Niligid ko ang paningin ko sa loob. Gusto ko nang umalis, gusto ko nang makalaya sa impyernong bahay na 'to dahil kung mas magtatagal pa ako, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba.

Tumuloy ako sa kuwarto. Isa-isa kong nilabas ang ilang damit ko sa cabinet saka isinilid sa isang malaking bag. Hinila ko ang box sa ilalim at ang tanging kinuha ko roon ay ang ay litrato ng tunay kong ina.

Tahimik akong nag-aayos ng gamit nang may marinig akong humintong sasakyan. Sa halos araw-araw kong naririnig ang sasakyan na iyon ay kilala ko na kung kanino ito . . . kay Roger.

Nakauwi na sila? Paano ako aalis? Tumayo ako mula sa kama at sumilip sa bintana. Naroon siya sa labas at kausap niya si papa . . . o tito? Hindi ko na alam kung ano ba ang itatawag ko sa kaniya. Mas maganda yata kung demonyo. Nasa likuran niya naman si mama at hindi ko alam kung nasaan si Lyka.

Wala si Khaos sa labas kaya tinawagan ko siya sa takot na baka iniwan niya na ako.

"Hello . . ." halos bulong lang ang boses ko.

"Nandito lang ako medyo malapit sa bahay n'yo," aniya. "Hindi ako p'wede sa mismong tapat dahil biglang dumating ang mga magulang mo."

"Oo, nakikita ko," sagot ko. "Paano na 'to ngayon?"

Kausap man si Khaos ay pilit kong pinakikinggan ang usapan nila na mukhang hindi maganda ang nagiging takbo. Mukhahg mainit na ang ulo ni Roger.

"Pasensya na, pare. Wala pa akong pera ngayon. Hindi ko alam kung saan kukuha ng limang daang libo para ipambayad sa 'yo," ani papa.

"Kung wala kayong pambayad, si Ahmya na lang ang kukunin ko bilang kabayaran!" sigaw niya. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mukha.

Nagulat ako at napatakip sa bibig. Nagkatinginan ang mag-asawa at sa mga oras na 'to, hindi ko gusto ang iniisip nila. Wala silang kasingsama at hindi sila mag-aalangang pumayag sa kondisyon ni Roger.

"Sige," ani papa.

"T*ng ina!" napapamura kong bulong.

"I heard it," Khaos said from the other line. "You need to escape."

"Alam ko pero saan ako dadaan?" kabado kong tanong.

"Where are you?"

"Nasa bintana."

"Ganito. Lalapit ako riyan. Hintayin mo silang makapasok. Kaya mo bang tumalon sa bintana?"

Tumingin ako sa baba, hindi naman ito gano'n kataas pero natatakot ako. Papasok na sila sa bahay at mas lalo akong kinakabahan.

"K-kaya ko naman."

Mabilis kong kinuha ko ang bag ko sa kama at sinukbit iyon sa magkabilang balikat. Hindi ko p'wedeng iwan ang gamit ko.

"Nakikita na kita," sabi niya kaya tumanaw ako sa labas at nakitang nasa likod na siya ng sasakyan ni Roger. "Nakapasok na sila! You only have a few seconds to escape, Ahmya! Dalian mo na!"

Abot tahip na ang kabang nararamdaman ko. Mabilis akong sumampa sa bintana. It's now or never! Pumikit ako nang mariin saka tumalon sa bintana. Lumambot ang tuhod ko nang tuluyang bumagsak sa lupa.

Tumakbo si Khaos papasok sa loob saka ako mabilis na inakay.

"Tara na bago ka pa nila makita rito!" natataranta niyang sabi.

Nahihirapan akong maglakad dahil sa pagkabagsak ko. Pakiramdam ko'y napilay ako. Nawalan ng choice si Khaos kundi buhatin ako ng pangkasal saka tumakbo.

Nakalabas na kami ng gate pero narinig kong sumigaw si papa.

"Ahmya! Bumalik ka rito!"

Mas bumilis ang takbo ni Khaos, pagkaraan ng ilang segundong pagtakbo ay huminto siya at binaba niya ako sa isang motor. Sumakay rin siya roon at wala akong nagawa kundi yumakap sa kaniya nang mahigpit nang paandarin niya ang motor nang mabilis.

Kabadong-kabado ako saka lumingon sa likuran. Hinahabol kami nila Roger gamit ang Vios niya.

Taimtim ang pagdarasal ko na sana ay hindi nila kami maabutan. Nang makarating sa main highway, dahil nagkalat ang mga bar sa lugar namin ay hindi na kataka-takang marami pa ring sasakyan kaya naman mas binilisan niya ang pagmamaneho saka sumingit sa mga ito.

Sinisigawan siya ng ibang driver pero wala ni isang pinansin si Khaos sa mga iyon. Nang lingunin ko ang likuran ay hindi ko na makita ang sasakyan ni Roger.

Bumuhos na naman ang mga luha ko.

Nakalaya na ba ako?

Hindi pa ako nakakabawi sa kabang dinulot sa akin ng nangyari kanina. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pintig ng puso ko.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Khaos. Gabi na kasi at hindi na p'wedeng istorbohin ang may-ari ng bahay na nakausap namin noong nakaraan kung saan ako lilipat.

Nahihiya na nga ako at inistorbo ko pa si Khaos. Paano ako makakaalis doon kung wala siya? Sobrang laking pasasalamat ko na nandiyan si Khaos at hindi niya ako pinabayaan, naiintindihan niya ako.

"You can sleep to my room, sa sofa na ako matutulog," aniya habang nakatingin sa akin.

Pagod na rin ang mga mata niya.

"Dito na lang ako," sabi ko. "Kuwarto mo 'yon kaya roon ka na."

Bumuntonghininga siya saka hinila ang kamay ko. "Sige na. Doon ka na."

Wala akong nagawa kundi tumayo na lang at magpatianod sa hila niya. Huminto kami sa tapat ng kuwarto niya saka iyon binuksan. Tuloy-tuloy ang paghila niya sa akin hanggang sa loob bago niya ako binitawan.

Kumuha siya ng isang unan saka kumot na marahil ay dadalhin niya sa labas.

"Bakit ba sobrang bait mo sa akin?" Hindi ko na napigilang magtanong.

He looked at me. "Because all of them treated you so badly already. I can't do it. It's too much and that's something I wouldn't do. Ang p'wede ko na lang gawin sa 'yo ay iparamdam na hindi ka nag-iisa."

Napangiti ako nang mapait saka tumango. "Thank you . . . sa lahat nang ginawa mo."

"No worries," he replied. "Now, I want you to sleep. Rest, Ahmya."

Doon ko naramdaman ang sobrang pagod. Kailangan ko na magpahinga. Umupo ako sa kama niya.

"Goodnight," he uttered.

"Goodnight."

Pinanood ko siya hanggang sa makalabas, pinatay niya muna ang ilaw bago tuluyang sinara ang pinto. Humiga na ako saka pumikit. Pagod man ay hindi ko makuhang makatulog agad. Sa tingin ko ay isang oras na akong ganoon, hindi rin nagbabago ang pwesto.

Naalala ko ang picture ni mama sa bulsa kaya kinuha ko iyon at nagmulat ako ng mata. Maliwanag ang buwan kaya nakikita ko ang maganda niyang mukha.

Now I noticed that we really have a resemblance. Dati ang sabi ko ay kamukha ko pa si mama . . . ang mama ni Lyka. Iyon pala ay dahil kapatid niya ang tunay kong ina at hindi naglalayo ang itsura ng mga mukha nila.

"I wish you were still here," I whispered and kissed her photo.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Where stories live. Discover now