Chapter 1: New

5.6K 164 23
                                    

"Hi! Ako nga pala si Yohan."

Kumunot ang kanyang noo sa pagpapakilala ko sakanya. 'Yung boses ko kase pinambabae ko. Hinead to foot niya naman ako.

"Bakla?" mahinang sabi niya.

Akala niya siguro, straight ako. Ang suot ko kase ay panlalake parin naman. Hindi pa ako cross dresser.

Ngumiti nalang ako sakanya, 'yung pacute na mga ngiti.

"Yes son, he's gay, sana ay magkasundo parin kayo." sabi ni Tito Gabriel.

Nakita ko naman ang multo ng ngiti ni Ken.

"Kumain na muna tayo." anyaya ni tito.

Sumunod na kami sakanya. May nakahain ng pagkain sa parihabang mesa. Umupo si Tito sa kabisera, sa left side niya umupo si Ken, kami naman ni Mama ay umupo sa kabila. May dalawang kasambahay naman ang nagprepare ng mga pagkain.

Taray. Hindi ako sanay na may maid.

Nagsimula na kaming kumain. Naiilang naman akong kumain. Si mama ay nilalagyan niya pa ang plato ko ng ulam, kahit meron pa namang ulam.

Nagkukuwentuhan si mama at tito Gabriel at kami naman ni Ken ay tahimik lang na kumakain. Hanggang sa ako na ang topic nila sa kwentuhan.

"Doon ka nalang sa pinapasukan na university ni Ken." sabi ni mama sakin.

"Di ba mahal ang tuition doon?" sabi ko.

"Okay lang 'yun, basta mapag aral kita sa magandang kolehiyo."

Sinulyapan ko si Ken na ang atensyon parin ay sa pagkain.

"Anong course niya, Ma?" tanong ko.

"Architecture." sagot ni tito.

Tumango ako.

"Ikaw, ano ngang course mo?" tanong ni tito.

"HRM po." sagot ko. Tumango siya.

Natapos na kami sa pagkain. Nabusog ako dahil sa sarap ng pagkain. Tumayo si Ken at umakyat na sa second floor.

Iginiya na kami ni tito sa aming magiging kwarto sa ikalawang palapag. Si mama, syempre sa master's bedroom kasama si Tito. Ako naman ay sa kabilang kwarto. Sa katabi raw nito ang kwarto ni Ken.

Akala ko pa naman magkasama kami sa iisang kwarto. Char..

Plain lang ang magiging kwarto ko. Malaki ito. Mas doble pa sa laki ng kwarto ko sa dati naming bahay sa probinsya. May flat screen tv pa at de-aircon.

Umupo ako sa kama at naramdaman ang lambot ng kutson. Lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kurtina. Natanaw ko ang swimming pool. Gosh! May swimming pool pala sila. Parang gusto ko ng mag swimming.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay narinig ko naman ang malakas na tugtog sa kabilang kwarto. Sa kwarto ni Ken.

Sa sumunod na araw ay inasikaso ko na ang pagtransfer sa St. Ariston university. Sa university kung saan nag aaral si Ken.

Hindi pa tapos ang first semester ko sa ikatlong taon ko sa college.

"Nak, laki pala ng eskwelahang ito." sabi ni mama habang nililibot ang tingin sa paligid ng campus.

"Oo nga ma, ano, lipat nalang tayo ng ibang school?" tanong ko.

"Dito ka nalang, dalawang taon na lang naman." aniya.

Nagpaenroll na ako. Tinanggap pa ang pagtransfer ko dahil july palang naman. Kaya simula bukas ay pwede na akong pumasok.

Gabi nang magsalu-salo kami sa hapag. Tanging si mama at tito ang maingay na nagkukuwentuhan, kaming dalawa ni Ken ay tahimik lang na kumakain. Isang beses ay sumulyap siya sakin at agad din namang umiwas ng mga mata.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon