Chapter 21: Bond

2.3K 122 14
                                    


Medyo naging malapit na kami sa isa't-isa ni Ken. Hindi na tulad ng dati na sinusungitan niya ako sa tuwing kinakausap ko.

"Hindi naman ako mahilig dito." sabi ko at binagsak ang controller nang matalo na naman ako sa nilalaro namin sa playstation sakanyang kwarto. Siguro naboboring siya kaya niyaya niya akong maglaro nito.

"Tsk, ang boring mo naman kalaro." aniya.

"Ibang laro kase ang gusto ko." sabi ko.

"Anong laro?" tanong niya.

"Bahay-bahayan, chineese garter at 10-20." sabi ko.

"Tsk, bahay-bahayan?" kunot noo niyang tanong.

"Oo, halimbawa, ako ang nanay at ikaw naman ang tatay." natatawang sabi ko.

Umiling naman siya. "Tsk, baduy."

"Nakaka-enjoy kaya, 'yan ang mga nilalaro ko noong bata ako." sabi ko.

"So, may asawa ka kunware?"

"Of course, may anak pa nga eh na manika." sabi ko.

Natawa naman siya.

"Sino naman ang minalas na tatay?"

"Si Cha eun woo." biro ko sabay pakita sa screen ng cellphone ko na ang wallpaper ay ang korean actor.

"Tsk, ang pangit naman ng asawa mo." singhal niya nang makita ang picture ng asawa ko.

"Anong pangit ka dyan, ang gwapo kaya niya." giit ko.

Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sahig at pinatay na ang playstation. Tumayo narin ako.

"Sige, labas na ako." paalam ko.

"Ayaw mong magbahay-bahayan tayo?" tanong niya nang palabas na ako ng kwarto niya.

Bumaling ako sakanya na seryoso ka look.

Alam ko namang nagbibiro lang siya pero sasakyan ko ang biro niya.

"Hm, kaso wala tayong anak." sabi ko.

"Edi, gagawa tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. Nawindang yata ang buong sistema ko sa sinabi niya.

"Kaso, wala ka namang matres kaya pano kita mabubuntis, hahaha!" tawa niya.

Ah, ganun?

Pabiro ko siyang inirapan at lumabas na. Rinig ko naman ang hagalpak niyang tawa.

Nakasalubong ko naman si Ate Jona na naglilinis ng sahig gamit ang mop.

"Ikaw ah, galing kang kwarto ni Ser, anong ginawa niyo ah?"

"Naglaro." kibit balikat ko.

"Asus, hindi mo ko maloloko." panunuya niya.

"Alam mo ate, sa imagination mo lang yan, walang nangyari samin." giit ko.

'Yung tingin niya parang hindi parin siya naniniwala.

Edi wag.

"Ang gwapo kaya ni Sir, isang kindat niya lang sayo, alam ko bibigay ka kaagad." panunukso niya pa.

Pabiro ko nalang siyang inirapan at pumasok na ng kwarto.

Hindi nagtagal ay natanaw ko sa baba sa swimming pool si Ken. Naghubad ng damit at nilapag sa sun lounger.

Hm, parang gusto kong magswimming. Hihi!

Bumaba ako at pumunta na sa pool.

"Pwede bang magswimming?" tanong ko. Nakaupo lang siya sa gilid ng pool, nakatubog ang mga paa.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon