Kabanata 10

2.1K 77 1
                                    

Kabanata 10

Nakalimutan

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang magkaharap kami ni Rajik. As expected, mas lalo siyang naging sweet at open sa akin. Yes, when I say sweet and open, lahat nang siya ay ipinaramdam niya sa akin. Kahit dalawang araw palang kami na official na magkasintahan, masasabi kong mas nag-iba ang pakikitungo niya sa akin ngayon. He’s sweeter and caring. Hindi ko na makita ang Rajik na suplado, malamig at walang pakialam sa ibang tao.

This new Rajik is different. He’s open to everything. At gaya ng sinabi ko na kailangan niyang ayusin ang pag-aaral, ginagawa niya nga. Nakita ko naman ang pagbabago sa performance niya sa school. Bumalik siya sa pagiging active na president sa SSC at nabawi ang failing grade niya sa tatlong subject. As of now, panatag na ako sa amin. Panatag na ako dahil bumalik na nga siya. At hindi na ako nangangamba pa.

“Date tayo bukas?” he asked.

I smiled sweetly.

“Wala ka bang work?”

He shook his head.

“Wala. I schedule my time for you tomorrow.” aniya sa malambing na boses.

Ngumuso ako dahil hindi ko mapigilan na kiligin. Kahit naman nakailang ulit na kaming paglabas noon, aaminin kong mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Kung noon, hanggang sa isip ko lang ‘to, ngayon hawak-kamay ko na talaga. Imagine, the high maintenance luxurious Adah Lilith C. Equipaje is now being low key woman for the love of her life. Well, wala naman na akong pakialam sa buhay na nakasanayan noon. Ang importante ngayon, kaming dalawa.

“Sige, payag ako.” as I agree.

He nodded. Lumapit ang mukha niya at muling sinakop ang labi ko. Sa pagsasama namin ngayon, wala pang nangyari. Hanggang halikan lang kami dahil sinabi niya sa akin na wala sa prinsipyo niya na kunin ang kabirhenan ko gayong hindi pa kami kasal. He wants to take it after our marriage. Imbes na ma-turn off ako, mas lalo pa tuloy akong nahulog dahil kakaiba talaga ang mindset niya.

After his kisses, humiwalay ako at tinignan ang oras. Nanlaki ang mata dahil ilang oras nalang at magsisimula na ang birthday party ni Clive. Oh, my goodness! I almost forget! Mabilis akong tumayo kaya ngumisi siya.

“I need to go, Raj. Magagalit na talaga sa akin si Clive.” ani ko.

He sighed.

“Gusto kong sumama.” seryoso niyang sabi.

Natigilan ako. Really?

“Seryoso ka?” tanong ko.

He nodded.

“Oo, I want to meet your cousins." aniya at sabay tayo.

Napangiti ako. This is new moves from him. Akala ko ayaw niyang makilala ang mga pinsan ko. Well, this is a good way to greet and meet. Maayos naman ang suot kong damit ngayon. I’m wearing a simple pink dress. Light make-up and flat shoes. Tinatanggihan ko na ang mga sandal or high heels dahil gusto kong maging formal sa paningin ni Rajik.

Lumabas siya ng banyo na suot ang pormal na polo. Ngumiti ako. He looks so presentable right now. Parang dadalo sa debut ang itsura niya para sa paningin ko. Tumayo ako at niyakap ang braso sa kanyang leeg. I can do this freely now. Dinampian ko ng mababaw na halik ang kanyang labi bago siya pinuri.

“You look handsome in your polo.” I compliment.

He smirked.

“Hindi ba ako gwapo kapag hindi nakasuot ng polo?” he said wonderingly.

Umiling ako at ngumisi.

“No, I mean you are more handsome today.” paliwanag ko.

He shook his head before claiming my lips. Tumugon ako gaya ng parati naming ginagawa. I kissed him back. Tumagal ng ilang segundo bago siya ngumisi at humiwalay sa akin.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now