Chapter 25: Family

2K 122 5
                                    


Bumuhos ang mga luha ko nang malamang namatay si tito sa isang car accident. Hindi ako makapaniwala. Parang pinipiga ang puso ko sa nangyari. Parang isang bangungot na sana ay magising na ako.

Namumugto na ang mga mata ni mama sa kaiiyak. Si Ken naman ay tulala, mugto rin ang mga mata dahil sa pag iyak. Kita sakanyang mga mata ang lungkot.

Limang araw ang burol. Maraming tao ang nakikiramay. Ilan sa kanila ay mga empleyado. Isang gabi ay dumating ang dating asawa ni tito kasama ang bunso nilang anak. Umiiyak ito habang lumalapit sa kabaong. Inaalu naman siya ng kanyang anak na umiiyak rin.

Dumating rin isang gabi ang pamangkin ni tito na si Sydney, kasama ang mga magulang nito. Nakiramay din ang mga kaibigan ko.

Parang kailan lang nang magkakasama kami tapos ngayon, heto at hinahatid na namin si tito sa kanyang huling hantungan. Hinahagod ko ang likod ni mama habang humahagulhol siya. Si Ken ay nakayuko at umiiyak. Ang hapdi narin ng mata ko at lalamunan ko sa kaiiyak.

Ang tahimik na sa bahay ni tito. Lahat kami ay nagluluksa. Nandito rin si Ken. Lagi ko siyang naabutang tulala mula nang mawala ang papa niya.

"Kakain na po." si Manang Rosa.

Tinawag din ni Ate Jona si Ken sa kwarto nito.

Nasa hapag na kaming tatlo. Malungkot na bumaling si mama sa kabisera kung saan laging nakaupo si tito. Nagsimula na kaming kumain. Halata namang hindi kami ginaganahan kumain kahit pa masarap ang pagkain. Tanging ingay lang ng kutsara ang naglilikha ng ingay sa paligid. Kung dati ay kuwentuhan at tawanan, ngayon ay napakatahimik na. Nakakapanibago. Nasanay na ako na laging maingay ang hapag.

Hindi ko naman inasahan ang magiging desisyon ni mama sa lumipas na mga araw.

"Babalik na tayo ng probinsya."

Gulat akong nilingon siya.

"Wala tayong karapatan sa ari-arian ng tito mo." aniya pa.

Meron kaya, dahil asawa siya.

Natahimik at napabuntong hininga nalang ako. I must respect her decision.

Kita ko ang namumuong luha sa mga mata ni mama.

Ayos lang naman sakin ang desisyon niya. Kaso, paano si Ken? Wala na siyang kasama rito.

"Sabi ng tito mo na ang bahay na ito ay sating lahat kaso titira na yata rito ang isang kapatid ni Ken, syempre susunod din ang ina nila, ayaw ko namang makasama ang dating asawa niya rito, noh." aniya at ngumiti siya ng pilit.

Tumango nalang ako ng dahan-dahan.

"Kaya naman ni Ken at ng mga kamag anak niyang i-manage ang negosyong iniwan ng tito mo, kaya hindi niya na tayo kailangan." aniya pa.

Bumababa si Ken sa hagdan. Napatingala naman kami sakanya.

Ngayon ay pupunta rito ang abogado ni tito Gabriel at pag uusapan ang paghati-hati ng mga ari-arian.

Dumating naman na ang abogado. Kasunod ay ang dating asawa ni tito kasama ang bunso nilang anak na si Magnus. Naalala ko tuloy ang pamimintang niya sakin.

Tumango nalang kami ni mama sa nakasaad sa dokumento.

"Bakit meron din siya?" sabat ng mama ni Ken tinuturo ako.

Nagulat naman ako dahil meron pala akong 10 percent na makukuha sa ari-arian ni tito. Si Mama at si Magnus ay parehong 20 percent. Si Ken ang may pinakamalaking mana na 50 percent.

"Wag kang mag alala, ipinapaubaya na namin kay Ken ang mana samin." si mama. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tumango naman ako kay mama.

"Mabuti naman kung ganun." Ang mama ni Ken.

"Tita." tawag ni Ken kay mama.

"Ayos lang, Ken, hindi ko naman pinangarap na kamkamin ang ari-arian ng papa mo." ngiting sabi ni mama.

Mabilis naman na natapos ang usapan. Buo na ang desisyon ni mama na umalis na kami.

Ilang araw pa kaming nanatili sa bahay ni tito bago ang paglisan.

"Mamimiss po namin kayo." si Ate Jona na mangiyak-ngiyak.

"Kami rin." si mama.

"Ikaw rin Yohan."

Nagyakapan naman kami ni Ate Jona at niyakap ko narin si Manang Rosa.

"Bumisita naman kayo dito." sabi ni Manang Rosa.

"Tingnan po namin." si Mama.

Lumapit naman samin si Ken. Bakas sakanyang mga mata ang lungkot at pagod.

"Sigurado na po ba kayo sa desisyon niyo?" tanong niya kay mama.

"Oo, salamat sa pagtanggap mo samin." ngiting sabi ni mama. Nangingilid na ang luha niya.

"Ako nga po dapat ang magpasalamat dahil tinuring niyo kaming pamilya niyo." si Ken. Nagyakapan naman silang dalawa. Hinagod ni mama ang likod ni Ken.

Pagkatapos ng yakapan nila ay binalingan niya naman ako.

"Thank you sa.. pagtanggap mo samin as part of your family."" ngiting sabi ko.

Ngumiti siya at tumango sakin.

"Wala rin ba akong yakap?" ngiting tanong ko.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Ramdam ko ang init ng yakap niya sakin.

"Salamat din." aniya habang nakayakap pa din sakin.

Nang kumalas na kami sa isa't-isa. Di ko napigilang maiyak.

"Ano ba yan! Ang drama natin." sabi ko, pilit ang mga ngiti. Pinapaypayan ko ang gilid ng mga mata ko ng aking kamay.

"O sya, alis na kami, salamat sainyo." si mama.

Nakahanda na ang mga gamit namin sa isang van.

Sumakit ang lalamunan ko sa kakapigil sa pag iyak. Kahit anong pigil ko ay naluha parin ako. Napakurap-kurap ako at dumiin ang labi ko.

Nakangiti naman si Ken pero namumula ang mga mata niya.

Kumaway na kami sa kanilang tatlo at sumakay na sa van nila Ken.

Nang umandar na ang sasakyan, tuluyan ng umiyak si mama. Hinagod ko naman ang kanyang likod.

Nilingon ko ang banda nila Ken. Si Ken nalang ang nakatanaw sa sinasakyan namin.

Tinanaw ko pa siya hanggang sa nakalayo na kami.

Mamimiss ko ng sobra sila tito Gabriel. Simula ng makilala ko sila, tinuring ko na silang pamilya.

***

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now