[Case-2] Apologies of the Past

8 0 0
                                    



"Your past is just a story. And once you realize this it has no power over you." 

—Chuck Palahniuk



Astrid's POV

Isa lang akong musmos na bata na walang kaalam-alam sa mundo noon. Ngunit nasaksihan ko sa mga mata ko ang walang awang pagpaslang sa mag-inang nasa harapan ko. 

"S-sir, maawa ho kayo." Isang lumuluhod na ina na nagmamakaawa sa isang pulis upang hindi dakpin ang kanyang anak. Pinipigilan niya ang namumuong tensiyon sa pagitan ng kaniyang anak at ng pulis na nasa harapan nito. "Wala ho kaming ginagawang masama."

Mas lumakas ang hagulhol sa buong paligid na akala ko'y wala lang kanina. Biglang tumingin sa akin ang matanda at nagmakaawa. "B-bata, tulongan mo kami," wika niya sa akin. 

Napaurong ang aking dila sa sinabi nito, agad ko siyang tinulak at unang tumama ang kaniyang balakang sa lupa. 

"Tang—" Galit na papalapit ang anak niya sa akin, bigla akong napapikit at magkakasunod na dalawang putok ang umungol sa buong paligid. Dahang-dahan kung binuksan ang aking mata at tumambad rito ang walang buhay na katawan ng matanda na hawak-hawak ang patay niyang anak.

Patay na sila.

"P-pa," nauutal kong sabi sa pulis na aking katabi. Walang kurap niyang isinilid ang baril na hanggang ngayon ay umuusok sa kaniyang bulsa. "Umalis na tayo dito." Saad niya.

Nagising na lang ako sa aking kwarto habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng malamig na pawis sa aking noo't leeg. Huminga ako ng malalim upang maabutan ko ang aking hininga. Matapos nun ay ininom ko ang malamig na tubig sa aking tabi at nagpalabas ng isang maluwag na hininga.

Nanginig ang aking mga paa dahil sa magkakasunod na bulong na aking narinig sa kwarto. Kada segundo ay mas lumalakas iyon, palakas nang palakas at papalapit nang papalapit. Bigla akong hindi makagalaa sa aking kinanatayuan, kahit gusto ko man ay tila may pumipigil sa akin. Wala ring boses ang lumalabas sa aking mga bibig dahil sa takot.

Alam kong nasa likod lang sila, dahil ramdam na ramdam ko ang kanilang presensiya at malamig nilang temparatura. "Kailangan mapasama ka sa kulongan bata." Isang tinig ng lalaki ang bumulong sa aking tainga.

"Hindi kami matatahimik hanggang buhay ka."

.

.

.

.

"Gising!" Tumambad sa aking mga mata ang nag-aalalang mukha ni Tita Norie. Napabalikwas agad ako ng bangon at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang mainit na likido na nanggaling sa aking mga mata. 

"Palayain mo na sila, Astrid. Tapos na." Saad niya habang nilalaro ang aking buhok. 

"Hindi, hindi sila umaalis. Araw-araw, gabi-gabi. Nandiyan sila nagmamasid." Sagot ko.

Pitong taon na rin ang lumipas matapos kung masaksihan ang walang awang pagpatay ng mag-ina sa aking harapan. Pinatay sila ng tatay kong pulis, kriminal. Wala pa akong alam nang mga oras na 'yun. Bakit sa harapan ko pa?

I'm Astrid Elissa Nolazo. I'm 16 years old. Nag-aaral ako sa Leigh High School. Namatay na ang tatay ko, habang ang nanay ko ay nasa abroad nagtratrabaho. Namamalagi ako ngayon kay Tita Norie, dahil hindi ko na rin kaya kung nasa probinsya ako. 

Natutunan kong mapag-isa tuwing nasa labas ako. Kahit pa't pitong taon na ang nakalipas ay mainit pa rin ang mga mata ng mga tao. Para bang isang sumpa ko na'to. Kung hindi lang ako sumama noon, mangyayari kaya 'to sa pamilya ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Midst of DarknessWhere stories live. Discover now