Chapter 7: Fetch

2.7K 129 7
                                    

Sumakit bigla ang sintido ko. Minasahe ko ito ng daliri ko.

"May problema ba, Yohan?" tanong ni mama nang mapansin ako.

Agad naman akong umiling. Kinain ko na ang natitirang pagkain sa plato ko.

Nang matapos sa pagkain ay tumungo ako sa bakuran para mag unwind dahil nastress talaga ang beauty ko kanina. Umupo ako sa sun lounger. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Ang galit na galit na si Ken na binibintangan akong nagnakaw ng nawawala niyang gamit.

Nagtagal ako ng isang oras dito habang nagmumuni-muni, pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.

Naramdaman ko namang may tao na paparating. Paglingon ko, si Ken na papalapit sakin.

"Sorry,"

Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad sakin.

Tumango nalang ako at tumayo na.

"Alam ko na nasaktan kita, I'm so sorry, nagpadala agad ako sa galit ko." sinsero niyang sabi.

Ngumiti naman ako sakanya ng tipid.

"Okay lang, sige, matutulog na ako, good night." sabi ko at nilampasan na siya.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina na ang bigat ng nararamdaman ko.

Kinaumagahan ay hinintay ako ni Ken na sabay kaming pupunta ng school.

Sabay pa kaming sumakay sa sasakyan niya. His familiar scent immediately reached my nose. Napatingin ako sa suot niyang relo, 'yun ang relo na nawawala kahapon na nasa ama niya lang pala.

Habang nasa biyahe, tahimik lang kami. The silence between us was very awkward. Napatingala ako sa isang billboard na ang larawan ay lalaking nakabrief lang. Ang ganda naman ng tanawin. Dinaig pa nito ang Eiffel tower sa Paris.

Nung uwian na ng hapon ay nakita ko si Ken sa corridor na nakahilig sa railings, parang may hinihintay.

"Bakla, ano 'to?" si Jc na kinurot ako sa tagiliran habang naglalakad kami sa corridor at napansin na nila si Ken. Napadaing naman ako sa kurot nito.

"Ewan, baka sinusundo ako." kibit balikat ko.

"Bakit dito pa sa building? Pwede namang sa parking lot nalang diba?" si Jc.

Nagkibit balikat ulit ako.

"Edi, hindi ka na sasama samin?" tanong ni Danny. Napagplanuhan kasi naming pupunta ng mall at bibili ng project.

"Sasama parin ako sainyo." sabi ko.

"Wag ka ng sumama samin, sinusundo ka na niya oh." si Maricar.

"Desisyon ka, teh." pabiro kong irap.

At nang makita ako ni Ken ay napaayos na siya ng tayo.

"Let's go." aniya.

Parang bumabawi siya ah.

"Hmm, may pupuntahan pa kami ng mga friends ko eh, mauna ka ng umuwi." sabi ko.

Binalingan niya naman ang mga kaibigan ko bago tumango sakin.

"Okay."

Parang may nag iba sa ugali niya dahil sa trato niya sakin ngayon. Parang biglang bumait sakin. Maganda din naman pala ang naidulot ng nangyari kahapon. Kahit na takang-taka ang mga kaibigan ko sa trato sakin ngayon ni Ken ay hindi ko na kinuwento ang nangyaring pagbibintang sakin ni Ken na magnanakaw.

Maggagabi na nang makalabas kami ng mall, umawra pa kasi kami matapos naming makabili ng mga kakailanganin sa project namin, hindi ko naman inasahan na makikita ko ang father ko sa labas ng mall. Parang sumikip ang dibdib ko nang makita siya. Nag aalok siyang sumakay sakanyang tricycle.

"Bakit?" tanong ni Danny.

"'Yung pudang ko." sabi ko.

"Huh? Nasa'n?" tanong nila.

Tinuro ko naman ito. Napatigil si papa sa pagsigaw niya nang makita ako. Kita ko sakanyang mukha ang gulat.

Lumapit siya sakin at hindi makapaniwala na makita ako.

"Nandito ka pala sa Maynila." aniya.

"Ah, yes po." sagot ko.

"Saan na kayo nakatira?" tanong niya habang sinisipat ang kabuuan ko.

"Ah, sa karelasyon niya po." sagot ko.

Unti-unti siyang tumango.

"Ihatid na kita, para malaman ko kung saan na kayong lugar nakatira." aniya.

Nag alinlangan naman ako kung susundin ko ba siya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Ikaw bahala look na nakatingin sakin ang apat.

"Sige na, wala akong pasahero ngayon eh." pamimilit niya.

Tumango nalang ako.

"Mauna na ako sainyo." paalam ko sa mga kaibigan ko.

Sumakay na ako sa tricycle niya bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng gamit sa project. Kumaway naman ako sa apat at umandar na ang tricycle.

Almost eight years na nang huli kong makita si papa. Wala na kaming balita sakanya sa mga nagdaang taon. Ganun parin naman siya, matikas parin ang pangangatawan, pang playboy ang awrahan niya. I look more like him pero hindi sa katawan kasi payat ako. Buti hindi niya ako ginawang junior. Antonio jr. sana ang pangalan ko.

"Nag aaral ka pa?" tanong niya habang namamasada.

"Opo." sagot ko.

"Saan?"

"Sa St. Ariston University po."

"Aba! Sosyal na paaralan 'yun ah." manghang sabi niya.

"Malapit lang, pwede kitang isundo lagi sa bahay mo." aniya pa.

Kahit wag na sana. Baka magalit sakin si mama.

Tinuro ko ang direksyon ng subdivision na tinitirhan namin.

"Nakahanap pala ang mama mo ng mayamang lalaki, hindi na ako magtataka, mukhang pera ang mama mo eh."

Parang biglang kumulo ang dugo ko.

"Hindi naman po." giit ko.

Napasinghal naman siya.

"Ang lamya-lamya mong magsalita para kang bakla."

'Bakla naman talaga ako.' I said inside my head.

"Dito nalang, Pa." sabi ko kahit hindi pa naman talaga dito ang bahay namin.

"Tsk! Alam kong hindi pa ito ang bahay niyo." singhal niya. Hininto niya na ang pagdadrive.

Inabot ko na sakanya ang pamasahe ko. Tinanggap niya naman ang 100 peso bill.

Hindi ko hinintay na suklian niya ako. Bumaba na ako agad.

"Gusto ko lang naman malaman kung saan ang bahay niyo." aniya. Sinusundan niya ako, mabagal na pinapaandar ang tricycle.

Nagsisisi tuloy ako na nagpahatid pa ako sakanya. Okay lang naman sana na makita ko siya.

Wala na akong nagawa, nasundan niya ako hanggang sa tapat ng bahay ni tito Gabriel. Hininto na niya ang pagdadrive at manghang pinagmasdan ang malaking bahay.

"Ayos ah." aniya.

"Malaki na yata ang nahuthot na pera ng mama mo." ngising sabi niya.

"Hindi naman po ganyan si mama." depensa ko.

"Sayo, pero sakin mukha siyang pera, sana hindi ka magmana sa nanay mong manggagantso."

Tumiim nalang ang bagang ko sa namumuong galit.

Sakto namang dumating na ang sasakyan ni Tito, samin nakatutok ang headlight ng sasakyan kasi nakaharang kami sa may gate.

***

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now