Chapter 35: Joke

2K 122 12
                                    

Hindi ako makatingin sa mga mata ni Ken. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

"Wag mo nga akong binibiro ng ganyan." nahihiyang sabi ko sabay tapik sakanyang braso. Seryoso parin ang mukha niya, naiilang na tuloy ako.

Mula sa seryoso niyang mukha ay ngumiti siya.

"Mukhang kilala mo na nga ako ah." ngiting sabi niya.

"Akala ko maniniwala ka." aniya.

Parang nadismaya ako. Akala ko naman nagcoconfess na siya sakin na gusto niya ako. Aamin narin sana ako eh.

"But seriously, totoo ang sinabi ko na komportable akong kasama ka." aniya.

Ngumiti ako ng tipid. "Ako rin naman."

"Tara, hatid na kita." anyaya niya.

"Ah wag na, ayun oh, may tricycle ng parating." sabi ko nang matanaw ang tricycle. Pumara naman ako.

"Hatid na kita." Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit papunta sakanyang kotse. Hinila ko naman ang kamay ko.

"Kakain na yata kayo ng dinner, hinihintay ka na nila." sabi ko nang makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Napasinghal nalang siya.

Tinalikuran ko na siya at mabilis na sumakay ng tricycle. Kumaway naman ako sakanya sabay ngiti ng pilit.

Napabuntong hininga nalang ako nang makalayo na.

Haist! Nakakadismaya naman! Akala ko pa naman nagcoconfess na siya. Sabagay, malabo naman kasing magkagusto si Ken sa baklang tulad ko.

Nang makalabas sa highway, napansin kong ang daming tao ang nagkukumpulan sa may kalsada.

"May naaksidente na naman yata." iling na sabi ni mamang driver nitong tricycle na sinasakyan ko.

Nakaramdam din ako ng kaba at takot.

"Teka lang hijo, baka kilala ko ang driver ng tricycle na nabangga ng truck." nag aalalang sabi nito at hininto ang tricycle sa gilid ng highway.

Nakaupo lang ako dito sa tricycle, ayaw kong makita ang insidente. Parang nakakatraumang tingnan ang ganyang pangyayari. Nakatanaw lang ako sa kumpulan ng mga tao. Ang truck lang ang natatanaw ko na nakasalpukan ng tricycle pero hindi ko makita ang tricycle siguro ay.. Nanlulumo akong napailing.

Nahagip naman ng paningin ko ang pamilyar na sasakyan, huminto ito sa gilid ng kalsada at lumabas si Ken. Mabilis siyang tumakbo sa pangyayari. Napalabas na tuloy ako ng tricycle, kinakabahan.

Kilala niya ba ang naaksidente?

Natanaw ko si Ken na nakikipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao.

May ambulansya ng paparating. Tunog palang ng sirena nito ay nakakakaba.

Lakas loob naman akong lumapit sa pangyayari para lapitan si Ken. Rinig ko ang sinasabi ng mga tao sa paligid na naaawa sila sa mga biktima ng aksidente. Nagsihawian naman ang mga tao nang huminto na ang ambulansya at lumabas dito ang mga medic.

Nakita ko na si Ken. Namumutla siya, may bahid ng takot ang kanyang mukha. Bumaba ang mga mata ko sa tricycle at sa apat na taong duguan na nakahandusay sa sahig at wala ng mga malay. Hindi na makilanlan ang mga biktima dahil sa nababalutan ito ng kanilang dugo.

Hindi ko na tiningnan ang kalunos-lunos na nangyari sa mga biktima, nilapitan ko na si Ken.

Hinawakan ko ang kanyang braso at humarap naman siya sakin. Nanlaki ang kanyang mga mata at niyakap ako ng mahigpit. Hindi naman ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

Hinarap niya ako at hinawakan ang mukha ko ng kanyang dalawang kamay.

"Pinag alala mo ko ng sobra, alam mo ba yun?" alalang sabi niya at hinigit ako papunta sakanyang sasakyan at pinasok niya ako. Sumunod naman ako. Umikot siya at pumasok.

Napasapo siya sakanyang ulo at parang na-relief siya.

"Akala mo ba ay isa ako dun sa aksidente?" tanong ko.

"Oo, pinag alala mo ko." Bumaling siya sakin. Kita ko ang namumuong luha sakanyang mga mata.

"Hindi ako nagbibiro kanina." sabi ni Ken nang maihatid niya na ako sa apartment. Palabas na ako ng sasakyan niya nang sinabi niya 'yon.

Medyo lutang ako dun. Inisip ko naman ang biro niya raw kanina.

"Good night, ingat sa biyahe." sabi ko at sinarado na ang pinto ng sasakyan. Umandar na ito, tinanaw ko ang paglayo ng kanyang sasakyan hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

Para akong nakalutang sa ulap nang maalala ang kanyang biro sakin kanina. Sabi niya biro lang tapos ngayon sasabihin niya hindi siya nagbibiro.

Hindi ko alam kung posible ba talaga na magkagusto siya sakin o imposible.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

Ano ba talaga, ken? Masyado mong ginugulo ang isip ko.

Kinabukasan, habang abala ako sa trabaho ay biglang dumating ang taong gumugulo sa isipan ko.

Ang gwapo talaga ng hayupan na 'to. Ang bango niyang tingnan.

Pati ang mga customer ay nababaling ang tingin sa lalaking 'to.

"Hindi mo pa out?" tanong niya.

"Anong out pinagsasabi mo dyan? Mamaya pa." sabi ko. Ba't tonong galit ang sinabi ko?

"Mag d-date sana tayo." aniya.

Ayan na naman ang tibok ng puso ko.

"Anong date?" tanong ko.

"Date ng mga umiibig." aniya.

Ang korni niya ngayon ah.

"May trabaho pa ako, iba nalang landiin mo." sabi ko.

"Ang sakit mo naman magsalita, pinagtatabuyan mo ko sa iba."

Napatingin ako sa paligid. Mga abala ang lahat, walang nakatingin samin.

"Pwede ba, wag mo ng guluhin ang utak ko." mahinang sabi ko

"Sino ba yang lalaki mong 'yan? At parang wala akong pag asa." aniya.

"Wala akong lalaki." giit ko.

"Kaya ko rin tapatan 'yang Cha eun woo mo." aniya.

Medyo nagulat ako. Kilala niya pa pala ang bebe ko. Sabagay, nakita niya ang poster ng bebe ko sa kwarto ko.

"Hindi mo siya kayang tapatan." sabi ko.

Nawala ang ngiti sakanyang labi. Para bang nasaktan siya sa sinabi ko. Bumusangot ang mukha niya.

"Wala kang pag asa dun." biro ko pa.

'Yan, bibiruin din kita, 'yung masakit na biro.

Ang tanong, nasasaktan ba talaga siya sa biro ko? Baka naman nagdadrama lang ang lalaking 'to. Walang matripan ngayon kung hindi ako.

"Oo na, siya na ang bukod na pinagpala." nagtatampong sabi niya.

Pinigilan ko ang mapangiti.

"Mamaya, hatid kita at ipapakita ko sayo kung saan naman ako pinagpala." husky niyang pagkakasabi at tinalikuran na ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumabas na ng restaurant.

Namumula na yata ang pisngi ko dahil sa pag init nito, at ang pagkalabog ng puso ko ay sobrang bilis.

***


My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now