Chapter 10: Money

2.8K 133 14
                                    

Nagsalu-salo na kami sa hapag. Boses ni Sydney ang nangingibabaw. Panay ang kwento niya ng random. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig. At her young age pala ay siya na ang nagmamanage ng business ng kanyang mga magulang. Nandito siya sa Maynila para sa isang business gathering.

"Sayang, wala ako sa kasal niyo, ako sana ang made of honor." sabi ni Sydney.

"It's alright, we understand." si Tito at nagngitian sila ni mama.

"Ikaw naman, Kenjo, may girlfriend ka na ba?" tanong nito kay Ken.

"Meron." maangas na saad nito.

"Weh." hindi makapaniwalang sabi ni Sydney.

"Buntis na nga eh."

Sabay-sabay naman kaming napalingon sa sinabi ni Ken.

Kunot noo si tito na bumaling sa anak.

"Just kidding." agap niya.

"Maniniwala na sana ako eh, kasi posible 'yung mangyari." si Sydney.

"Study first, wala pa 'yan sa plano ko."

Napapairap ako sa sinabi ni Ken. Paano kung mabuntis niya agad ako? Char.

"Wow! Good boy." manghang sabi ni Sydney.

"Mana sakin ang pagka goodboy niyan." sabat ni tito.

"Tsk! Kay mama ako nagmana." singhal ni Ken.

Katahimikan ang namayani. Binasag naman ito ni tito.

"Pero sa kagwapuhan, sakin ka nagmana."

Natapos na kami sa pagkain. Nanood kami ng tv sa sala. Si Ken ay umakyat na sakanyang kwarto matapos kumain. Hindi nagtagal ay umakyat narin ako. Bubuksan ko na sana ang kwarto ko nang marealize na hindi pala muna ito ang kwarto ko. Hinawi ko kunware ang imaginary bangs ko at dumiretso na sa kwarto ni Ken. Naabutan ko siya roong nanonood ng tv. Nakahilig siya sa headboard ng kanyang kama. Ang palabas na pinapanood niya ay action movie sa Netfix.

Umupo ako sa couch at nanood narin kahit hindi ako relate sa palabas kasi I prefer to watch love story or fantasy.

Binalingan ko siya na parang tamad manood. Siguro kung wala ako rito ay nagtitiktok siya. Minsan kasi ay naririnig ko ang tunog ng speaker mula sa kwarto niya kapag ganitong oras.

Gusto ko sana dito sa couch humiga kaso hindi ako kakasya dito at baka mahulog pa ako.

Lalatag na sana ako ng bed sheet sa sahig nang magsalita na siya.

"Dito ka na matulog." aniya.

Ay, nagbago na isip niya.

Ewan ko ba at bigla akong kinabahan.

"Ah, dito nalang ako." sabi ko.

"Okay, sinabi mo." aniya.

Nilatag ko na ang bed sheet at ang dalawang unan. Umupo na ako rito at nagcellphone, nagbukas ng facebook account.

Napabaling ako kay Ken nang maghubad ito ng damit niya at humiga na sabay turn off ng tv.

Medyo malamig dito sa kwarto niya pero mukhang naiinitan parin siya. Sabagay, ang hot ko naman kase, char.

Humiga narin ako. Hanggang sa dalawin na ng antok.

Paggising ko ng umaga ay wala na siya sa kama. Naririnig ko ang tunog ng shower sa banyo. Bumangon na ako at nagligpit ng higaan.

Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nun ang isang lalaking masarap ah este maganda ang katawan. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Napalunok ako sa nakabalandra niyang abs.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon