Chapter 16: Fight

2.2K 134 9
                                    


Pagkauwi ko ng bahay, buti nalang at tulog na sila mama. Malaya kong nabuksan ang gate at ang maindoor dahil binigyan nila ako ng spare key kapag late na akong umuwi ng bahay.

Nang nakahiga na ako sa kama, saka lang nagsink-in sa utak ko ang lakas-loob kong pagsali sa pageant. Parang hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'yon. Parang panaginip lang.

I imagining myself wearing a swimsuit and evening gown.

Nangyari ba talaga 'yun?


"Anong oras ka na pala nakauwi?" tanong ni mama habang kumakain kami ng agahan.

"Mga alas onse y-media na po." sagot ko.

"Pinasundo kita kay Ken pero wala ka raw doon sa tinatrabahuan mo." si Tito.

Muntik pa akong mabulunan ng kinakain kong hotdog. Uminom ako at tumikhim. Napatingin ako kay Ken na nakataas ang kilay sakin.

"Ah, hehehe." Napakamot ako sa batok ko. Ano bang ipapalusot ko?

"K-kase po, nag join po kasi ako.. ng... ms. Gay." pag amin ko. Wala akong maisip na palusot.

Nanlaki naman ang mga mata nila. Si Ken ay kumunot lang ang noo.

"Kailan ka pa natutong sumali dyan diba sabi mo nahihiya ka sa ganyan?" takang sabi ni mama.

"Ah, gusto ko lang pong maexperience." sabi ko.

"Ba't di mo samin sinabi na sasali ka ng Ms. Gay" inis na tanong ni Mama.

"Hmm, kasi po, baka di ka pumayag." sagot ko.

"Sayang tuloy at di ka namin nasuportahan dyan." si Tito.

Nagtataka naman akong bumaling kay tito.

"Wala naman problema kung... sumali siya sa Ms. Gay." aniya pa.

"Haay, ewan ko sayo Yohan, marunong ka ng maglihim sakin." dismayadong sabi ni mama.

"Edi, sana sinuportahan kita dyan. Oh ano, nanalo ka ba?" tanong ni mama.

"Nagsecond runner-up naman ako." sabi ko.

Kumurba naman ang bibig niya.

"Nasaan ang mga picture mo? Yung naka-gown ka."

"Wala po."

Umirap nalang si mama at nagpatuloy na sa pagkain.



Tila may hangover pa kami ng mga kaibigan ko sa pagsali ko ng Ms. Gay kagabi. Nagkukwentuhan kami habang wala pa ang professor.

Ginagaya pa nila ang sagot ko sa q and a.

"Anong tawag sa pagrampa ko?" tanong ni Danny habang rumarampa siya.

"Lava walk." sabi ko.

"Hindi 'yan lava walk, ang tawag dyan, crater walk." si Jc.

"Pwede ring moon walk." si Bailey.

Napatawa naman kami.

"Anong tawag naman sa walk ko?" si Jc habang rumarampa narin.

"Hmm, hayok sa tite walk." si Danny.

Napahagalpak kami ng tawa. 'Yung iba kong kaklase na nakarinig ay napatawa din.

"Ang tawag naman sa walk ko ay Miss Universe walk." si Maricar na rumampa narin.

My Bittersweet Home (Gay/StraightRelationship)Where stories live. Discover now