Chapter 15: Beauty

2.2K 124 7
                                    

Dumating na ang gabi ng pagsali ko sa isang gay beauty pageant. Magkahalong kaba at excitement ang nadarama ko. Hindi naman alam nila mama ang pagsali ko rito, baka kasi hindi siya pumayag. Sayang naman ng confident ko kapag tumutol si mudang.

"Ganda oh!" Si Jc nang matapos niya na akong make-upan at suotan ng wig.

"Pak!"

Hindi ko na makilala ang sarili kong mukha habang nakatingin sa vanity mirror.

I took a deep breath and smiled a bit.

'Kaya mo 'to.' kumbinsi ko saking sarili.

Pumalakpak naman ang baklang event coordinator. Tumayo ako at pinagmasdan ang kabuuan. I am wearing a casual dress. Lalo akong tumangkad sa suot kong heels na 5 inches ang taas ng takong.

"Go sister, bring home the crown." sabi ni Jc sakin.

Pinagready na kami ng event coordinator sa pagakyat sa stage.

"Let us around of applause to our sixteen lovely candidates!" sigaw ng emcee.

Bumuntong-hininga ulit ako. Ninenerbyos parin ako. Myghad!

If all of the kings had their queens on the throne
We would pop champagne and raise a toast
To all of the queens who are fighting alone
Baby, you're not dancin' on your own

Isa-isa ng umakyat sa stage ang mga kapwa ko kandidata. Pang-number 9 ako.

Naghihiyawan na ang mga tao sa kandidatang sinusuportahan nila. Umakyat na ako ng stage. Rinig ko ang hiyawan nila Danny sa pagtawag ng pangalan ko. Hindi ko sila makita dahil madilim sa audience at nakatutok ang spotlight dito sa stage.

Nakangiti lang ako habang nagsasayaw.

I will enjoy this moment. Minsan lang 'tong mangyari kaya dapat ay i-enjoy lang.

Isa-isa na kaming nagpakilala. Bawat kandidata ay hinihiyawan. May isa pa ngang candidate ang crowd favorite. Maganda siya at sobrang ganda ng katawan.

Lumapit narin ako sa mikropono upang magpakilala.

"Beauty is not flawless; it shines even through your flaws. I am Carmela Dominguez, 20 years of age, from Soriah subdivision, Quezon City!"

Naghiyawan naman ang audience.

Para ng dinadaga ang dibdib ko nang sumunod ang swimsuit competition. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Ano ba yan! Sinabi ko na sa sarili ko na mag enjoy lang pero ninenerbiyos parin ako.

"Kaya mo 'yan, Yohan, tandaan mo lang yung mga tinuro ko sayo." sabi ni Jc tukoy sa pagtrain niya sakin kung paano ang tamang pagrampa suot ang swimsuit.

I am wearing a floral swimsuit and a cape on my back.

"Ladies and gentlemen, let's all prepare for the next turn as sixteen candidates sizzle on their swim wear. So, fasten your seatbelts, it's going to be a bumby night! Here is our candidates in their swim wear." rinig kong sambit ng Emcee.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pinagkikiskis ang dalawang palad para uminit ito.

Dumagundong ang hiyawan ng mga tao nang magsiakyatan na kaming mga kandidata suot ang swim suit.

Kahit na masakit na sa paa ang heels na suot ko at nanginginig ang mga tuhod ay diretso lang ang lakad ko na may halong ngiti sa labi. Holding my cape with my hands ay confident akong humarap sa maraming tao.

"Please welcome our candidates wearing their evening gowns."

I am wearing an empire-waist gown na inarkila pa ni Danny sa isang kaibigan niyang fashion designer. Ang kulay ginto nito ay bumagay naman sa kulay ng balat ko.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now