Panimula

3.3K 96 3
                                    

Panimula

"Adah, you must be at home! Anong oras na 'to!" 

Umirap ako sa boses ni Papa. Ano ba 'yan, 17 years old na ako pero ganito pa rin siya! Hello, I'm old enough! Next year ay legal age na ako kaya dapat maluwag na siya sa akin. Alam ko naman na maganda ako kaya naghihigpit siya sa akin pero sana naman hindi na siya maging ganito kapag makuha ko na ang lalaking gusto ko. 

Nakakainis din si Kuya! Akala mo naman gwapo siyang kapatid ko! Pareho sila ni Papa, mga protective masyado! Alam ko naman na sobrang ganda ko kaya ganito sila pero ayoko ang ginagawa nila. Gusto kong maging free sa lahat ng ginagawa. Lalo pa't maraming lalaki ang naghahabol sa akin. Syempre, sino ba naman ang hindi mababaliw sa alindog ko? Mukha ni Mama tapos taas ni Papa, perfect combination! 

Tapos nagmo-modeling na din ako. May mga offer na rin sa akin sa mga acting and movies. Last week, katatapos palang ng shoot namin para sa isang movie na ipapalabas sa susunod na buwan. Manghang-mangha ang mga staff at director nung umarte ako, syempre perfect fit sa akin ang role. Marami pang mga ganyan ang naranasan ko. May mga endorsement, TVC and magazines. Masyadong busy ang 17 years old kong edad. 

"Pa, I'm old enough! Stop being like that, please?" I said over the phone.

He sighed.

"You are still minor, Adah Lilith! Sasabihin ko 'to sa Kuya mo." he said controlling his anger.

Umiling ako at pinatay ang tawag. Inis kong hinampas ang manibela. Sabi ng hindi pa ako uuwi e! Kailangan ko pang pumunta sa lalaking gusto ko! For sure, nandoon na siya sa working site nila at nagta-trabaho. Ginulo pa kasi ni Papa ang mood ko e! Ilang sandali na pagkalma, tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Kuya na nasa screen. Shit, talagang nagsumbong pa si Papa sa kanya huh! Ano ba 'yan!

I answered it.

"Where are you, Adah?" he said coldly.

I swallow. Bwesit pati talaga si Kuya ganito rin e! Pareho talaga sila ni Papa!

"Nasa tabi-tabi lang, Kuya." pinalambing ko ang boses.

"Go home now. Father is worried." utos niya.

Ngumuso ako. Oh my gosh! 

"But Kuya, may pupuntahan pa ako!" pagmamaktol ko.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Adah Lilith, stop being immature. Maswerte ka nga't nakakalabas pa ngayon. Kung nandyan ako, baka nasa bahay ka lang." he said.

Umikot ang mga mata ko. Fuck it! Kasalanan 'to ng mga classmate ko last year e! Kung hindi nila ako binully, hindi sana magiging ganito kahigpit si Kuya at Papa sa akin. Sumabay pa ang Deloveras na 'yon kaya nakulong ako ng isang buwan sa bahay! Mga walanghiya sila! Buti nalang at hindi sila pinakulong ng pamilya namin. Tsaka yung tungkol sa amin ng Myrald Deloveros na 'yon, naku hindi naman ako nasaktan ng husto e.

Mabuti nalang at hindi ako masyadong nag-rely sa kanya. Kaya ngayon mabilis na naka-recover ang puso ko. Infatuation lang pala 'yon. Kasi sa katunayan, nakahanap agad ako ng lalaking alam kong akin lang. Tsaka malayo ang lalaking ito sa mga lalaking naghahabol sa akin. Sa kanya may challenge ako, pero sa iba ay wala kasi easy to get lang. Matured na rin siya, third year college sa kursong Electrical Engineering. 

Alam kong maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Yes, I know it. Kasi sa university, sikat rin siya sa pagiging matalino at active na istudyante. Balita ko ang huling umupo bilang president ng SSC ay ang kuya niya. Kaya kilala silang magka-kapatid bilang matatalino at magaling sa lahat ng bagay. Very responsible din siya, nagta-trabaho habang nag-aaral. Alam ko na simula ng mag-second year college siya ay pumasok na siya sa trabaho niya ngayon.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon