata 2

1.7K 64 4
                                    

Kabanata 2

Can't

Naisip kong sayang ang pinunta ko dito. Sayang ang effort ko ngayon. Nawalan ako ng lakas dahil sa mga katrabaho niyang minaliit ako. At pinakamasama dahil hindi niya manlang ako pinagtanggol. Hinayaan niya ang mga lalaking iyon na pagsabihan ako ng hindi tama. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. Ang hindi ka kayang ipagtanggol ng taong gusto mo. Kahit manlang bilang tao. Kahit manlang hindi niya ako magustuhan pero marunong siyang rumespeto. 

Iyon ang wala kay Rajik. Kung hindi ka niya gusto, hindi ka talaga bibigyan ng importansya. Hindi ka ri-respetuhin. Kaya nga kilala siya bilang ruthless intelligent sa university. Kaya nga maraming mga matatalino din ang hindi kayang mag-shine dahil sa kanya. Dahil natatakot sila sa maaaring magawa ni Rajik. 

Pinahid ko ang mga luha sa mata habang nagmamaneho. Wala akong mapuntahan ngayon. Nahihiya ako sa mga pinsan kong tinanggihan ko para lang dito. Nahihiya ako kasi inuna ko pa si Rajik kaysa sa lakad naming magpi-pinsan ngayon. Kaya akong nangyari? Kinarma agad ako! Hindi ko manlang naisip na pwedeng mangyari 'to. Sobrang nakakahiya na yata ako. 

Dumiretso nalang ako sa company ng CVHC. Siguradong nandoon si Greece ngayon. Kahit nahihiya, kakapalan ko nalang ang mukha. Ilang oras na biyahe, nakarating ako sa building. Matayog ang gusali ng CVHC. It was designed attractively. Kakaiba ang disenyo kaya maraming mga building ang hindi napapansin dahil dito. Si Greece ang humahawak sa company ngayon. After uncle Brazier, sa kanya binigay since she was the first daughter of the fourth generation in our family. 

As of now, maayos ang company sa pamamahala niya. She was still taking her MBA in Europe. Nasabi rin sa akin ni Mama na gustong ibigay ni Greece ang company kay Kuya Amadeus. Ngunit hindi 'yon tinanggap ni Kuya dahil gusto niyang mag-military. Kaya sa huli, kay Greece pa rin. Si Clive ay hindi pa pwede sa ngayon dahil sa kondisyon niya. He's taking his therapy abroad, pero sa ngayon, may improvement naman sa mga tuhod niya. 

While Cally wouldn't take the responsibility since she was about to marry a fisherman in their town. Iyon ang sabi ni Tito Calvino nung nagkaroon ng gathering ang pamilya at nagkausap para sa mga plano. Hindi pa 'yon alam ni Cally, pero wala siyang magagawa dahil final na ang decision ni Tito para sa future niya. Well, hindi nila ako mapipilit sa bagay na 'yan. It's not my forte. Baka bumagsak lang ang company sa akin.

So, safe ako sa lahat. Kaya marami ang oras ko sa pagpapa-pansin sa lalaking gusto ko. Worst is, hindi manlang ako makita ni Rajik. Tapos sinasabi niyang may girlfriend na siya. I won't believe it. Maniniwala lang ako kapag kinasal sila. At baka doon lang ako titigil. Tsaka wala sa dugo namin ang umaatras. Matatapang kami kaya kahit anong taboy sa akin ni Rajik, I will continue pestering him. 

Lumabas ako at naglakad papasok ng gusali. Binati ako ng guard ngunit hindi ko 'yon pinansin. Sabado ngayon pero may mga nagta-trabaho pa rin. Sumakay ako sa private elevator, bitbit ang purse at malungkot na mukha, naglakad ako sa corridor kung saan ang dulo ay office ng president. Napahinga ako ng malalim. Binuksan ko ang pinto at walang alinlangan na pumasok. Pagharap ko sa lamesa ni Greece, halos matumba ako ng makita ang ginagawa niya.

Oh my gosh, she was making out with a man! Naghahalikan sila na para bang wala ng bukas. The man cupped her breast while kissing her deeply. Oh shit, am I watching a live porn? This is very awkward! I make a voice, narinig 'yon ni Greece kaya ng tumingin sa akin, mabilis niyang tinulak ang lalaki. Halos masira ang suot niyang corporate attire, tanggal na din ang itaas na kasuotan ng lalaki. Magulo na ang kanyang mukha, ang lipstick ay nasira. This is my first time seeing her making out with a man! 

"Get out." malamig niyang sabi sa lalaki.

Umiling ang lalaki at bumaling sa akin. Nang makita ko ang mukha niya, nanlaki ang mga mata ko. Oh my goodness, it's Mark Joules Dela Vega! Napanganga ako habang pinagmamasdan ang lalaking ka-make out niya. I thought my cousin wouldn't like him. Bakit ngayon may ginagawa silang kamilagruhan! 

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora