Chapter 40: Ride

2.3K 118 25
                                    


May konting kirot parin sa puso ko nang makita siya pero hindi na gaya ng dati na kapag naaalala siya ay parang pinipiga ang puso ko.

Napaiwas ako ng tingin kay Ken. Hindi ko matagalan ang intensidad ng kanyang tingin sakin.

"Chat ko nalang daw siya kapag bumalik ka na." si Jc.

"Namiss ka yata, Yohan." si Maricar.

"Lapitan mo na."

Tumango ako at tumayo. Lumakad na ako palapit kay Ken na mariin ang tingin sakin na para bang may ginawa akong kasalanan sakanya.

"Hi!" ngiting bati ko.

His familiar scent immediately reached my nose. Ganun parin siya kagwapo at medyo nagmatured na ang katawan niya, tumangkad pa siya lalo.

"Musta na?" tinapik ko siya sa braso. Wala parin siyang kibo.

Anyare sa lalaking 'to?

Umirap siya.

Ooh, namiss ko ang irap niyang 'yon.

"Let's talk outside." husky niyang boses. Tinalikuran niya na ako. Napakurap-kurap nalang ako, nagtataka.

Sinundan ko naman siya palabas ng bar.

Huminto siya sa parking lot at hinarap na ako. Seryoso na siyang nakatingin sakin. Na-awkward ako bigla.

"May problema ba?" tanong ko.

"I'm fine." sagot niya pero kabaliktaran sa pinapakita niyang ekspresyon.

"Kamusta na ang trabaho mo rito sa Maynila?" tanong niya.

Napangiti ako ng tipid. Nasabi ko nga pala sakanya noon na dito lang naman ako sa Maynila magtatrabaho.

"Hm, nag abroad ako." sabi ko.

"Oh really?" sarcastic niyang tanong.

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo noon na mag aabroad ako."

Umirap siya.

"Ikaw, architect ka na ba?" pag iiba ko ng topic.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya.

Ba't ganito siya? Parang nanghahamon ng away.

"Hm, I think isa ka ng ganap na architect, ikaw pa." sagot ko at tinapik siya ulit sa braso.

Napatingin ako sa sinasandalan niyang magarang sasakyan.

"Sasakyan mo ba 'yan?" tanong ko. Di siya sumagot.

"Ang gwapo ah." manghang sabi ko sakanyang itim na sports car. Makakasakay kaya ako dyan? Siguro ang girlfriend niya lang ang pwedeng sumakay dyan.

"Musta na pala ang love life mo? Are you married?" tanong ko.

"Wala akong girlfriend sa ngayon." sagot niya. Dahan-dahan akong tumango. Ilang taon na nga siya? 25 I think.

"Ikaw, may boyfriend ka ba?" tanong niya.

"Hm, meron." pagsisinungaling ko.

He looked away.

"Akala ko kasal ka na, at may anak na, yun pala binata ka pa." sabi ko.

"Hinihintay ko kasi siya na bumalik." aniya.

I nodded again.

"Sana bumalik na siya para sayo." sabi ko.

"Bumalik na siya pero may iba na." aniya hindi nakatingin sakin.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now