Chapter 8: Gay

2.9K 132 16
                                    

Gumilid naman ako at si papa naman ay hinila ang tricycle pagilid upang makadaan ang sasakyan. Bumukas ang gate at pumasok na ang sasakyan.

"Pa, umalis ka na po." sabi ko. Bumaling ako sakanya. Nakangisi lang siyang nakatingin sa loob. Bumaling naman ako sa tinitingnan niya. Si mama na kabababa lang ng sasakyan at galit na ekspresyong tumingin samin.

Pumasok na ako, hindi na tiningnan si papa.

"Ba't mo siya kasama?" tanong ni mama nang pumasok ng kwarto ko.

Bumuntong hininga na muna ako.

"Nakita ko siya sa tapat ng mall, nag aalok ng pasahero, pinilit niya naman akong ihatid niya, so ayun, naawa ako kasi wala raw siyang mayayang pasahero." paliwanag ko. Hindi ko balak ikuwento ang mga pinagsasabi ni papa tungkol sakanya.

"Dapat hindi ka nalang nagpahatid sakanya, nalaman niya tuloy kung saan tayo nakatira." may inis sa tono ng kanyang boses.

"Hmm, hindi niya naman yata tayo guguluhin pa." sabi ko.

"Sana nga, kilala ko 'yang ama mong 'yan, mahilig sa gulo." aniya.

"Buti nalang, hindi siya kilala ng Tito mo." sabi niya pa.

Nang nasa hapag na kami para sa hapunan ay pinatawag sakin ni mama si Ken. Tumango ako at umakyat para tawagin si Ken.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto nito ay maririnig sa loob ang malakas na tugtog ng speaker. Kumatok naman ako. Bumukas ang pinto at tumambad sa harap ko ang pawis na pawis niyang katawan.

Sarap naman..

Ay, ano ba 'tong iniisip ko? Mahalay ka nanaman sa step-brother mo, Yohan.

"Kakain na raw." malanding pagkakasabi ko.

Tumango naman siya. "Susunod ako." aniya.

Ano ba kasing ginagawa niya at pawis na pawis siya? Siguro ay sumasayaw para i-upload sa tiktok.

Sumunod naman na siya at sabay-sabay na kaming kumain.

"Bukas pala, Yohan, sa kwarto ka muna ni Ken matulog." biglang sabi ni tito.

Sabay kami ni Ken napaangat ng tingin kay tito.

Muntik pa akong masamid. Ano raw? Tabi kaming matutulog ni Ken? Parang tanga nitong si Tito, babae ako. Hindi niya manlang naisip ang puri ko.

"Bakit po?" tanong ko, tunog pagtanggi.

Kunware ka pa, Yohan na ayaw mo siyang makatabi sa pagtulog.

"Kasi si Sydney na pamangkin ko ay may aasikasuhin dito sa Manila, apat na araw siyang mag i-stay dito." saad ni tito.

"Okay lang ba sayo Ken na sa iisang kwarto muna kayo ng anak ko?" tanong ni mama.

Tiningnan naman ako ni Ken na ngumunguya ng pagkain.

"Okay lang." aniya. Hindi ko mabasa sa ekspresyon niya kung payag ba siya o ayaw niya.

Ikaw naman, Yohan, panatilihin mo na hindi ka masaya sa mangyayari. Pinigil kong mapangiti.

"Ikaw naman, Yohan, okay lang ba sayo?" tanong ni tito.

Oo naman.

Naramdaman ko ang kamay ni mama sa hita ko.

"A-ayos lang po." sagot ko.

Nagpatuloy na ako sa pagkain. Para akong naeexcite na ewan.

Ang landi ko naman talaga.



Mga bandang alas diyes ay hindi pa ako makatulog siguro sa excitement na mula bukas ay sa iisang kwarto muna kami ni Ken. Nakalimutan ko na tuloy ang pangamba ko kay papa.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now