Chapter 3: Rival

3.3K 147 21
                                    


Parang meron siyang two sides of personality. Tahimik siya sa ibang tao at sa iba naman ay maingay siya na naeexpress niya 'yung sarili niya.

Finallow ko si Ken sa Tiktok pagkauwi. Pinanood ko ang kanyang mga videos dito. Famous pala siya, ang dami niyang followers at views.

I want you, I want to make it right

And now it's like the weather is slightly warmer
Hands gripped together, eye to eye through the storm, yeah
I still believe in ever after with you
'Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain't no current in this river, we can ride
I still believe in ever after with you

Karamihan sakanyang videos ay sumasayaw siya. I think sa kwarto niya nito sumasayaw, meron din namang outdoor siya nagtitiktok. Ang galing niya ah. Nila-like ko naman ang mga videos niya na napapanood ko. Sana hindi niya mapansin na isa na ako sa mga followers niya.

Napatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto.

"Kakain na raw." boses ni Ken ang narinig ko.

"Sige." sabi ko.

Habang kumakain na ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Ken. Tumaas ang kilay niya sakin nang mapansin na tinitingnan ko siya habang ngumunguya ng pagkain. Umiwas ako ng tingin sakanya. Bigla kong naalala ang isang videos niya, 'yung nag tutu dance siya. Hindi ko napigilang mapangiti. Uminom ako ng tubig pero nandyan parin ang ngiti ko sa labi.

"Ba't ka ngumingiti dyan ng mag isa?" tanong sakin ni Mama.

"May.. naalala lang, Ma."

"Bakit, may crush ka na ba agad na pogi sa school niyo ni Ken?" tanong ni Mama. Napangiti naman si Tito.

"Wala, porket ngumingiti, may crush na agad." sabi ko.

"Para ka kasing kinikilig, ngumingiti ka ng mag isa dyan."

Kita ko ang pag iling ni Ken na para bang walang sense ang pinag uusapan.

Kinaumagahan ay sabay kaming pumasok ng school. Pinaghintay niya talaga ako. Gentleman din pala siya minsan. Pero hindi siya gentleman pagbababa na kami ng sasakyan. Dapat ay pinagbubuksan niya ako ng pinto, charot lang.

Humikab ako habang naghihintay sa professor namin. Dumating na ang maiingay kong kaibigan at umupo na sa tabi ko at likuran.

"I have a tea, mga sis." si Jc pagkaupo.

"Spill the tea, sis." sabay naman naming sabi. Ano naman kaya ang ichichika nito?

"May isa tayong friend dito na hindi manlang nagsasabi na hinahatid siya ni Ken dito sa school."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Parang nakita niya ako kanina na bumaba ng sasakyan ni Ken.

"Sinetch?" si Maricar, Danny at Bailey habang nagkakatinginan kami.

"Akez." biglang sabi ko.

Sabay-sabay silang tumingin sakin.

"Ipaliwanag mo sakin ang kataksilang ginawa mo." si Jc, na eksaheradang nagagalit.

Ngumiti nalang ako.

"Hmm, We're living in the same roof." sabi ko.

Nagsinghapan naman sila.

"Oh my god! Asawa mo siya?" si Maricar.

Binatukan naman siya ni Danny. "Di ba pwedeng maid siya doon."

"Explain it to me." si Jc, na eksaherada parin. Akala mo naman inagawan siya ng asawa.

"Hmm, step-brother ko siya." sabi ko.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now